04
Nakasunod lang ako sa kanila, nauna sila kaysa sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang notebook ko.
"Aba? Ang bagal naman ni Maria makiling!" nilingon na naman ako ni Kenjie.
Napansin ko si Ivo na masamang nakatingin sa akin. Tss.
Bakit ba galit na galit 'to sa akin!?
"Galit ba 'yan sa akin?" bulong kong tanong kay Chai ng magkatabi na kami.
Ngumuso na lang ako ng umiling si Chaia na tumatawa.
"Pwede 'bang sumabay sa akin si Cresia?" nilapitan agad ako ni Megan ng dumating na kami sa parking lot.
Napansin ko ang pagkairita ni Ivo sa sinabi ni Megan.
"Why you so fond with that nerd!?" he sounds so frustrated.
Napayuko ako sa sinabi ni Ivo, ramdam ko ang pagkapahiya.
"Enough, Ivo. Kasama natin si Cresia." saway ni Jayden sa kanya.
"Please, I want to be with her. If that's okay?" pakiusap pa rin ni Megan.
"A-Ayos lang naman, uh. M-Megan." napakagat-labi ako at hindi man lang nakatingin sa kanila.
Napasinghap si Ivo at tila sumusuko na sa pang-giguilt ni Megan. "Okay fine, let's just meet in your house okay?"
Napansin ko ang paghalik ni Ivo kay Megan sa noo, umiwas ng tingin si Jayden at dumeritso na sa mustang niya.
"Don't worry walang label 'yan." bulong ni Chai sa akin.
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. E ano naman kung walang label?
"As if I care." umirap ako.
"If I know nasasaktan ka na!" bulong na naman niya.
"Chai hindi ibig sabihin na crush ko siya ay akin na siya okay!? He can still choose!" bulong ko pabalik.
"Anong binubulong niyo diyan ha?" biglang nagsalita si Wynd sa likod namin.
"Paki mo?" taas kilay na tanong ni Chai.
"Let's go!" saway ni Kenjie sa amin ng makita kaming nakatayo pa rin.
Dumeritso kami sa dalang SUV nila Megan habang ang mga lalaki ay sumakay sa kanilang kanya kanyang sasakyan. Mabuti na lang.
"Pasensya ka na kay Ivo kanina ha? That's his nature, masungit talaga 'yon at medyo mysterious." baling sa akin ni Megan.
"Hay... Ang sabihin niya, ayaw niyang napapalapit ka sa mga nerds. It is because he don't want you to level like them." umiling si Chai.
"He just protecting me. Sinabihan ko naman siya na gusto kong maging kaibigan si Cresia" mahinhin na sambit ni Megan.
"Protecting from what!? From Cresia!? Goodness! He's overreacting!" napatakip si Chai sa bibig para pigilang matawa.
"May galit ba 'yon sa akin? Galit ba 'yon sa mga panget na tulad ko?" wala sa sariling tanong ko.
Napalingon si Megan sa biglang tanong ko, napansin kong napaharap si Chai sa akin.
"Maganda ka, but as I have said to you, hindi mo pinapakita. Just a little retouch and take offs of your eye glass then viola! Perfect na." ngumisi sa akin ni Chai, napangisi na rin si Megan.
"I don't want that, I want a simple me." tanggi ko.
Nakita ko ang pag-iling ni Chai sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Popular's Good Girl (Populars Series #1)
Fiksi RemajaCresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she fall to a one hottest popular? The first book of Populars Series Populars Series 1: (The Popular's G...