08

1.1K 26 0
                                    


08

Napansin ko ang pananahimik nila sa isang tabi habang abala ako sa pagkain ng masanas. Nilingon ko si Megan na akmang magsasalita sana pero pinigil niya ang sarili dahil sa paghawak ni Ivo.

"May problema ba?" mahinang tanong ko.

Lumapit si Via sa akin, umupo siya sa side ng bed at hinawakan ang kamay ko. "Are you okay now?"

"Okay lang." tumango ako.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo doon ha?" si Chaia naman ngayon.

"Mabuti na lang dumating si Ivo." nakaupo si Wynd sa tabi ni Jayden.

Napasinghap ako. Oo nga naman. He saved me. Akala ko hindi niya ako tutulungan. He's ruthless indeed but I am definitely wrong.

"Pwede ka na daw lumabas mamaya. Ihahatid ka na namin." sambit ni Megan.

Unti unti akong tumango. "Wa-Wala ba kayong pasok?"

"Nah. Importante pa ba 'yon? No. Hindi kami pumasok." umiling si Wynd.

"Nahuli na namin ang may gawa sa'yo nito. Cresia." sabi ni Kenjie.

"We'll do the punishment once you'll be fine." ngumiti si Jayden sa akin.

Napansin ko ang lungkot ni Megan ng ngumiti si Jayden sa akin. She so affected. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko aagawin ang mahal niya pero hindi ako makapagsalita lalo na't nandyan si Ivo sa tabi niya.

"Ako na ang bahala kay Cresia. Her parents are waiting in our dorm." Via smiled to them.

"Oh! Okay!" Megan smiled.

"Can we talk Ivo? Just for a while?" I asked him.

Napalingon siya sa mga kasama namin. "Ihatid niyo sina Megan sa labas."

Tumango naman 'yong mga boys bago nila inalalayan sila ni Megan. Narinig ko pa si Via na nagrereklamo.

"Ano ba? Kaya ko sarili ko Wynd! Grabe naman hindi po ako lampa!" reklamo ni Via.

"Wag ka ng magreklamo bebelabs!" tinig 'yon ni Wynd.

Lumabas na sila kaya kami na lang ni Ivo ang naiwan dito. Umupo si Ivo sa side ng bed ko. Nakasandal ako ngayon sa hospital bed habang tinitignan siya.

I want to personally thank him. Alam kong nakapagpasalamat na ako pero gusto ko pa rin ulitin 'yon at mag-offer ng tulong ng kahit na ano para makabawi man lang.

"Ivo, salamat ulit." ngumiti ako sa kanya ng matipid.

"Kahit sino ay tinutulungan ko. I don't wanna see girls abused. My Mom is once a victim of violence so I am against it. At tsaka nakapagpasalamat ka na diba?" kumunot ang noo niya.

"I want to offer you something uh... May gusto ka 'bang gawin ko para makabawi sa'yo?" siguro nakukulitan na siya sa akin.

"Hindi ako tumulong para humingi ng pabor sa'yo pero dahil mapilit ka sige." tumango siya, nananatiling nakakunot ang noo.

"Oh sige! Kahit ano! Ano ba 'yon?" napaupo na ako ng tuluyan.

"Talaga? Kahit na ano gagawin mo para sa akin?"

Napatango ako habang hindi winala ang ngiti. Gusto kong bumawi sa ginawa niya kahit papaano.

"You know, I love Megan." 

Oh? Hindi naman na 'yon nakakagulat. Mahal niya si Megan kaso mahal ni Megan si Jayden. Paano 'yon?

"Hmn, then?" napasinghap ako.

The Popular's Good Girl (Populars Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon