09

1.2K 29 0
                                    

09

Isang pitik ang dumapo sa aking noo na nagpabalik sa sarili ko. Nilingon ko si Chai na nakataas na ang kilay sa akin. Problema niya?

"Kanina ka pa diyan. Alis tayo?" anyaya niya naman.

Wala na akong klase ngayon. Ayos lang naman na maglakad lakad kami sa loob ng campus pero may takot pa rin ako at pangamba sa maaaring mangyari. Natatakot akong baka mangyari 'yon ulit. Hays.

"Hindi ko nakita sila ni Megan kanina." nilingon ko si Chai pero nagkibit balikat lang siya.

Naglalakad na sana kami palabas ng campus ng makita namin sa may gym na may nagkukumpulan. Hindi ko alam kong anong activities ngayon sa school kaya lumapit ako.

"It's kinda weird. Why are they here?" Chai frowned.

Siya na ang humila sa akin para makalapit kami sa kaguluhan dito sa gym. Natapakan pa 'yong binder ko. Hell!

"Ano 'bang---aray ampota!"

Sinamaan ko ng tingin 'yong babaeng tinapakan ang daliri ko dahil sa pagkuha ko ng binder. Natapakan na din ang binder notes ko at halos gutay na. Nawalan na ako ng pag-asang pulutin 'yon!

Pambihira naman o!

"Nasira?" gulantang na tanong ni Chai.

Halata nga Chai e, nagtatanong ka pa.

"Oh? Sila Ivo at Megan oh! Ayon pala sila!" lilingon na sana ako ng hinila ako ni Chai papasok sa gym.


"Bakit tayo lalapit? Tss." umiling ako at nagpahila na lang.

"Oh ayan na pala sila Ivo!" tinuro pa kami ni Megan.

Gulat akong napatingin kina Jayden ng may hawak silang balde ng ano yan?

"Ampota ang baho!" bulong ko.

"Ew, Wynd please lang ilayo mo 'yan sa amin. Tss." umirap si Chai.

"Hindi ko naman isasaboy to sa'yo Chai, gusto kong lunukin mo 'to lahat." ngumisi si Wynd habang nilalapit sa amin 'yong blade na may mga worms!

Napatakip kami pareho ni Chai. Seriously hindi sila nababahoan? Halatang inuuod I mean mga uunod naman kasi 'yan letse nalito ako uuorin pa ba ang uod?

Magtatanong pa sana kami kaso nilampasan na nila kami para makapasok sa storage room. Teka?

"Listen. As the Vice President of this council. No one will do bullies to the students especially to those transferees and low self esteem. I will never tolerate bullying. This is the last time that I will announce this or else..." pinigilan ni Ivo si Megan na magsalita.

So the Vice President huh. Kung ganon magaling pala siyang mamalakad.

"Go to your next class. Now." madiin na utos ni Ivo.

Naguguluhan akong napatingin kay Chai na tahimik lang sa tabi ko. "Who are they Chai?"

"Hmm. Student councils? Akala ko umalis na si Ivo. He still on his position?" napatanong na rin si Chai sa akin kahit hindi ko rin naman alam.

Napansin ko ang mabilis na pag-alis ng mga estudyante sa buong gym sa simpleng utos lang ni Ivo. Wow naman. Sana all.

Bumaba na sila Ivo sa may stage. He's with Kenjie and Megan. Naunang umalis sila Jayden at si Wynd.

"Oy tara na!" aya ni Megan at hinila sina Chai at Kenjie.

Napalingon si Ivo sa akin na nakakunot ang noo. Anong problema niya?


The Popular's Good Girl (Populars Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon