Buong gabi ako nagmukmok at hindi nakatulog. Naiisip ko pa rin na baka sila na talaga ni Ivo at Megan.
Oh e ano ngayon?
"Oh? Hindi ka ba nakatulog? Inaantok ka ah? Inisip mo 'yon?" umupo si Via sa harap ko.
"Huh? Ang ano?" pinilit kong hindi magpahalata na tama siya.
Napakibit siya ng balikat. "Wala namang masama kong ikwento mo 'yan sa akin Cresia, tayo lang naman dito at magkaibigan naman tayo. Wag kang mag alala. Hindi ko ipagsasabi." ngiti niya.
Ngumuso ako. Hindi pa naman siguro ito pagmamahal. It is just an attraction na dapat tigilan ko na kasi hindi pwede!
"Wala namang masama na magmahal ng patago." ani naman ni Via.
"Hindi ko siya mahal 'no!" tanggi ko.
She chuckled a bit. "Too indenial. Alam mo hindi ka magiging lutang o maging tulala at mas lalong naiiyak kung hindi mo mahal ang isang tao na ngayon ay iniiwan ka na sa ere. Tsk." sabay inom niya ng milktea niya.
Hindi ko naman itinatanggi sa sarili ko na hindi ko siya gusto! Fine! Gusto ko siya! Pero hindi sapat na dahilan 'yon para ipaglaban ko siya kung gayon na may mahal siyang iba!
"Hindi niya ako iniwan Via. Simula pa lang naman ay walang kami." wala sa sariling tugon ko.
"Gotcha! So ibig sabihin niyan ay nagpapanggap lang kayo!? Para makuha niya si Megan!?" nanlalaki ang mata niya.
Nanlalaki din ang mata ko sa pagkadulas ko doon. Hala pakshet! Paano 'yan? Argh! Hindi naman siguro niya sasabihin!
"He used you? Tsk. Tsk. Tsk. Mga lalaki talaga sa panahon ngayon. Walang matino." ani niya.
"May utang na loob kasi ako sa kanya at ako na 'yong mismong nagsabi na handa 'kong gawin ang lahat para makabawi sa kanya." nag iwas ako ng tingin.
"Ah so ikaw naman pala ang may kasalanan nito Cres? Sa hiniling 'mong 'yan kay Ivo ay para mo na ring binigti ang sarili mo pero nakatayo ka sa upuan dahil hindi mo matuloy! Gosh! Sana Hindi mo na lang inintindi 'yon eh!" angil niya.
"Mawawala rin 'to Via." suminghap ako.
"Oh? Alam mo namang playboy sila tapos popular pa at sikat! Kaya nga ako hindi lumalapit sa mga 'yon dahil alam ko ang pag uugali ng mga 'yon! Mga heartbreakers sila! Argh!" umirap si Via sa kawalan.
Napasinghap ako at napailing na lang. Mali 'to e! Hindi kami pwede. Hayst. Wag mo na kasing pilitin Cresia!
Napagpasyahan namin ni Via na lumabas kami para kumain sa Shakeys, dahil sa malapit lang naman doon ay naglakad na lang kami papunta doon.
"Fuck you! Tagina ah?!"
Napatago kami ni Via sa pader ng may nag aaway sa kalye. Shet naman! May nagpapatayan pala dito kahit umaga! Ugh!
Nakita namin ang pagbagsak ng kalaban ng mga lalaki kahit mag isa lang siya at marami ang kalaban niya. Isang sapak ang napagpatumba sa kanya. Pareho kaming napatingin ni Via sa isa't isa at napangiwi na lang sa nangyari. Tsk. Matatalo na ba 'to?
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Aaaaaamp-hmp!"
May humawak sa bibig ko ng sabay kaming tumili ni Via. Nagpupumiglas ako at nagsimula ng gapangan ng takot ng hindi na nagsasalita si Via. Hala!!!
"Vi- hmp! Hmp!"
"Shhh. Ako lang 'to si Wynd!" bulong ng lalaking nakahawak sa akin.
Hindi ako nagdalawang isip na tuhodin siya para makawala ako. Tagina! Ang sakit ng bibig ko! Leche!
BINABASA MO ANG
The Popular's Good Girl (Populars Series #1)
Teen FictionCresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she fall to a one hottest popular? The first book of Populars Series Populars Series 1: (The Popular's G...