12Hinatid na niya ako sa dorm matapos namin magtagal sa mansion nila. Mabuti naman at naisipan niya pa akong ihatid at baka tuluyan ko ng sipain ang pagmumukha niya kung pababayaan niya na naman ako.
"Gabi na ah? Ngayon ka lang?" nakadekwatro si Via habang nanonood ng Netflix. Wala sa akin ang mga mata pero ako ang tinatanong niya. Panigurado.
"Hmn, hinatid ako ni Ivo." I put my things on the table.
Napalingon siya sa akin. "Magkasama kayo?"
"Hmn, yeah." I nod.
Matapos namin mag-usap about sa projects namin na hindi namin natuloy tuloy ay napagdesisyunan na lang namin na kami na dito na lang namin gawin sa dorm tutal ay malaki naman ang space dito. Magkakasya kami.
"Sabado bukas diba? Mas okay kung mag dm na lang ako sa kanila para dito na lang tapusin 'tong research paper." si Via.
"That's good! Magluluto ako ng makakain natin." sambit ko at nagpaalam na sa kanya para makapagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng umagahan at mag bake ng cookies. Nasabi na rin sa akin ni Via na pupunta sila Chai mamayang mga 10am.
Si Via ang nag ayos ng mga table na gagamitin namin. Nilapag niya doon ang mga files at macbook niya. Kinuha ko rin ang laptop ko at bag.
"Tapos ka na 'bang mag bake?" tanong ni Via habang abala sa paghalukay ng gamit niya.
"Yeah. Nilagay ko na sa ref." I said.
"Ang bilis ah!" nakangiting baling niya.
I smiled at her. "Mabilis lang naman talaga akong mag bake."
"Oh! By the way! Nag-order ako ng pizza." kinuha niya ang ilang box ng pizza at nilapag sa may coffe table.
Nagpaalam na muna ako sa kanya bago magpaalam na magbihis. Nagtext si Chai kanina na malapit na sila. Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko na silang kumpleto doon.
"Oh andayan na pala siya! Oy bilis!" tawag ni Chaia.
"Hello! Morning!" bati ni Megan at agad akong niyakap.
"Oh! Hi! Morning!" niyakap ko din siya pabalik.
"Wala 'bang yakap diyan sa akin bestfriend?" si Wynd na katabi ngayon ni Via.
Nananatiling tahimik si Jayden at si Ivo sa gilid ko. I stared at Ivo na nakatingin lang kay Megan at si Jayden naman ay nakatingin lang sa akin.
"Magsisimula na ba tayo o magmemerienda muna kayo?" si Via.
"Nah. No thanks Via, kumain na kami sa restaurant bago kami pumunta dito." Megan said.
"Mabuti pa, magsimula na tayo para matapos agad." Jayden interrupted.
"Mabuti pa nga." si Ivo naman ngayon.
Nagsimula na kaming gawin ang unang hakbang ng research. I open my laptop at nagsimula ng magtype. Nasa kalagitnaan na kami ng pag aayos ng kinalabit ako ni Ivo.
"I'll help you with that. Ako na ang gagawa sa iba. Tapos na ako." kinuha niya ang ibang papel sa akin.
Napaubo si Wynd kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano na naman kaya ang iniisip ng bwisit na 'to!?
BINABASA MO ANG
The Popular's Good Girl (Populars Series #1)
Teen FictionCresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she fall to a one hottest popular? The first book of Populars Series Populars Series 1: (The Popular's G...