"Bree, pwede daw bang makuha ni Janvick number mo?"
Napaharap ako kay Azel -- kaibigan ni kuya. At yung katabi naman niya ay si Janvick, kaibigan din ni kuya. Nasa iisang grupo silang magkakaibigan. At si Kuya Migs, siya ang kapatid ko. Kung kausapin ako ng mga kaibigan ni kuya ay patago lang dahil natatakot sila sa kuya ko. Wala daw kasing talo-talo kapag magkakaibigan. And of course, my brother knows what they are up to. They are all playboy!
"Bakit ikaw nagsasabi? Wala ba siyang dila para sabihin kung anu man ang hinihingi niya sa akin?" Pagtataray ko, don't get me wrong. I'm not grumpy as you think. Konti lang.
Nagkamot ng batok si Janvick, namula pa ng bahagya ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay, tumawa naman si Azel.
Village Fiesta ngayon dito sa amin kaya malaya akong makalabas kapag gabi. Kasama ko kanina iyong mga pinsan ko pero iniwan nila ako dito sa may basketball court dahil magpeperya daw sila.
Si Janvick at Azel ay 20 na pareho. Ako naman ay 17 lang, hindi ko sila tinatawag na kuya kasi hindi ko naman sila kapatid.
"Nahihiya daw kasi siya, Brianna Angelica." Sabi ni Azel na kinainis ko na naman, ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko. Basta ayoko!
Sinuntok ko siya sa mukha, napangiwi siya. "Shit! Ang bigat ng kamay mo, Bree." Sabi niya habang hinahaplos niya iyong ilong niyang napuruhan, ngumisi ako.
"Ilang beses ko na kasing sinabi sayo na wag mo akong matawag-tawag sa buo kong pangalan, inuulit mo pa. Ayan tuloy... nasaktan ka." Sabi ko, humina yung boses ko sa huli kong sinabi kasi nakonsensya ako kaagad nung nakita ko ang tumulong dugo sa ilong niya. "Sorry,"
"Janvhick!"
Napatingin kaagad kami sa nagsalita. Si Ate Mars, kapatid ni Janvhick.
"Hi, Bree. Hi Azel. Hoy Janvhick kanina ka pa tinatawag sa hall." Sabi niya, nginitian ko siya nung binati niya ako.
"Tss. Sunod na ako." Sabi ni Janvhick sa naiinis na boses.
Balita ko kasi ay magpe-perform siya ngayon. Magaling kasi siyang kumanta kaya lagi siyang naiimbitahang mag-perform dito sa village namin kapag may birthday, kasal o kahit na anu pa mang selebrasyon. Puera na lang kapag sa lamay.
"Anong nangyari sa ilong mo, Azel?" Nag-aalalang tanong ni Ate Mars,
Inirapan ni Azel si Ate. Hindi niya sinagot yung tanong ni Ate. Suplado talaga!
"I have to go. Azel, alam na ah?" Sabi ni Janvhick, naiinis na tumango naman si Azel. Mukhang na-badtrip talaga dahil sa suntok ko sa ilong niya.
Umalis na si Ate Mars at Janvhick kaya kami na lang ni Azel ang nandito. Tinignan ko siya at nakonsensya na naman ako dahil nakikita ko na iyong pasa sa may bandang ilong niya, tumigil na sa pag-dugo iyon. Maputi kasi si Azel kaya halata iyong pasa niya.
"Okay ka lang?" Tanong ko,
Tumingin siya sa akin ng masama. "Kung hinalikan kita at kinagat ko yang labi mo, magiging okay ka kaya?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko. Shit! Ano kayang pakiramdam ng mahalikan sa labi? Pinilig ko ang ulo ko. Never been kissed pa ako kaya ganun ang naiisip ko.
Kinurot niya ang pisngi ko kaya napaigtad ako. Tinampal ko iyong kamay niya. "Ang ganda mo talaga, Bree."
Kumalabog iyong dibdib ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko din ay nasusuka ako, yung tiyan ko ay biglang namilipit. Ito ba yung sinasabi nilang butterflies in the stomach? Bakit may ganito? Ignorante ako pagdating sa ganito eh. Wala pang nanliligaw sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng kiligin. At bakit andami ko ng naiisip eh sinabihan lang naman niya ako ng maganda. Excuse me, it isn't my first time na mapagsabihan ng maganda.
Bigla niyang hinila ang kamay ko, naramdaman ko na naman ang pag-nginig neto. Ito ba yung sinasabi nilang kuryente? Shit! Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, tumingin siya sa akin ng naka-kunot ang noo.
"S-san mo ko dadalhin?" Utal kong tanong, kinagat ko ang dila ko.
Lumapit siya sa akin kaya lumalayo naman ako. Nararamdaman ko na talaga ang pagtibok ng puso ko ng mabilis.
Hinapit niya ako sa bewang nung nakalapit na siya sa akin. Napasinghap ako, nalaglag na ata puso ko! Shit!
"Sa bahay, Bree." Namamaos niyang bulong sa tenga ko, nakaramdam pa ako ng kiliti kaya nanginig ang tuhod ko. And what? Sa bahay nila?
Buong lakas ko siyang tinulak. Sinamaan ko siya ng tingin, "Pinagsasabi mong gago ka?" Singhal ko, nagpapasalamat ako at hindi din nanginig ang boses ko.
Tumawa siya ng malakas. Nakuha pa namin ang atensyon ng mga nanonood ng basketball. Dahil sa hiya ko ay naglakad ako ng mabilis at iniwanan ko siyang tumatawa sa court. Naririnig ko ang yabag niya sa likod kaya alam kong sumusunod siya.
"Azel!"
Bigla niya akong binuhat, napatingin agad ako sa kamay kong napunta sa batok niya. Nalaglag na ata talaga puso ko nung nakita ko siya ng malapitan. Nakanguso siya at nangungusap ang kanyang mata. Gusto kong umapila na ibaba ako pero ang sarap sa pakiramdam na nasa bisig niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako.
"Hawak mabuti, Bree, baka mahulog ka." Sabi niya, naglalakad na siya sa kung saan.
Tinignan ko ulit ang mukha niya, nadako ang tingin ko sa mata niyang nakatingin sa akin ng mataman. Nahulog na ata ako!
