"Oh!"
Hinagis niya sa akin iyong icebag mabuti nalang ay nasalo ko ito dahil kung hindi ay tumama din iyon sa ilong ko.
"Salamat sa pag-abot ha?" Sarcastic kong saad.
Umupo siya sa tabi ko, lumayo naman ako kaunti. Nararamdaman ko kasi ang init na nanggagaling sa katawan niya, wala kasi siyang saplot sa katawan. Inalis niya kanina nung inilapag niya ako dito sa sofa nila. Napagod daw kasi siya sa pagbuhat sa akin. Tinawanan ko lang siya, kailangan ba kasi talaga akong buhatin mula sa plaza hanggang dito sa bahay nila? Hindi naman kalayuan 'yung bahay nila mula doon pero siyempre mabigat ako kaya napagod pa din siya.
"Mag-damit ka muna A-azel." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakikita ko kasi ang namamawis niyang dibdib pababa sa 6-pack abs niya. Hindi ko naman first time makakita ng abs pero naiilang ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro masyaydo itong malapit?
Tumawa siya ng mahina. "Para namang hindi mo ito nakikita kapag pinapanuod mo kaming mag-basketball,"
"I-iba ngayon," Bulong ko,
Lumapit siya ng upo sa akin. Umurong naman ako. Lumalapit pa din siya sa akin. Paurong ako ng paurong hanggang sa naramdaman ko na ang dulo ng sofa nila kaya hindi na ako pwedeng umurong. Napatingin ako sa mukha niya, mataman na naman siyang nakatitig sa akin. Iniwas ko ang tingin ko,
"Paanong naging iba ngayon, Bree?" Naramdaman ko na naman ang mainit niyang hininga sa pisngi ko, tumatambol na naman ang puso ko! Hindi ko...
"L-layo ka nga. Hindi ako..." Lumapit pa siya sa akin kaya hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin, nadako ulit ang tingin ko sa mukha niya. Sobrang lapit na niya sa akin, naririnig ko na ang pag-bigat ng hininga niya. Naririnig ko na din ang tibok ng puso ko.
"What, Bree? Hindi ka?”
Hindi ko narinig ang sinabi niya, yung galaw lang ng mapula niyang labi ang nasundan ko. Nahihipnotismo ako, hindi ko alam kung nasaan ako. Inosente at ignorante ako sa ganitong bagay. Wala pang kahit na sinong lalaki ang nakalapit sa akin ng ganito kalapit, yung labi niyang isang tulak na lang ay malalapat na sa labi ko. Ganun kalapit.
"Dito ang tingin Bree, wag diyan."
Napanganga ako sa bulong niya. Nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya pero nalulunod ako eh. Bumaba ulit ang tingin ko sa labi niya, nauuhaw naman ako. Hindi ko na alam kung saan ako titingin. Sa mata niyang nakakalunod o sa labi niyang nakakauhaw?
Narinig ko ang pag-tss niya tsaka siya lumayo sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Bakit may naramdaman akong panghihinayang?
"Tunaw na 'yung yelo, kuha ulit ako ng panibago. Diyan ka lang." Masungit niyang tugon tsaka siya tumayo at naglakad paalis, yung mukha niya ay parang nabitin din. Why he doesn’t kiss me then?
Hinawakan ko ulit ang puso ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng mga ignorante sa ganitong bagay? Pakiramdam ko ay nahuhulog ako ng ganun kabilis.
*
Kinuha ko iyong phone ko dahil biglang may nagtext. Hindi kasi ako pala-text na tao kaya lagi lang iyong naka-bag. I was just using my phone for emergency purposes.
Nangunot ang noo ko dahil unknown number ito. Hindi ko nireplyan dahil wala naman akong load. Nagpatuloy ang klase, kahit atat na akong umuwi sa bahay ay nakinig pa din ako sa prof namin. 1st year pa lang ako kaya kailangan kong magpakitang-gilas sa mga propesor para maganda ang tingin nila sa akin.
Atat na akong umuwi dahil friday ngayon. Ibig sabihin, uuwi na si kuya Migs dito galing sa siyudad. Kasama niya yung mga kaibigan niya. Ewan ko ba, may gusto kasi akong makita. At eksayted na ako doon.
Nung sa wakas ay tumunog na yung bell hudyat na break na ay dali dali na akong bumaba mula sa 6thfloor ng Management Building. Hindi ko na pinansin iyong mga tawag sa akin ng mga ka-grupo ko. Agad akong pumara ng jeep at sumakay doon.
Nung narating ko na iyong village namin ay inayos ko ang sarili ko. Maglalakad ako hanggang sa bahay namin, ayokong mag-tricycle baka mamis ko ang tsansa na makita siya.
Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang pag-tingin sa akin ng mga tao sa plaza. Madadaanan mo kasi iyon bago ka makarating sa bahay namin. Hindi ko alam lung bakit sila nakatingin sa akin, nagagandahan siguro sila sa akin?
"Brianna!"
Natigil ako sa paglalakad at nanlamig ako sa puwesto ko nung narinig ko ang boses na iyon. Shit! Ang may-ari ng boses na iyon ang gusto kong makita!
"Huy! Bakit hindi ka nagrereply?"
Kunot-noo ko siyang tinignan, namangha ako sa itsura niya. Bagong gupit siya, clean cut iyon. ang gwapo niya! At ngayon ko lang napansin ang kagwapuhan niya simula nung nauhaw ako sa labi niya.
Tumikhim ako. "Uy Azel." Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. "Nagtetext ka ba?" Tanong ko.
Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko pagkatapos ay inakbayan niya ako. Nag-umpisa na siyang maglakad kaya naglakad na din ako. Humahataw na naman ang puso ko.
"Tinext kita kanina pero hindi ka nagreply." Aniya.
Bigla namang may suminding ilaw sa isip ko. Siya iyong nagtext kanina! Teka, diba dapat si Janvick ang magtetext sa akin kasi siya iyong nangunguha talaga ng number ko?
"Hindi mo binigay kay Janvick iyong number ko?" Tanong ko nung bubuksan ko na ang gate namin, pupunta siguro siya sa bahay ngayon. Isang blocks lang kasi ang pagitan ng bahay namin mula sa bahay nila.
"Hindi no! Torpe yun masyado eh. Ako ang nasuntok mo kaya dapat lang na ako lang ang makinabang sa number mo. At saka hindi ko kailanman binabahagi sa iba ang pag-aari ko kahit sa kaibigan ko pa..."