Panglabing-dalawa

2K 54 6
                                    

Mabilis akong bumangon sa aking pagkakahiga nang makarinig ako ng mga ingay na nanggagaling sa labas ng bahay namin. Parang may nag-aaway. Parang may nagbubugbugan. Nang makatayo ako ay doon ko lang napagtanto na naka-uniporme pa din pala ako. Hindi pa ako nagbibihis pagkagaling ko kanina sa school. Sobra kasi akong napagod dahil sobrang daming kailangang ipasa para sa final output namin sa accounting subject namin.

Nang matapos akong magbihis ay humupa na iyong ingay sa labas. Walang tao dito sa bahay siguro ay nakikiusyoso din sa labas. Ganito kasi dito sa village namin. Kapag may nag-away, maraming nanonood. Eto pa ang pinakaayaw ko ha, nanonood lang sila at hindi umaawat. Iniling ko ang ulo ko.

"NAG-MANA KA SA PAPA MONG BABAERO! GAGO KA!"

Akala ko humupa na ang sigawan, hindi pa din pala. Lumabas ako sa gate namin at doon ko nakita si mama at papa na nakahalukipkip sa gilid. Si kuya Galvin naman ay naka-upo sa pavement.

"Kuya, anong meron?" Tanong ko sa kuya ko habang lumalapit sa kanya.

Agad siyang tumayo at saka nilapitan ako. "Iyong mag-pinsan, nag-aaway."

"Sinong mag-pinsan?"

"Si Azel at si Denver. Kilala mo naman ang mga iyon, konting bagay lang pinag-aawayan na." Sabi niya pa.

Iyong puso ko ay awtomatikong tumibok ng malakas nang marinig ko ang pangalan niya. Azel. Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita. Ibig sabihin, andito siya? Simula noong gabi ng village night namin na tumawag siya ay gabi-gabi siyang tumatawag sa akin. Dalawang linggo na din na laging gano'n. Kapag tumatawag siya sa akin, ang lagi lang niyang sinasabi ay mahal na mahal niya ako. Matapos niyang sabihin iyon ay pinuputol na niya ang tawag. Hindi man lang niya ako binibigyan ng tsansang mag-salita. Laging gano'n. Kapag gano'n ang eksena, lagi naman akong umiiyak. Nararamdaman ko kasi na parang may nagbago na. Sa paraan ng pagsabi niya na mahal niya ako ay iyon na lang iyon, wala ng katuloy. Wala ng susunod kasi para bang sinasabi niya na tapos na kami. Mahal niya ako at hanggang doon na lang iyon.

"Buntis si Frits, Bree."

Bigla akong naubo nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Migs. Katatapos lang namin kumain ng dinner at napagpasyahan kong magpahangin muna dito sa hardin namin. Kararating niya lang galing sa labas ng bahay. At eto ang sasabihin niya sa akin?

"B-bakit?" Kinagat ko ang dila ko. Maiiyak ata ako.

Tumawa si kuya sa tinanong ko. "Anong bakit? Syempre nag-sex sila kaya may nabuo."

Hindi ako nakapag-salita. Buntis si Frits? Kay Azel? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Naiiyak ako pero ayokong umiyak sa harap ng kuya ko.

Ako ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon