Panay ang pag-vibrate ng phone ko pero hindi ko iyon pinapansin. Nakaupo lang ako sa sahig at nakasandal sa kama ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ibinaon ang mukha ko do'n. Ilang gabi ko na ba itong ginagawa? Dalawang linggo na matapos iyon. Dalawang linggo na din akong umiiyak? Pinahid ko ang luha ko at nag-angat ng tingin. Tumitig ako sa kawalan at inalala ang mga araw na kasama ko si Azel. Iyong takas na pagpunta namin sa Manila, iyong mga gabing lumalabas ako papunta sa kwarto niya. Iniling ko ang ulo ko at ngumiti ng mapait.
Ngayon ko na naiintindihan ang sinasabi nilang, "You do crazy things when you're inlove." Nagagawa natin ang mga kabaliwang iyon dahil masaya tayo. Dahil nagmamahal tayo.
"Couz,"
Hindi ko binalingan ng tingin si Hana. Nahihiya ako sa ginawa ko. Buti nga ay nakakapasok pa ako sa umibersidad kahit may mga naririnig akong issue dito sa village namin. Hindi ko sila binibigyang-pansin. Wala naman kasi silang alam.
"Couz, okay ka lang ba?"
Ibinaon kong muli ang mukha ko sa tuhod ko. Walang makakaintindi sa akin. Walang makakapag-pagaan ng nararamdaman ko. Hindi nila ako maiintindihan. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Napaiyak na lang ulit ako. Ang sakit pa din. Parang fresh pa din iyong sugat. Hindi ko makalimutan. Mahal na mahal ko talaga siya.
"Bree,"
Nag-angat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses na iyon. Nakita ko si Janvick na nakasuot pa din ng long-sleeves na itim at necktie na puti. Naka-slax siya at itim na sapatos. Kagagaling niya siguro sa reception. Hindi ako lumabas ng bahay ngayong araw kaya hindi ko nakita kung anong motif ng kasal nila Frits. Siguro ay black and white.
"A-anong ginagawa mo dito, Vick?" Tanong ko. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito. Ang pangit pa ng itsura ko ngayon. "S-sorry, Vick, sa ayos ko ngayon ha? Masyadong haggard." Sabi ko. Naka-shorts lang ako at lose shirt, iyong buhok ko ay naka-bun ng magulo. I looked like a zombie. A broken hearted zombie.
"Sige, couz. Una na ako. Vick, ikaw na bahala." Sabi ni Hana na naka-puting dress din at heels. Napangiti ako ng mapait. Ako lang ang magmumukhang kawawa dito. Habang sila ay nagsasaya. Anong kayang itsura ni Azel ngayon? Ang buntis na si Frits?
Tumingin ako kay Vick at nginitian ko siya. "Ang g-gwapo mo naman, Vick. Nakakahi--" Awtomatikong nalaglag ang mga luha ko nang yakapin niya ako ng mahigpit. "J-janvick naman, e." Nanghina ako ng tuluyan kaya kumapit ako sa kanya. Hinaplos niya ng marahan ang buhok ko at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Lalo akong naiyak. Parang ngayon lang ako nagkaroon ng kakampi at masasandalan.
"Sige lang, Bree. Iiyak mo lang lahat,"
Lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi niya. Humagulhol akong muli. Hindi ko inalintana ang mga bagay-bagay. Sobrang naninikip ang dibdib ko. Sobra iyong sakit na parang mamamatay na ako. Para akong batang nakahanap ng kakampi sa katauhan ni Janvick. Kapag umiiyak ako ay karamay ko lang ang mga unan ko. Walang kuya Galvin at Migs ang nagpapatahan sa akin. Walang kuya Galvin at Migs ang humahaplos sa buhok ko kapag umiiyak ako.
Naramdaman kong umangat ang mga paa ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak sa dibdib ni Janvick. Naramdaman kong binuhat na lang ako ni Janvick at ipinahiga sa kama ko.
"Tahan na, Bree. Nandito lang ako,"
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan lang ang pagbuhos ng luha ko. Hinaplos ni Vick ang buhok ko ng buong ingat. "Ang sakit sakit, Vick." Sabi ko habang nakapikit pa din.
"Hussh. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, Bree."
"Durog na durog ako, Vick. S-sobra iyong sakit, Vick. Gusto kong m-magpahinga mula sa sakit. Gusto ko ng mamata--"
"Cut it, Bree. Wa'g kang mag-iisip ng ganyan."
"Vick, ang sakit... sakit.. kasi, e."
Naramdaman ko ang halik ni Janvick sa aking noo kaya napapikit ako. Matatanggap ko naman na hindi talaga kami ni Azel. Kakayanin ko. Siguro ganu'n talaga. May mga bagay na kahit gustong-gusto mo hindi mo pa din makukuha kasi pag-aari na iyon ng iba. May mga bagay na ipapalasap lang sa 'yo ang saya sa konting panahon pero babawiin din agad sa iyo. Katulad ni Azel, I have him. I fell for him but they took him away from me.
Ako ang mahal pero wala siya sa akin. Ako ang mahal pero iba ang pinakakasalan niya. Hanggang doon na lang iyon. Hindi ko matanggap pero kailangan tanggapin.
![](https://img.wattpad.com/cover/30128400-288-k577122.jpg)