Huminga ako ng malalim nang makalabas ako sa bahay namin. Alas dose na. Alam kong naghihintay na si Azel sa labas ng bahay nila. Ngayon lang ako nakalabas dahil nanuod kami ni kuya Migs ng Into the Storm. Naghintay pa ako ng isang oras para masiguro na tulog na nga si kuya.
Hinila agad ni Azel ang kamay ko nang makita niya ako. October na kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin. Naka-jacket ako, siya hindi. Pero bakit ang init ng katawan niya nang yakapin niya ako?
Kumalas ako sa yakapan namin. "Nandiyan sila?" Tanong ko, patungkol ko sa kapatid niya at sa papa niya.
"Wala. Halika." Hinila niya ulit ang kamay ko papunta sa kwarto niya. Napangiti ako. Agad akong humiga sa kama niya nang maisara niya ang pintuan ng kwarto niya. Ngumiti siya nung nakita iyong ginawa ko. "Namiss mo no?" Tanong niya,
Pinaikot ko ang eyeballs ko. Obvious na nga lang, itatanong pa. Ipinikit ko ang mata ko para maramdaman ko pa ang ambience ng kwarto niya. Namiss ko talaga ito ng sobra. Iyong mga gabi na tumatakas ako sa bahay para lang mahiga ng ilang oras dito sa kwarto niya. I missed it so much!
Naramdaman kong lumundo ang kama. Kasunod niyon ay ang pagpatong ni Azel sa akin. Ipinuwesto niya ang magkabila niyang kamay sa pagitan ng ulo ko para hindi ako masyadong mabigatan sa kanya. Iminulat ko ang mata ko. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko na parang ako lang ang nakikita niya. Ako naman ay nakatingin sa labi niya. Nanlaki ang mata niya nang iginalaw ko ang binti ko, dahilan iyon upang maramdaman ko ang pagkalalaki niya.
Ngumisi ako sa ipinakita niyang reaksyon. Nanlaki ang mata niya at lumunok ng maraming beses. Matagal ko ng iniisip kung bakit hindi niya ako inaayang gawin iyon. Hindi ko alam kung nagtitimpi pa din ba siya o kuntento na talaga siyang hanggang first base pa lang ang ginagawa namin. May respeto siya sa akin -- alam ko iyon -- kaya mahal ko talaga siya.
Habang tinitignan ko siya na nasa ibabaw ko at tinititigan lang din ako -- pakiramdam ko nakalaan lang talaga ang sarili ko para sa kanya kahit pa walang kasiguraduhan na mangyari kaming dalawa. Kaya kung may mangyari man ngayon, handa ako. Kahit gaano pa kagulo ang sitwasyon namin ngayon. Handa ako.
"Bree, ayoko niyang iniisip mo." Banta niya, alam niya kung anong iniisip ko? Napangisi ako.
"What? Ikaw ha, ang dumi ng iniisip mo." Painosente kong sabi habang nakangisi. Inirapan niya ako kaya natawa ako. "Bakit ka kasi pumapatong sa akin. Ayan tuloy...may nararamdaman ako." Binulong ko ang huling tatlong salita malapit sa tenga niya.
Bigla siyang umalis sa ibabaw ko at mahinang nagmura. Humagalpak ako ng tawa dahil sa pinapakita niyang pagtitimpi. Binato niya ako ng unan kaya lalo akong tumawa. Hindi pa siya nakuntento ay kiniliti niya ako.
"Oh my, God! Azel!" Tili ako ng tili habang kinikiliti niya ako sa tagiliran ko.
"Inaabuso mo ang pagtitimpi ko, ha?" Sabi niya habang patuloy siya sa pagtusok sa parteng iyon. The sound of my laughter filled his room.
