Pang-walo

1.9K 62 4
                                        

Napapikit ako ng marahan ng naramdaman ko ang paghawak ni Azel sa balikat ko. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga sa likod ko. Baka marami na siyang nainom?

Napadilat ako nang pwersahan niyang inalis iyong jacket ni Vick na nakasuot sa akin. Napasinghap ako sa gulat. Ano na namang drama niya?!

"Shit! Hindi ko akalain na magseselos ako sa jacket na 'to." Nakatalikod pa din ako sa kanya, ayaw ko siyang harapin. Baka lalong hindi na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Inihagis niya iyong jacket sa mesa namin. Humarap siya sa akin pero agad din akong tumalikod. Hindi ko kayang tignan siya sa mukha.

"Why Bree? Have I experienced you too well?" Panunumbat niya, hindi ko siya pinansin. Gusto kong malaman niya na nasaktan ako sa inderektang pakikipaghiwalay niya sa akin.

Huminga siya ng malalim. Halatang naiinip na siya sa paghintay sa sasabihin ko.

"12pm on my room, Bree. On my room." Maawtoridad niyang bigkas, sunod na narinig kong narinig ay iyong yabag niya palayo dito sa kusina namin.

I clenched my fist and grit my teeth. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko.

"SHIIIT!" High-pitch kong sigaw. Pakiramdam ko ay sasabog na ako. Hindi ko alam kung sa galit o sakit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bwisit na Azel. Tatlong araw na hindi nagtext. Tatlong araw matapos niyang sabihin na itigil na namin ito. Tapos ngayon kung makapang-utos na makipagkita ako sa kanya sa kwarto niya mamaya?! Hell no! I won't give him the satisfaction to see me.

Nanggagalaiti kong kinuha iyong phone ko sa bulsa ko at nakita ko kagad ang apat na sunod sunod na mensaheng galing sa kanya.

Azel

Pwede namang sa akin ka magpatulong, ah?

Azel

You like him.

Azel

Shit! Am I jealous? To my best buddy?

Azel

Shit Brianna! You're making me think too much and goddamn it, I don’t like it.

Kinagat ko ang labi ko. Nagseselos siya kay Janvick? Sinipa ko iyong bedside table ko. "Shit Azel! Bwisit ka!" Inis kong bigkas habang tinatadyakan iyong mesa ko. Naiinis ako sa kanya! Nagseselos siya so ibig sabihin mahal niya ako. Hindi naman siguro ako umaasa di ba? O pinapaasa ba niya ako?

"Anong ingay yan, bunso?!" Boses iyon ni Kuya Galvin, habang kumakatk sa pintuan ko.

"W-wala kuya! Masama ang pakiramdam ko!" Sigaw ko pabalik. Sumama talaga ang pakiramdam ko sa bwisit na Azel na iyon.

Ako ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon