Itinago ko sa likod ko ang mga papel na binigay ni Azel sa akin kanina nang pumasok si kuya Galvin sa kwarto ko. Lumunok ako. Kinakabahan ako.
"Para kang nakakita ng multo ah," Natatawang sabi niya. Ngumisi na lang ako. "Nabalitaan mo na ba iyong sa girlfriend ni Azel?" Tanong pa niya habang umuupo sa edge ng kama ko. Kaliligo lang ni kuya dahil basa pa ang buhok niya. Naka-boxers siya at puting sando.
I opted a nod. "Kailan alis mo, kuya?" I diverted the topic. Na-delay kasi iyong flight niya dapat sa America dahil nagka-problema daw sa agency ng airlines.
"Next month, maybe. Tambay muna ako dito sa bahay. Bakit nag-sasawa ka na sa akin, ha?" Bahagya niyang tinusok ang tagiliran ko. Napahagikgik ako. Pasimple kong tinakpan ng unan iyong papel na hawak ko sa likod ko. "Kapag nag-boyfriend ka bunso, wa'g iyong may sabit ha?" Napa-ubo ako dahil sa biglang sinabi ng kuya ko. "Okay ka lang? You're acting caprice, Bree? What's bothering you this time?" Tumaas ang kilay niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "W-wala. Inaantok na ako. Goodnight, kuya." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at humiga na sa kama ko.
"May girlfriend ako, bunso."
"Ha?" Napabangon ulit ako dahil sa sinabi ni kuya. Alam ko naman na may girlfriend siya. Hindi nga siya nauubusan eh. Pero iba ang pagkakasabi ni kuya no'n. Parang galing iyon sa puso niya? Pero nakikita ko sa mga mata niya iyong lungkot.
"Karma ko ata siya kasi niloko niya ako. Hindi ko alam na may anak pala siya. Well, she has no husband but they are living in one roof." Nakatingin si kuya sa mga kamay niyang nakakuyom. Nanginginig pa nga iyon, e. Parang gustong manakit.
"Tapos?" Umupo ako ng maayos. Minsan lang talaga mag-kwento ang mga kuya ko kaya naman interesado ako ngayon kahit na may bumabagabag pa din sa isip ko. Iniisip ko iyong sinabi ni Azel kanina at iyong mga papel na binigay niya sa akin.
"Sabi niya mahal daw niya ako pero hindi naman daw niya maiwanan iyong lalaki dahil makapangyarihan ito." Hindi ko alam kung may alam ba si kuya tungkol sa amin ni Azel. Hindi ko alam kung sinasadya niya ito o nagkataon lang. Iniling ko ang ulo ko. Hindi pwede dahil naniniwala akong walang lovestory na magkaparehas.
"Alam mo ba ang ginawa ko noong sinabi niya iyon, Bree?" Tumingin sa akin si kuya. Hinawakan niya ang balikat ko. "Sinampal ko siya. Sinaktan ko siya ng pisikal kasi alam kong sinabi lang niya iyon para guluhin ang isip ko. Para hindi ako magalit sa kanya. Mahal ko siya, bunso, pero hindi tama. Hindi tama kasi madadamay pati ang inosenteng tao kapag pinilit kong maging kami. Iyong anak niya. Inosente iyong bata kaya ayaw kong madamay siya. Kaya lumayo ako sa kanya. Kahit masakit nagparaya ako."