Pang-pito

2K 66 4
                                        

"What now, Brianna?"

Ngumuso ako at kinamot ang ulo ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila, "Ano kasi..."

"Dito ang tingin, Bree," Madiin na bigkas ni Kuya Galvin.

No. Hinding hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo. Ayokong isalba ang pagkakaibigan ni Kuya Migs at Azel. Sobra na silang close, alam ko na magagalit si kuya sa kaibigan niya. Brother rule nila ang "Walang talo-talo". Kailangan kong isipin iyon. Isa pa, ayokong ma-disappoint sa akin si Kuya Galvin. He knew me better. Sabi niya ay matalino daw ako, at wag daw akong magpakatanga sa kahit na anong bagay. Alam kong nadidisappoint siya sa akin kapag nalaman niya ito.

"Hachuuu!" Suminghot ako. Hindi iyon front act, totoong sinisipon na ako.

Narinig ko ang pag-tss ng mga kuya ko. Lumapit sa akin si Kuya Migs, nagningning ang mga mata ko nang makita ko na inilabas niya iyong susi ng posas sa bulsa niya. Tinulungan din niya akong tumayo.

Ni-stretch ko ang kamay ko. Pakiramdam ko ay nanigas talaga ang katawan ko. Nakapameywang si Kuya Galvin sa pinto ng bathroom, si Kuya Migs naman ay nasa gilid ko. Inaalalayan ako.

Dahil sa tuwa ko ay niyakap ko sila pero ngumuso ako noong tinulak nila ako ng marahan, "Magbihis ka. We're not done yet." Matigas na sambit ng panganay namin, lumabas na siya.

"Lagot ka, Bree, ginalit mo si eldest." Sabi naman ni Kuya Migs. Hinalikan niya ako sa noo. Napangiti ako, my brothers are really sweet. Kaya mahal na mahal ko sila kahit na minsan nasosobrahan nila ang pagiging kuyang istrikto.

"Bihis na! Huwag mong kakalimutan na hindi pa tayo tapos." Seryoso niyang sabi, umalis na din siya.

Huminga ako ng malalim tsaka na lumabas sa kwarto ni kuya. Narinig ko pa ang tawanan ng mga kabarkada ni kuya sa garden. Yakap ko ang sarili ko habang naglalakad papuntang kwarto ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa lamig. Mga strategy din ng mga kuya ko kung mang-hotseat eh, kailangan pa talagang ibabad ako sa yelo. Pinilig ko ang ulo ko, sweet talaga sila.

I took a hot shower, nagbabad ako doon para matunaw ang mga nanigas na ugat ko. Nagbihis din ako kaagad. Saktong hihiga na ako sa kama ay tumunog iyong phone ko. Lumakas agad ang tibok ng puso ko. Naka-set lang ang alarm na 'yon para sa kanya. Umupo ako sa kama at inabot iyong phone ko gamit ang nanginginig kong kamay.

Azel

I miss you. Kiss you. Give you my coat when you are cold.

Ano ba, Azel! Bakit na naman siya nagpaparamdam? Hindi ko maiwasang hindi kiligin. And now what? Di ba dapat galit ako sa kanya? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Simpleng text lang niya na ganito, natutunaw na ang mga smothers ko towards him.

No. Hindi ko siya rereplyan. Humiga na ako sa kama ko. Sumama ang pakiramdam ko. Tumunog na naman iyong phone ko. Argh! I feel the urge of replying his text pero... Urge lang iyon.

Azel

Mahal kita. I love you, Brianna ko.

Ako ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon