Bumangon ako at kinusot ko ang mga mata ko. Kanina ko pa naririnig ang nakakairitang katok sa labas ng pinto ko. Alam ko naman na wala akong pasok ngayong araw dahil sabado. Nilingon ko ang alarm clock sa bedside table ko. Inirapan ko iyon ng makita kong 5:30am pa lang.
Tumayo ako. Pupungas-pungas pa akong naglakad papunta sa pintuan. I hate this! Kung sino man itong kumakatok malilintikan sa akin.
"HAPPY BIRTHDAY, BREE!"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sabayang sigaw ni Mama, Papa, kuya Galvin at Kuya Migs sa pinto ko. Napangiti ako ng malapad nang makita ko ang paborito kong Butter Stick at Chocolate cake na hawak ni Kuya Galvin sa magkabila niyang kamay. Si kuya Migs naman ay may dalang dalawang pulang lobo. Si Mama ay may hawak na pulang box. At syempre pa, napaluha na ako nang makita ko ang hawak ni Papa na tatlong stem ng pulang rosas.
Napapadyak ako. "Naman eh! Pinapaiyak niyo ako!" Dabog ko. Ngumuso ako sa pagpipigil ng iyak. Tumawa naman sila tsaka nila ako niyakap.
"I love you, nak. Kita mo naman, maagang nagising ang mga kuya mo. Magdiwang tayo!" Napatawa kaming lahat sa boses ni Mama na parang bata. Ang mga kuya ko kasi ay madalas magising kapag tanghali na. Kaya naman sinabi ni Mama iyon.
Humiwalay sila sa yakap. Pumasok naman sila sa kwarto ko. "Tandaan mo 'to bunso." Sabi ni Kuya Migs. "Kahit marami akong babae - kaming babae ni Galvin - ikaw pa din at si Mama ang pinakapaborito namin. At syempre ikaw pa din ang top priority ko." Kinindatan pa niya ako.
Napangiti ako. Tumingin sa akin si Papa. "Inaagawan na ako ng mga kuya mo ng tungkulin nak." Sabi niya. Nilapitan niya ako at inakbayan. "Naniniwala ako sa mga kuya mo na aalagaan ka nila kahit anong mangyari. Kaya panatag na din ang loob ko kahit mamatay na a---"
"PAPA!" Sabay-sabay naming apela nila mama.
Tumawa si Papa. "Doon ang bagsak nating lahat." Sabi niya pa. "I am just reminding these two knights of the family that they should protect these two precious gems in the family." Inakbayan na din niya si Mama.
"Sir yes sir!" Sumaludo naman ang dalawa kong kuya. Natawa na lang ako.
Matapos ang usapang iyon ay nahiga ulit ako sa kama ko at tinitigan ang kisame. I sighed. Family. Mawala na ang lahat ng tao sa buhay ko wag lang ang pamilya ko. Hindi ko kakayanin kapag may isa sa kanila ang malagas.
Napakagat-labi ako nang maalala ko si Azel. Simula nung sabihan niya ako ng mahal niya ako thru phone ay hindi na siya ulit nagparamdam. Ganoon naman siya. Tatawag lang kung kailan niya gusto. Hindi ko na lang iniinda dahil nasasanay naman na ako. Para bang wala na lang din. Oo, mahal ko siya pero tama na muna. Tama na muna iyong mga araw na naging balisa ako dahil sa kanya.
Noong bandang hapon na ay nagsimula na ang kainan sa may hardin namin. Katulad ng sinabi ko ay simpleng handaan lang ang nangyari. Iyong mga kapitbahay lang namin ang meron, mga kasamahan ni Mama at Papa sa organisasyon at syempre pa iyong mga kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/30128400-288-k577122.jpg)