Pang-anim

2.6K 63 10
                                    

"Ma, gastos lang po 'yun eh!" Sabi ko kay Mama. Pinipilit niya kasi akong mag-pasukat ng gown para sa Debutant Party ko kuno.

 Debutant Party? I mean, gastos lang naman 'yun, eh. Let's be practical this time, hindi naman kasama sa basic needs ang pag-party 'pag 18 ka na. Isang araw lang naman ang celebration tapos gagastos ka ng higit sa P50,000. Like duh?! Isang buong taong tuition ko na iyon sa school.

 "Minsan lang naman 'to nak," Pilit pa ni Mama. We're having a family dinner dito sa bahay, kompleto kami ngayon. Umuwi si Kuya Galvin galing Manila para sa birthday ko next week.

"Ma, let her be. Kung ayaw ni bunso, wa'g ng pilitin. Baka mag-rebelde 'yan." Tudyo ni Kuya Galvin, nginitian ko siya.

"Pa, Ma. Liligawan daw ni Janvick si bunso nextweek."

"Kuya!" Singhal ko kay kuya Migs na tumatawa pa.

"Wala namang masama. Mabait naman si Janvick," Kibit-balikat ni Papa.

"May escort ka na pala 'nak eh." Sabi pa ni mama.

 Naiinis ako kapag ganito ang usapan. Ayaw ko iyong ako ang center ng usapan. Ayoko ng ganito. Binitawan ko ang kutsara ko at handa na sanang tumayo pero napatigil ako nang narinig ko ang seryosong boses ni papa.

"Stay still, Brianna Angelica."

Napanguso ako. Kapag binanggit na kasi ni Papa ang buo kong pangalan, ang ibig sabihin noon ay warning ko na. Pinilit ko na lang ubusin iyong kinakain ko. Tango at iling na lang ang sagot ko sa mga tanong nila. Gusto kong malaman nila na nagtatampo ako. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nagtatampo. Basta ang alam ko lang ayaw ko ng debutant party. Gagastos ka na nga, mapapagod ka pa sa pag-asikaso do'n. It's not beneficial. Wala akong makitang magandang dulot ng party na iyon. Para sa akin lang naman iyon.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay binabanggit pa din ni Mama iyong tungkol sa party ko. Hindi naman kami mahirap at hindi rin mayaman. Sakto lang. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan may merienda pa. Pero ayaw ko lang ng party. Ayaw ko ng atensyon.

"Isang beses ka lang magde-debut anak, dapat iyong memorable na. Alam mo kasi nung bata ako, hindi pa uso iyong mga ganyan, e. Masuwerte nga kayong mga bata kayo ngayon dahil nararanasan ninyo..."

"Pasok sa kanang tenga, labas sa kabila." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko para hindi ko na marinig iyong iba pang sasabihin ni mama. Kabisado ko na kasi ang linyang iyan dahil sa paulit-ulit 'yung sinasabi ni Mama kapag pinagsasabihan niya tungkol sa panahon nila noon at panahon namin ngayon.

"Ano, anak, nag-iba na ba isip mo? Tatawagan ko na ba i---"

Hinarap ko si mama at nginitian. "Ma, buo na po iyong desisyon ko. Simple lang pong handaan iyong gusto ko. 'Yung tayong buong pamilya, 'yung mga kaibigan ko at iyong mga kaibigan niyo ni Papa dito sa village. Wala na pong makakapag-bago ng desisyon ko, Mama. Ayaw ko po ng party sapat na sa akin ang salo-salo tayo next week." Putol ko sa sinabi niya. Pinunasan ko iyong kamay ko saka ko niyakap si Mama. "Salamat po sa hindi na pagpipilit sa akin. I love you, ma!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

Natawa siya at ginulo niya iyong buhok ko. "Oh sige na 'nak. Hindi ka na pipilitin. Love you, too,"

Nagpaalam na ako sa kanya at umakyat na din ako sa kwarto ko pagkatapos namin sa kusina ni Mama. Balak kong mag-aral dahil may quiz kami bukas sa principles of management.

Pagbukas ko ng pintuan ko ay ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko dahil sa nakita ko.

Ako ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon