Azel:
Kami na ulit.
My world stopped revolving as I read his text. My heart broke. Yes. My heart. Hindi ko alam na sa tatlong salitang iyon ay kikirot ng sobra ang puso ko. Agad akong pumunta sa kwarto ko para doon ilabas lahat ng luha ko.
Isang linggo. Isang linggo matapos iyong nakita ko siyang nabugbog ay ngayon lang niya ulit ako tinext. Tapos ito pa ang itetext niya sa akin? Napapailing ako. Wala lang ba talaga ang relasyon namin sa kanya? Ako lang ba ang nagmamahal dito?
Ako:
Talaga? Wow. Congrats mahal.
Pinilit ko iyong isend sa kanya sa kabila ng panginginig ng kamay ko. Oo, tinawag ko siya sa endearment namin para ipamukha sa kanya na girlfriend niya pa din ako. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya at ipaglalaban ko ang kaunting pag-asa para maging kami ulit kahit na hindi naman talaga kami naghiwalay.
Azel:
Labas ka. Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Usap tayo, please?
Napasinghap ako sa text niya. Agad akong tumayo. Wala ng isip isip. Gusto ko siyang makita. Namimis ko na siya.. Sobrang tagal na simula noong huli naming pagkikita. Ngayon na lang ulit, palalagpasin ko pa ba.
"Azel," Patakbo akong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya agad. Bumuhos na ang luha ko. Sobra ko siyang namis. Sobra sobra.
"Bree," Lalo akong naiyak nang banggitin niya ang pangalan ko. Puno din iyon ng pananabik. Ramdam ko ding mis niya ako. "Sorry, Bree," Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorr,y Bree. Sorry." He keep on repeating the same words. His shoulders were shaking. I broke the hug and cupped his cheeks.
Napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya nang ibaling niya sa akin ang kanyang paningin. Kinuha ko iyong kamay niya at hinila ko siya papunta sa bahay nila. Nagpapatianod naman siya, dahan-dahan kong binuksan iyong pintuan ng bahay nila. Nung masiguro kong tulog na iyong kasama niya sa bahay ay hinila ko siya ulit papuntang kwarto niya.
"Bree, sorry."
Iniling ko ang ulo ko. Hinalikan ko siya, namis ko na ito. Namiss ko na ang galaw ng labi niya sa labi ko. Tumugon siya sa halik ko. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang.
Iginiya niya ako sa kama at ipinahiga. He was on top of me, breathing heavily. "Sorry, Bree,"
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at sumandal sa headboard ng kama niya. Siya naman ay humiga sa binti ko. Hinagod ko iyong buhok niya at nakita kong ipinikit niya ang kanyang mata. Para bang pagod na pagod siya. Hindi ako nagsasalita. Baka kasi mapaiyak ako, martir na kung martir pero mahal ko siya kaya titiisan ko ang sakit makasama lang siya ngayon.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pakiramdam ko kasi ay wala akong laban kay Frits. Hindi patago ang relasyon nila, halos lahat ng taga-village namin ay alam ang relasyon nila. Eh kami? Hindi. Kaming dalawa lang ang may alam.
