Pangalawa

3.6K 98 14
                                    

Azel:

Liligawan kita.

Napanganga ako sa nabasa kong text niya. Shocks! Gumana na naman ang pagka-ignorante ko sa ganitong bagay. Diba dapat tinatanung muna kung pwede bang manligaw? Bumalikwas ako sa pagkakahiga para makapag-isip ng irereply sa kanya.

Ako:

Hindi ka ba magpapaalam muna sa akin kung papayag ba ako sa panliligaw mo?

Ni-send ko na iyong reply ko. Kinakabahan ako at nanginginig ang kamay ko habang nakahawak ako sa phone ko. Buti na lang pala talaga ay nagpaload ako kanina, simula nung nagtext siya sa akin ay hindi na ako nauubusan ng load. Ewan ko ba, gusto ko laging may komunikasyon kami. Basta!

Huminga ulit ako ng malalim nung umilaw ang phone ko.

Azel:

Hindi na. Basta liligawan kita at wala ka ng magagawa do'n.

Ako:

Paano ka manliligaw kung may girlfriend ka?

Buti na lang ay gumana ang utak ko ngayon. Alam ko kasi na may girlfriend siya, balita ko ay matagal na sila nung girlfriend niyang iyon. Pero ang sabi naman ng mga kabarkada niya ay umiikot lang daw ang relasyon nila sa sex. Yes, naririnig ko silang nag-uusap minsan, sa may garden namin kasi sila mahilig uminom kapag weekends kaya naririnig ko iyong mga usapan nila.

Simula din kasi nung nakatext ko si Azel ay naging interesado na ako sa mga kabarkada ni Kuya.

Nung hindi na siya nagreply ay napasimangot ako. Naramdaman ko din ang pagsikip ng dibdib ko. Ganito ba talaga yun o masyado lang talaga akong ignorante?

Kinabukasan ay lulugo-lugo akong pumasok sa school. Para akong walang buhay. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa ni-open yung tungkol sa kanila nung girlfriend niya. Pero tama naman iyong sinabi ko diba? Paano niya akong liligawan kung nakatali pa lang siya?

"Are you even listening Ms. Brianna Angelica Allegre?"

Ikinuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang buong pangalan ko. Gusto kong suntukin iyong prof namin. Tumingin ako sa kanya, poker face.

"Yes, ma’am." I answered.

Nagpatuloy iyong klase pero wala talaga akong maintindihan. Lumilipad ang isip ako.

"Bree, ano ba talagang nangyayari sayo?" Tanong ni Mira

"Wala. Okay lang ako, Mira"

Iniling niya ang ulo niya na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. I just shrugged, ayaw kong sinasabi ko sa iba ang nararamdaman ko. Hindi ako mahilig magsabi tungkol sa nararamdaman ko. Gusto ko lang na sinosolo ang mga iyon sa dibdib ko. Hindi ko alam. Nakasanayan ko na kasi.

Inabot niya sa akin iyong notes niya, tumingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Alam kong hindi ka nakinig kanina, may quiz bukas. Mag-review ka ha?"

Inabot ko iyong notes niya. "Paano ka?"

"Nakinig ako kanina. Sige, bye, Bree!"

Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka siya nagmadaling umalis. Naglakad na din ako palabas ng school. Tumayo ako sa paradahan ng jeep, tinignan ko ulit iyong phone ko pero wala pa din siyang text

Ako ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon