Azel:
On my room, please. I missed you, Brianna.
I sighed again. Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ito habang tinititigan ang text ni Azel. Dalawang oras na mula nang itext niya sa akin ito. Pinag-iisipan ko kung susunod ba ako sa sinasabi niya.
Isa't kalahating buwan na ang nakalipas simula nung birthday ko. Iyong mga araw na iyon ay lagi niya akong tinatawagan at tinitext. Lagi niyang pinipilit sa akin na bigyan ko siya ng pagkakataon para ayusin muna ang relasyon nila ni Frits. Hindi ko siya tinitext man lang o sinasagot ang tawag niya. Oo, hindi ko siya pinapansin pero sa loob din ng mga araw na iyon ay hindi ako naging masaya. Kapag kaharap ko ang mga kuya ko ay pinipilit ko ang sarili kong maging normal na 'Bree', iyong masayahin at pilya. Hindi ko na nga ata kilala ang sarili ko ngayon. Para bang may nagbago na. Parang may kulang. Hindi ko nga lang madepina kung ano iyon.
Huminga ulit ako ng malalim at binura ang text niya. Hindi ako susunod sa sinabi niya. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko pero wala naman akong maisip na gawin para gumaan ito. Kung sana hindi para kay Azel ang nararamdaman ko edi sana madali lang sabihin ito sa mga kuya ko at sa mga kaibigan ko. Pero kasi si Azel Villaruel ito eh, iyon ang nagpahirap sa sitwasyon. Grae Azel Villaruel is a synonymous to complication. Isa siyang malaking komplikasyon.
Azel:
Missed na missed na kita, Bree.
Ilang linggo ulit ang nakaraan nung itext niya ito. Parang natitibag na din ang bakod na itinayo ko. Sobra na ang pagkasabik ko sa kanya. Hindi ko na naman namalayan ang sarili ko na umiiyak. Kailan ko ba matututunan na hindi na mahalin si Azel? Parang ang hirap naman non.
Natapos ang second sem na hindi ko namamalayan. Ganun ata talaga, kapag wala kang pakialam sa mga nangyayari sa paligid mo, mabilis ang araw. Para bang nagfafast-forward ang lahat. Ganoon din kapag masaya ka, masyadong mabilis ang araw. Sa mga nagdaang buwan na si Azel ang kasama ko, masaya ako, mabilis din ang tahip ng araw. Nakakaloko lang.
Pinunasan ko kaagad ang luha ko nang nakita ko ang pigura ni Mira sa harap ko. Nandito ako sa school pero si Azel pa din ang naiisip ko.
"Ang bilis ng araw, hano? Second year na tayo!" Sabi niya habang iniinom iyong softdrinks niya. Katatapos lang namin mag-enroll na dalawa. Magkaklase kami halos sa lahat ng subject ngayon kaya masaya siya.
Tumango lang ako sa kanya. "Your phone is blinking, Bree."
Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa mesa. Unknown Number. Sumenyas ako kay Mira na sasagutin ko ang tawag. Tumango siya kaya naman tumayo na ako para makalayo sa cafeteria. Maingay kasi doon.
"Hello..." Bungad ko,
"Bree," Napasinghap ako. I know his damn voice! I know it's him. Tinignan ko ulit iyong numero. Tinakpan ko ang bibig ko. Nagpalit siya ng number. Alam niya siguro na sasagutin ko ang tawag ng iba kaya siya nagpalit ng numero. Hindi ko kasi talaga sinasagot ang mga tawag niya. At pinagsisihan ko ang hindi pagsagot sa mga iyon noon. Damn! Just hearing his voice on the phone makes me wanna squeal in delight. Missed na missed ko na siya!