PROLOGUE

2K 36 7
                                    

"I LOVE YOU, KEILA! MAHAL NA MAHAL KITA!" Kahit kailan lintik na bwisit itong si Ranz. Alam kong inaasar lang naman nya ko. Kung kaya naman ay hindi ko nalang sya pinapansin.

"Ayieeeeeeeeee!" Never akong kikiligin sa bida-bidang epal na papansin na 'to, lahat na. Aaminin ko na hindi ako kagandahan at katalinuhan lang ang mailalaban ko sa ibang babae. Kaya imposibleng magustuhan ako ni Ranz, sabi kasi ng iba pogi sya pero hindi ko naman napansin. Besides, hindi ko naman sya gusto, at kahit kailan ay hindi ko sya magugustuhan.

May mga times na nag-aaway talaga kaming dalawa pagdating sa leadership, binabatuk-batukan pa nga nya ako or minumura kapag mas alam nya at mali ako, o ayan ba ang gusto? Hindi rin ako natutuwa sa mga biro nya, kaya paano ako magkakagusto sa kanya? Talagang inis ang mararamdaman mo sa tuwing kasama mo sya. Pikon na kung pikon pero nakakainis naman talaga sya.

Pero ang talagang pinakakinaiinisan ko ay tuwing kapag inaagaw nya ang atensyon ng mga kaibigan ko, sumasama sama pa nga sya sa barkada namin. At hindi ko rin alam na maging ang bestfriend kong si Cherie ay nabiktima nya dahil maging ito ay nagkagusto sa kanya. Ang sarap mapa-facepalm.

"Paano kapag gusto ka talaga ni Ranz?" Tanong ni Cherie.

"Yun? Imposible. Trip lang ako nun." Sagot ko.

"Paano nga lang diba?"

"Eh! Bahala sya! Di naman talaga ako gusto nun!"

"Hindi mo sigurado." Nagulat ako ng sumingit sa amin ni Cherie si Ranz. Napalunok nalang tuloy ako. Eh ano naman kung narinig nya?

Pa-epal talaga 'to, lagi pang nagpapalibre sa mabait kong best friend. Nagpasabay pa sya sa aming magpa-print sa computer shop. Super kapal talaga ng feslak.

"Umalis ka na nga! Oo na! Ipi-print ka na namin!" Pagpapaalis ko sa kanya sa com shop kasi ako yung nagcocom tapos nangialam sya at na-delete pa ang ginawa kong document, pinaghirapan ko iyon eh kaya sinong hindi maiinis? Nagmarunong pa kasi!

Tapos magpa-print din kasi kami ng pictures ng crush namin ni Cherie eh hehehe...

Pero yun na yata ang huli naming pag-uusap. Dahil kasi sa pang-aasar na ginawa nya ay parang shini-ship na kami ng buong klase. At dahil isa rin syang dakilang makapal na epal na papansing bida-bida ay parang sya pa itong nandidiri sa akin ngayon at tinatanggi nya ng gusto nya ako. Masakit yun sa akin hindi dahil gusto ko sya pero masakit yun sa pride. May gusto akong iba at hindi sya...

Pero hindi na kami nag-usap ulit. Pataasan ng pride eh! Magkagrupo pa naman kasi sa halos lahat ng group activities kaya sya ang unang kumakausap sa akin kapag may kailangan sya. Naging kaibigan ko rin naman sya kahit papaano kahit madalas kaming magplastikan kaya medyo na-miss ko din syang makausap, medyo lang ah!

At ngayon ay kumakalat sa room na ang gusto nya ngayon ay si Maria, ang kaklase naming maganda at famous. Oh diba, sinasabi ko na nga ba at trip lang ako nang lalaking iyon. Tignan nyo, iba na ang gustong babae ngayon. Tss.

***

At ngayon kasalukuyan akong nasa karinderya para kumain... Ang haba ng pila! Kaya naupo muna ako sa may isang bakanteng mesa habang naghihintay.

Nagulat ako ng may umupo sa harapan ko at naglapag ng isang mangkok ang lalaking iyon.

"Oh." Itinulak nya ang mangkok sa akin.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Sopas."

"Oh, Anong gagawin ko dyan?"

"Kainin mo." Tumayo na sya pero muli akong nagulat ng lumapit sya sa akin at bumulong.

"Sopas. Para sa mga taong ginawang pampalipas oras."

---

Copyright © moshi_Clever, 2020

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon