"I love you, Keila.." bulong ko pa sa mahal ko.. At hinalikan sya sa pisngi. Natawa naman ako ng makitang kunutan nya lang ako ng noo.
"Tigilan mo nga ko! Alam mo namang ang laki ng tyan ko ngayon eh!" Gusto kong sabihing 'kung anong connect?' pero wag na.. Parang nilalambing ko lang naman sya eh.
"Kahit lumobo pa ng sobrang laki ang tyan mo, mahal ko.. Mahal parin kita." Bulong ko ulit sa kanya. Pero, wala hindi ko parin sya mapangiti..
"Eh! Tsk! Naiirita ako sayo! Layo!" Sanay na ko, sa araw araw na paiba-iba nya ng mood.. Dumalas lalo ngayong malapit na syang manganak.
"Kahit araw araw mo kong ganyanin, ikaw parin talaga ang mahal ko. Naiintindihan ko naman na kapag buntis, madalas ang mood swings." Nginitian ko pa sya ulit pero bigla nyang pinalo ng unan ang mukha ko.
"Yan, pantakip mo ng mukha mo, nakakainis ka eh!" Grabe naman, medyo masaket sa damdamin pero kailangan tiisin. Pero, bakit ayaw nya akong paglihian? Sayang naman ang kagwapuhan ko, kung hindi mamamana ng anak namin.. Lalo na't lalaki ang magiging panganay namin.
"Saka pala bukas, papuntahin natin dito sila Cherie at Dwight, nami-miss ko na sila. Mas gusto ko silang makita." Bakit naman kailangan pati pa yung Dwight na yun?! Ah, may naisip ako. Sabihin ko nalang kaya kay Keila, na si Cherie lang ang available bukas? Hihi.
"Keila, baka busy yung kapatid ni Cherie, alam mo naman diba co-teacher mo yun, marami kayong ginagawa sa school--"
"Ayaw mo ba syang papuntahin?" Napa-pout nalang ako ng taasan nya ako ng boses. Naman, nahalata nya ba ang strategy ko?
"Hindi naman--" Ayaw nya na naman akong pagpaliwanagin...
Bakit di ume-effect sa kanya ang mga pa-cute ko? Highschool pa lang kami, wala na talagang epekto mga pa-cute ko sa kanya, pero atleast napamahal ko sya sakin dahil sa kagwapuhan at kagandahang asal ko. Walang aangal.
"Di mo naman na kasi sya kailangang papuntahin dito--"
"Pero gusto ko eh." Sabi nya pa. Gusto kong maibigay lahat ng gusto nya, pero wag lang yung lalaking yun.
Di parin nakaka-move on sa kanya yun eh. Dumadamoves parin, kitang kasal na kami lahat at magkaka-anak na eh!
"Mahal ko naman eh.. Dapat ako lang ang gusto mo! Ako mahal mo eh! Ako ang asawa mo eh! Ako ang ama ng dinadala mo eh!" Bigla namang nagbago ang itsura nya, parang biglang umamo. Nakuuuuuuu! Parang alam ko na naman to ah.
"Sige na nga! Basta bilhan mo nalang ako ng yema cake ngayon, pleaseeee..." At mabilis nya akong hinalikan sa labi ko. Agad naman akong nanlambot sa kinauupuan ko. Hay, kahinaan ko talaga tong babaeng mahal ko. Simpleng paawa lang, wala na, bibigay na ako.
Pero teka, saan ako maghahanap nun ngayon? Aba, gabi na eh! Mag-a-alas diyes na ng gabi.
"Mahal ko, pwede bang bukas nalang--" Umiling sya at muling tumaray ang mukha nya. Pero ang ganda nya parin talaga.
"Pag hindi ka nakabili ngayon, wala kang kiss sakin ng isang linggo." Nagulat naman ako. Isang araw nga hindi ko kaya, isang linggo pa kaya?! Keila, mahal ko, naman eh!
"Mahal ko--" Tinaasan nya ako ng kilay.
"Syempre naman, kung anong gusto ng mahal ko, bibilhin ko, agad-agad!"
At napasugod nga ako sa labas, kahit dis-oras na ng gabi.
---
END OF SPECIAL PART 1! ❤
---
A/N:
Sorry pala if ang tagal ng part ng special chapters kasi super busy talaga ako. Wala tuloy napasok sa isip ko. Miss ko na nga sina Sean and Keila eh haha. De sige bye na po! Mag-update nalang ako kung kelan ko gusto haha.
Happy 4k reads pala sa story ko! Thank you so much sa inyo! Sana magvote and comment din kayo they will be highly appreciated. Grabe talaga tuwa ko sa story na to. Basta comment lang kayo jan yung mga magsusupport parin at gusto ng part two! Comment down below! 👇👇👇Malay nyo ganahan ako magsulat hihi.
BINABASA MO ANG
Study Buddies
Подростковая литератураNagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asaran, away, bati, asaran, away at bati. Ngunit naging malapit din naman sila sa isa't isa. Pero may...