PART 11: MAHAL KO

343 18 0
                                    


"Keila, nagpaganda ka ba para sa akin?" Napaiwas naman ako ng tingin. Akala ko hindi nya mapapansing nag-ayos ako. Pero, ano kayang tingin nya sakin ngayon?

"Ha? Eh sila Cherie kasi makulit! Sabi nila ayusan daw nila ako." Ngumiti lang naman sya.

"Bakit ka pa nila aayusan? Hindi na kailangan, sabihin mo sa kanila.. Ang ganda mo na nga tapos pagagandahin ka pa lalo, baka magkaroon tuloy ako ng kaagaw sayo.." Medyo nakaramdam ako ng lungkot, hindi nya ba nagustuhan?

"Ayaw mo ng nag-aayos ako?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kasing ako lang yung nakakakita sa kagandahan mo, mahirap na baka dumami ang manliligaw mo nyan eh.." Na-weird-uhan lang ako, wala namang manliligaw sa akin kung yun ang sa tingin nya.. Pero talaga bang nakikita nyang maganda ako? O sinasabi nya lang yun dahil gusto nya ako?

"Keila, ang ganda mo.. Isa sa mga nagustuhan ko sayo yung pagiging simple mo. Hindi naman kita pinagbabawalan na mag-ayos, natatakot lang ako.. Depende naman sayo, kung gusto mo yan, ok lang sakin basta wa-warning-an na kita, mas lalo akong mai-inlove sa kagandahan mo ngayon." Napalunok nalang ako ng sabihin nya yun habang diretsong nakatitig sa mga mata ko, ngumiti sya kaya napangiti na rin ako habang namumula ang pisngi ko..

Ang tagal lang naming magkatitigan habang nakangiti, akala mo tuloy nag-uusap kami gamit lamang ang mga mata namin. Mukha kaming baliw.

Hanggang sa na-divert na yung topic namin sa iba't ibang bagay.

"Gusto mo sayawan kita? Napansin ko kasi lagi na lang pala kitang kinakantahan." Tumango lang ako. Ano bang sasayawin nya? Pero may naisip ako.

"Pwedeng ako pumili ng sasayawin mo?"

"Sige, mahal. Ano bang gusto mo?" Napakunot nalang ang noo ko habang pumipili ng kanta sa cellphone ko.

"Tigilan moko sa mahal mo. Dapat mapa-impress mo ako." Pagtataray ko pa sa kanya.

"Oo naman, mahal! Baka mapa-standing ovation ka pa nga eh!" Sabay kindat nya pa sa akin.. Tss. Sabing tigilan na nga nya ang mahal eh!

Pinatugtog ko ang kantang "Alab" ng SB19. Nakaka-LSS talaga songs nila eh, kaya naging fan nila ako. Nagulat naman ako, ng sayawin ni Sean mismo ang steps nila.. Paano nya nalaman yun? Saka alam ko na rin kung bakit hindi ganung kaganda ang boses nya dahil a-ang galing nya palang sumayaw. Hindi man ako napa-standing ovation, natulala naman ako sa kanya.

"Keila naman, kulang nalang mag-drool ka sa kin." Sabay tawa nya pa. Hindi ko napansin na tapos na pala syang sumayaw pero nakatulala parin ako sa kanya.

"Ang galing mo. Teka, paano mo nalaman yung dance steps ng Alab? A'tin ka rin?" Ngumiti lang sya, yung pang sobrang confident.


"Hindi. Nagandahan lang din ako sa sayaw nila kaya inaral ko. Army ako, nag-fanboy pa nga ako sa BTS kasi akala ko fangirl ka rin nila.." Nagpout pa sya.. Natawa nalang ako.

"Army ka? Sample naman." Sabi ko pa. Kinuha naman nya ang cellphone nya saka tumayo at pin-lay ang tugtog. Muli akong na-weird-uhan sa kanya. Akala ko ba army sya?

Hanggang sa yun na yung step sa chorus na parang mala-sexy, oo aaminin ko ang galing nya, ang lambot ng katawan nya pero parang nahihiya tuloy akong manood kasi parang pang mala-macho dancer ang galawan nya.

"Akala ko ba army ka? Pero love shot ng EXO yung sinayaw mo? Ang gulo mo!" Sabay tawa ko sa kanya ng muli na syang umupo.

"Ha? EXO pala yung love shot? Akala ko BTS! Pero aminin mo, ang galing ko no? Lalo ka na sigurong mai-inlove sakin nyan!" At kinantyawan nya pa ako. Inirapan ko nalang sya tulad ng dati kong ginagawa.

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon