PART 2: STUDY BUDDIES

614 27 0
                                    

May pa-get-to-know each other pa si Ma'am na nalalaman pero hinayaan ko nalang yun, magkatapat kaming naupo sa mga upuang nakahanda na. Nakapatong sa pinaggigitnaan naming lamesa ang dalawang reviewer.

Nakatingin sya sa akin pero hindi ko sya pinansin, kinuha ko na ang reviewer ko saka nagsimulang magbasa. Kahit nakatakip ang reviewer sa mukha ko ay ramdam ko parin ang titig nya.

"Tatahimik ka nalang dyan? Hindi mo talaga ako kakausapin?" Pinalabas ko lang sa tenga ko ang narinig ko saka muling itinuloy ang pagbabasa, pero kahit hindi nakatakip ang mukha ko ay tumatagos naman ang titig nya mula sa reviewer.

"Ano ba?!" Napasigaw ako ng tumayo sya't hablutin ang reviewer ko.

"Salamat naman, pinansin mo rin ako." Nakangiti pa sya ah. Akala mo nakakatuwa.

"Akin na nga yan!" Itinaas nya iyon gamit ang kanang kamay nya. Napairap nalang ako dahil alam kong hindi ko yun maaabot dahil sa height difference namin.. Oo na, sya na matangkad!

"Mag-usap tayo. Galit ka ba? Kaya hindi mo ko pinapansin?" Tanong nya pa. Napa-buntong hininga nalang ako.

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Talaga?"

"Kulit mo, hindi nga!" Nakakainis talaga sya, ang kulit nya! Hindi makuntento ng hindi pinapansin, eh? Pwede bang mag-review nalang kami?

"Eh bakit nga hindi moko kinakausap?" Pag-uulit nya pa.

"Bakit naman kita kakausapin? Close ba tayo? Tsaka isa pa, hindi ako kagandahan diba? Kaya hindi ako bagay makipag-usap sa mga gwapo DAW na katulad mo!" Tumayo ako saka tinalon at pilit na inabot ang hawak nyang reviewer ko pero lalo lang nya yung itinaas.

"Di daw galit, pero lumabas din sa kanya. Hindi ko ibabalik tong reviewer mo hangga't hindi tayo nagkakaayos." Bakit ba nya ginagawang big deal yun?!

"Bakit ba pinapalaki mo 'to? Pwede bang mag-review na tayo? Kasi alam no sinasayang mo ang oras." Umiling-iling sya saka ngumisi. Sus! Pinagyayabang nya lang dimple nya eh!

"Mas masasayang ang aral natin kung hindi natin aayusin ang away natin, maapektuhan nun ang cooperation, teamwork and connection natin sa isa't isa.. Sige ka, baka matalo tayo.." Dami nyang alam! Tinakot pa talaga ako.

Tumango tango ako sa kanya saka nag-surrender para matapos na ang kaartehan nya.

"Fine! Ano bang dapat nating gawin?" Binitawan nya ang reviewer ko at ibinalik nya iyon sa lamesa. Tinignan ko sya at nginitian naman nya ako.

"Magbati muna tayo, I'm sorry sa sinabi ko.. Nagbibiro lang naman ako, sa totoo lang maganda ka naman talaga, lalo na siguro kapag ngumi--" I interrupted him dahil muntikan na akong mapangiti at madala sa pambobola nya.

"Uhm, okay na ko sa sorry.. Wag mo na kong bolahin, di na kailangan." I felt sincerity naman sa paghingi nya ng tawad and saka hindi naman talaga super sakit at hindi namam below the belt ang sinabi nya kaya hahayaan ko nalang.

"Ano? Okay na ba?" Tanong ko habang nakangiti.

"Ikaw kung okay ka na?" Nainis na naman tuloy ako ng ibalik nya sa akin ang tanong tapos ewan ko lang kung bakit natawa na lang ako bigla out of nowhere.

"Oo nga! Okay na ko! So, what's next?"

"Aba! Okay ka na nga no?! Alam mo mas maganda yang parati kang naka-smile just like me kaya nga ang gwapo ko eh, para good vibes! Diba?" Napa-buntong hininga nalang ako. Hindi nya talaga kayang hindi ipagmalaki ang itsura nya.. Tsk! Tsk!

"Dami mong ka-echosan sa buhay, kuya Sean.." Bigla namang nag-iba ang timpla ng masaya nyang mukha.

"Okay na sana eh, panira yang kuya mo.. Sabing Sean nalang. Isang taon lang naman tanda ko sayo ah." Lalo tuloy akong natawa, sabi na nga ba maiinis sya dun, ayaw nyang tinatawag sya na kuya hahahaha!

"Sorry naman! I was just joking, Sean. Wag kang magalit, masisira mo yung good vibes atmosphere.. Teka, Sean, alam mo ba pangalan ko?" Magaan na rin naman ang loob namin sa isa't isa at kilala ko na sya tapos ako hindi nya kilala? Aba nga naman.

Bigla syang natawa. Hay! Napatitig tuloy ako sa kanya, naglabasan na naman dimples nya eh!

"Hindi eh." Yung sagot nyang yun ang napakunot sa noo ko, sinabi naman ni Ma'am pangalan ko ah!

Bigla syang nag-peace sign saka tumawa ng malakas. Ang laki nya talagang sira ulo, nakakainis!

"Hahahaha! Eto naman, beast mode agad?! Joke lang! Ano yun? Kanina pa kita kausap tapos hindi ko alam pangalan mo? Syempre alam ko!" Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Sino nga ako?" Kalmadong tanong ko.

"Keila Miracle Dela Torre, oh kita mo alam ko buong panga--" Hindi ko alam kung bakit sya natigilan kasabay ng pag-pop ng tanong sa ulo ko. Paano nya nalaman ang buong pangalan ko?! Eh, Keila lang naman ang pakilala sa akin ni Ma'am kanina sa kanya..

"Teka, paano mo nalaman full name ko?"

"Nabasa ko nung mag-friend request ka sa kin."

"Ano?! Kailan naman ako nagpa-add sayo?" Napaisip tuloy ako.

"Aba'y malay. In-accept na nga kita kahapon eh." Talaga bang in-add ko sya?! Ma-tignan nga mamaya pag nag-online ako.

"Eh! Ewan ko sayo!" Inis na sigaw ko sa kanya pero at the same time ay nakaramdam ako ng hiya. Talaga bang nagsend ako ng friend request sa kanya? Kailan?!

"Ako ba? Hindi mo aalamin buong pangalan ko?" Napatingin ako sa kanya, ako kanina ko pa inalis ang suot kong ID pero sya hindi parin kaya naman lumapit ako sa kanya't hinawakan ang suot nyang ID.

"Ah! Shit!" Nagulat tuloy ako.

"Ano ba?! Bakit ka ba nagmumura?"

"Nakakagulat ka naman kasi basta-basta kang lumalapit." Ako pa daw ang nakakagulat?

"Sabi mo eh, alamin ko buong pangalan mo.."

"Sean Ismael Valencia.." Basa ko sa pangalan nya't sabay bitiw sa ID nya.

"Pangalan ko pa lang, gwapo na no? Pero syempre mas gwapo ako!" Natawa nalang ako sa kayabangan nya.. Dapat masanay na ako roon.

"Ewan ko sayo, Ismael!" Napatitig naman sya sa akin. Wala namang masama dun, ah? Maganda kasing pakinggan ang second name nya eh.

"Sige second name basis tayo ah! Tatawagin mo kong Ismael at tatawagin naman kitang.. Milagro hahahaha!" Saka sya tumawa ng malakas. Sinamaan ko sya ng tingin saka sya binatukan.

"Ouch! What was that for?"

"Bwisit ka! English-english ka pa dyan! Anong Milagro itatawag mo sakin?!"

"Milagro, Miracle, para namang tinagalog ko lang. Ganda nga eh parang ikaw... Umuwi na rin pala tayo baka tayo nalang estudyante dito." Sira talaga to! Kakaiba nya, mukha nya!

Niligpit na namin ang mga gamit namin at napag-usapan naming bukas ay magre-review na talaga kami ng matino.

Asaran lang kami ng asaran hanggang sa makalabas ng school. Nagulat nga ako bago kami umuwi dahil nanlibre pa sya ng isaw. Wow! Sarap ng libre! Kaya syempre sulitin na hahahaha!

"Sige! Kita nalang ulit tayo bukas, Milagro!" Paalam ng bwisit at naghiwalay na kami ng daan.

---

THANKS FOR READING! <3

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS! LOVELOTSSS!♥♥♥

-moshi_Clever

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon