PART 5: HAPPY PILL

383 23 2
                                    

Kinagabihan, naisipan kong mag-online para mapalitan ko ang password ng fb account ko at hindi na mabuksan pang muli iyon ni Cherie. Mag-o-offline na sana ako ng may mag-chat sa akin sa messenger.

Sean:
Keila?

Sean:
MILAGRO?

Sean:
Ikaw na ba yan?

Natawa tuloy ako.. Naninigurado syang ako itong gumagamit ng account ko ngayon. Mukhang naalala nya ang sinabi ko kanina.

Me:
Oo

Sean:
First time mag reply ah!

Ano na naman kayang trip ng lalaking ito? Walang magawa?

Me:
Magre-review pa ko. Bye.

Sean:
Kaka-ol mo lang... Bilis mo namang mag-bye.

Me:
Ano naman?

Sean:
Taray mo pa rin sa chat. Haha

Sean:
Wag ka muna mag-offline. Gusto pa kitang makausap.

Me:
Bakit?

Sean:
Gusto lang kitang makausap.

Me:
Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?

Sean:
Hayst! Di ka talaga sanay makipag-chat no? Kaya wala kang jowa eh. Wala ka talagang pag-asa kay Emman.

Me:
Oh? Ano naman kung wala akong jowa? Tsaka bakit sya nadamay dito?

Sean:
Sinasabi ko lang baka kasi tumanda kang dalaga jan

Hindi naman kasi ako nagmamadaling makahanap ng lalaki eh. Wala pa nga akong college, aatupagin ko na yan?

Me:
Paki mo?

Sean:
Galit agad?

Me:
Ang non sense kasi ng pinagsasabi mo!

Sean:
Sorry na✌

Sean:
Ano bang gusto mong pag-usapan?

Me:
Wala.

Sean:
Cold mo naman sakin

Me:
Ano ba kasing kailangan mo?

Sean:
Gusto lang kitang makausap.

Pang-ilang sabi nya na yan.. Hay! Diko sya magets!

Sean:
Di ako mapakali eh. Nakita kong online ka kaya agad kitang chi-nat


Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon