PART 7: HE'S SICK

416 20 50
                                    

ANG BILIS talaga ng araw.. Dahil today na ang Laban namin. Maaga akong gumising at naghanda syempre. Kailangan maaga kami dahil sa ibang school gaganapin..

"Good morning!" Sya ang sumalubong sakin pag dating ko pa lang sa gate ng school.. Naalala ko pa yung huling message nya kagabi, siguro talaga wala lang syang magawa.

"Good morning den.. Nasaan na pala si Mam?" Pinilit kong ngumiti kahit kabado.

"Di pa dumadating.. Gusto mo kumain muna tayo?" Umiling ako baka nanlibre na naman sya.

"Mag-review kaya tayo?" Tanong ko. Nangunot naman ang noo nya sa sinabi ko.

"Kabado ka talaga no? Relax lang.. Tsaka ipahinga mo yung utak mo, mamaya na yung laban.. Baka mamaya mawala lahat ng ni-review mo, edi pabuhat ka mamaya.." Huminga ako ng malalim.. At sige na nga, kailangan ko talaga mag-relax..

"Gusto mo? Naniniwala akong pampatalino to eh!" Pinigilan kong ngumiti dahil baka isipin na naman nyang kinikilig ako, kinuha ko ang isang plastic ng mani na hawak nya at sinimulan na rin iyong lantakan..

"Seryoso ako sa sinabi ko sayo kagabi." Napalingon ako sa kanya ng magsalita sya.

"Ha?" Alin?

"Wala.. Kumain ka na nga lang."




HINDI KO talaga inasahan na magbubunga lahat ng efforts namin sa pagre-review... Kahit talagang kabado ako dahil ito ang first time ko na isali sa science quiz bee.. We won first place!!! Hindi lang yun karangalan para saming dalawa maging sa school namin.

"Buti nanalo tayo kanina, kahit nagkamali tayo sa first question dahil sa sagot mo.." Kanina pa sya nagpaparinig sakin, oo na ako na mali! Pinalitan ko kasi yung unang sagot namin tapos tama na pala yun.

"Sorry na nga diba! Di to makaget-over eh!" Nasigawan ko na tuloy sya.

"Eto naman nagbibiro lang, di ka na nasanay sakin.." Galit pa din ako kaya inirapan ko sya.

"Teka, nag-aaway ba kayong dalawa?" Gulat na napatingin sa min si Mam, kasalukuyan kaming nasa jeep pauwi na mula sa pinagdarausan ng contest.

"Hindi po." Sabay naming sagot habang umiiling.

HINDI PA pala kami umuwi dahil ti-nreat kami ni Mam sa isang fast food chain..

Tahimik na kami ni Sean kanina pa na hindi ako sanay.. Dapat kanina nya pa ko dinadaldal or inaasar sa kung anu ano.. Pero teka, bakit ko ba hinahanap yun? Siguro nga nasanay na ako sa ganun pero mabuti na rin tong tahimik di ako maiinis..

Tanong lang ng tanong sa amin si Mam tungkol sa quiz bee at kami naman ay sagot lang ng sagot.

KRING KRING KRING!!!

Napatingin tuloy ako sa bag ko sa cellphone, wala namang natawag tsaka ko lang napansin na kay Mam pala yun, nag-excuse sya samin kaya naiwan kaming dalawa sa table.

Tinignan ko sya at parang hindi sya masigla ngayon, how unusual, napapa-english tuloy ako. Kanina lang ay masaya sya dahil nanalo kami pero nahahawa tuloy ako sa kanya ngayon di rin ako mapalagay bakit ba sya ganyan, parang ang tamlay talaga nya.

"OK ka lang ba?" Diko na napigilang magtanong. Bigla namang sumilay ang ngiti sa labi nya.

"Uyy worried sya~" Pinili pa nyang manukso.

"Tumigil ka nga.. OK ka lang ba? Iba ka kasi ngayon, ang tamlay mo para kang may sakit." Pilit syang ngumiti.

"Medyo masakit lang ulo ko.. Pero wala lang siguro to." Yan nga rin nasa isip ko, teka nakalaban pa sya kanina ah! At nanalo pa kami..

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon