EPILOGUE

440 25 0
                                    

Epilogue

"Ayieeeeeeeee!"

"Mam naman sagutin nyo na kasi si Sir!"

"Go Sir Dwight!"

Itong mga batang to, ang kukulit ah. Ito ba naman kasing si Dwight, hindi parin ako tinantanan kahit mga teacher na kami ngayon sa isang public high school. Sabi nya liligawan nya parin ako, tutal single parin naman daw ako eh.

"Dwight, wag mo na akong ihatid, ok?" Umiling lang sya habang nakangiti.

"Gagawin ko kung anong gusto ko, saka teka, may magagalit ba sa akin kung ihatid kita?" Napa-facepalm nalang ako.. Lagi nyang sinasabi sa akin yun eh. Oo, walang magagalit sa kanya, dahil single nga ako at walang boyfriend.

Talagang hindi na bumalik ang taong hinihintay ko, dun na sya nag-aral, dun na rin sya nagtrabaho bilang isang architect doon. Diko alam na magaling pala sya sa larangang yun ah, ang alam ko lang kasi magaling sya sa kalokohan. Pero hindi na mababalik ang nakaraan, hindi nya na talaga ako kinausap eh.

Parehas na kaming may trabaho ngayon, pero wala pa rin. Yung sinabi kong kakalimutan ko na sya, Hindi ko pala kaya. Kainis lang! Sya pa rin!

"Ano ba kasi talagang gagawin ko? Kakalimutan ko na sya o ewan ko bwisit!" Kunot noong tinignan naman ako ni Cherie.

"Nasa sayo yan, kung gusto mo ng magmove on. Kung gusto mong magmove on nandyan lang naman si Kuya para sayo eh... Hindi naman kita pinipilit na pansinin mo sya, pero kasi Keila, ang tagal nya ng umaasa sayo." Oo nga, pinapalayo ko sya sa kin, para Hindi na sya masaktan pero anong ginawa ni Dwight, mas lalo pa nya akong nilapitan at hindi na nilubayan.

"Cherie, gusto ko ngang lumayo na si Dwight eh, dahil ayoko na nga syang umasa.."

"Ibig sabihin, wala talaga syang pag-asa? Kahit katiting lang?" Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makasagot eh, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hay, naaawa ako kay Kuya.. Pero hindi naman kita pwedeng pilitin na magustuhan sya eh. Kung si Sean parin para sayo, bakit hindi ka gumawa ng paraan para makausap sya ulit. Wag mo namang sayangin pagtaboy mo kung sakali kay Kuya.. Kapag nasaktan ka pa ulit, magmove on ka na ha!" Napaisip tuloy ako sa sinabi nya. Ako na naman ang magmo-move kay Sean? Nahihirapan na ako pero wala eh, ganito pala ang pakiramdam magmahal, sya parin... Kaya gagawin mo nga naman ang lahat.

"Sorry talaga, Dwight. Please... Tigilan mo na yung panliligaw sa akin. Pasensya na talaga kung hanggang kaibigan lang ang mao-offer ko sa yo eh... I'm really sorry. And thank you, sa hindi pag-iwan sa akin sa mga oras na kailangan kita." Nakita ko ang pilit na pagngiti nya kasabay ng pagtango nya.

Umalis na rin ako dahil alam ko ngayon ang dating ni Sean. Susubukan ko ulit, diba sabi nga, try and try until you succeed kaya eto na!

Pinalakas ko muna ang loob ko, saka nagpunta sa bahay nila Tatay.

Hindi ko na prinactice pa ang mga sasabihin ko, basta sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

Pumasok na ako sa bahay nila, at nagulat ako, ang tahimik kasi eh. Sinilip silip ko ang buong bahay, walang tao.

Sinusundo palang ba sya? Bakit walang tao?

Umupo nalang muna ako sa sofa sa Sala. Nagulat naman ako ng makitang may nakatayo sa harapan ko, napatingala naman ako.

Lumakas agad ang tibok ng puso ko, at napalunok ako sa kaba.

"A-ah, Sean... A-ano pwede ba tayong mag-usap?" Kahit nagtataka ako kung bakit sya lang ang nandito ay diniretso ko na sya na gusto ko syang makausap.

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon