LAST PART: TO FORGET

366 19 0
                                    

Napaka-dami talagang ginagawa sa school, ako nga nadadamihan na, si Sean kaya? Kaya ang naging usapan namin na in-agree-han naming dalawa ay, salitan nalang naming bisitahin ang isa't isa tuwing libreng oras namin.

Kaya tuwing pupunta ako sa school nya, sumasama naman sa akin itong si Daisy para raw makita ang kanyang boyfriend.. Napailing iling nalang ako, si Cherie naman, tuwing awasan hindi na sumasabay sa amin, hindi nya sinasabi ang mga pinag-kakaabalahan nya ngayon. Napansin din namin ni Daisy na hindi na sya masyadong gumagastos, napakatipid at kuripot nya na.

Pumasok tuloy sa isip namin na baka may boyfriend to, na sinusustentuhan pero tinanggi naman iyon ni Cherie.

Pagkapunta naman namin sa University of San Agustin ay nakasalubong pa namin si Dwight. Binati nya kami.

"Binibisita nyo ba ako? Teka, asan kapatid ko?" Nagulat naman ako sa tanong nya ah. Naging close na rin kasi kami nitong si Dwight, hindi ko alam kung bakit these past few days lagi ko syang nakakasabay papasok ng school tuwing naglalakad ako, bihira na kasi akong mahatid ni Sean eh.

"Wow ah! Bakit ka naman namin bibisitahin?" Tanong ko, natawa lang naman si Daisy sa likod ko.

"Bakit sino ba? May kapatid din ba kayo dito?" Takang tanong nya pa. Umiling naman si Daisy, at sya na ang sumagot.

"Kapatid, wala. Boyfriend, meron." Napa-kunot naman ng noo si Dwight.

"Boyfriend? Ah, may boyfriend ka na, Keila?" Naramdaman ko naman ang titig na nang-i-intriga ni Daisy sa akin.

"Ah, wala pero--"

"Soon to be boyfriend, meron na! Sige bye! Una na kami!" Nagulat naman ako kay Daisy at hinigit nya na ako.

"Bakit mo sinabi yun?" Tanong ko sa kanya. Nakapamewang sya sa harapan ko habang hinihintay namin sila Sean sa may waiting shed.

"Duh! Keila naman eh, diretsuhin mo na kasi yung Dwight na yun! Akala nya yata may pag-asa sya sayo. May Sean ka na eh!" Ano raw? Naguluhan naman ako sa sinabi nya.

"Anong pag-asa? Pinagsasabi mo?"

"Alam namin, ikaw Keila di mo alam? May gusto sayo yun! Halata kaya! Saka kapatid ni Cherie yun, kilala nya yung tao, sya ang unang nagsabi at saka pansin namin.. Tingin nya palang sayo, saka di mo napapansin, sinong lagi nyang unang binabati, ikaw!" Hay! Napailing nalang ako. Masyado silang maraming alam no Cherie, wala namang gusto sakin yung si Dwight, wala naman syang sinabi sakin eh. Una lang pinapansin, gusto na agad? Diba puedeng trip lang?

Agad ko nalang ding kinalimutan ang sinabi nya.

Nung weekend, ako ulit ang scheduled na pumunta kila Sean, bibisitahin ko sya sa kanila.

Inagahan ko ulit, para makatulong kila Tita Irina at Tatay.

"Ang sipag mong magpunta rito, Keila ah.. Sasabihin ko nga kay Sean na masyado ka nyang inaabala at parang hindi ka na nya nililigawan." Natawa nalang ako sa sinabi ni Tita Irina.

"Naiintindihan ko naman po kasi si Sean, busy po talaga sya eh saka mas marami po kasi akong bakanteng oras sa kanya, kaya ok lang po sakin." Ngumiti naman sya sa akin.

"Ang swerte ng anak ko sayo, Keila. Kapag may ginawang kalokohan yang bata na yan, sayo.. Sabihin mo lang at hindi ko sya palalagpasin." Kaya minsan parang nagtatampo din iyong si Sean eh, sabi nya kasi mas close na raw kami ni Tita Irina kumpara sa kanila. Ang bait lang kasi talaga ni Tita eh.

"O'sya sige, Keila, gisingin mo na yung tulog mantikang batang yun. Puyat kasi lagi dahil nag-aaral." Hay! Ang sipag nya talaga, sige na nga sya na talaga ang masipag mag-aral at sya na rin ang matalino.

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon