"Kamusta na pala kayo, anak?" Tanong ni Tatay, nasa mall kami ngayon, dito kami nagkita. Pilit akong ngumiti, gusto ko rin namang kahit papaano maging maayos kami pero may galit talaga sa puso ko eh, sa tingin nya kasi madadaan nya lahat sa pera, oo aaminin ko kailangan namin yun pero ako kailangan ko din ng isang ama..
"OK naman po.." Naiilang ako dahil hindi kami close ni Tatay.. Maliit pa lang ako iniwan nya na kami. Si Nanay lang ang kinalakihan ko, walang tatay na nag-aruga at nagpalaki sa kin.
"Gusto mo bang kumain muna? O gumala?" Nakangiting tanong nya. Umiling ako.. Okay na siguro, dapat na kong umalis.
"Hindi na po, salamat nalang."
"Gusto ko sana bumawi sayo, anak. Alam ko na malaki talaga ang pagkukulang ko sayo.. P-pasenya na sa mga oras na wala ako sa tabi mo." Napahinga ako ng malalim.. Parang lumambot ang puso ko dahil unang beses ko pa lang yan narinig sa kanya.
"M-may susunod pa naman po.. Ah mauuna na po ako." Paalam ko.
"Anak, gusto ko pa sanang mag-kausap tayo.. Sa totoo lang, diko alam kung nasabi na sayo ng Mama mo na nagkausap kami nito lang.. Pinayagan nya na akong lumapit sayo, dahil alam din daw nyang nangungulila ka rin sa akin.. Nagkaayos na kami, k-kaya sana tayo rin." Napaiwas ako ng tingin. Bakit hindi sinabi ni Nanay yun? Ibig sabihin alam nya din tong pagkikita na to.
"Ah pwede po bang sa susunod nalang? Bigyan nyo pa po sana ako ng panahon para makapag-isip.. Matagal po kayong nawala at bigla nyo na lamang yan sasabihin sa kin. Kakausapin ko po muna si Nanay.." Umalis na ako roon.. Muli akong napa-buntong hininga.. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.. Dapat ba masaya ako na finally gusto ng bumawi ng tatay ko? Eto yung hinihiling ko noon na Sana magkaroon ako ng ama na may oras para sakin kahit konti lang.. Yung may gagabay sa yo bukod sa Nanay mo.. Pati atensyon nya.
May galit at tampo ako sa kanya.. humingi na sya ng tawad sa akin. Dapat ba akong bumalik at sabihing pinapatawad ko na sya? At binibigyan ko sya ng pangalawang pagkakataon?
Dumaan ako sa simbahan.. Gusto kong magdasal at mag-open up kay Lord. Sa mga times kasi na ganito sa kanya ako lumalapit.. May mga friends ako pero never ako nag-open up sa kanila ng self and family problems ko. Simbahan ang comfort zone ko.. Komportable ako rito at tahimik kong ibinabahagi sa dasal ko ang mga problema ko..
Humingi na rin ako ng gabay sa Diyos sa nalalapit naming Laban sa Biyernes.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod at may napansin akong pamilyar na tao na kasalukuyang nagdadasal din sa harap ko.. Talaga bang sya ito? Alam ko lahat naman ng tao welcome sa simbahan, diko lang talaga akalain na bumibisita pala to dito..
Natapos na rin sya at napatingin sya sa akin..
"Sinusundan mo ba ko dito? Grabe pati ba naman sa simbahan, may maghahabol pa din sakin.. Tsk! Tsk! Lord, salamat po talaga sa kagwapuhan at kabutihang ibinigay nyo sa akin.." Isang tao lang naman ang kilala kong ganyan at yan ang nag-iisang si Sean Ismael..
Diko na sya pinansin at lumabas na sa tahanan ng Diyos.. Ayokong mawalan ng galang kay Lord kapag sa simbahan pa ako nakipag-away.
"Uyy wait! Milagro!" Hinabol nya ako hanggang sa makaabot kami sa sakayan ng jeep.
"Bakit ba?" Iritang tanong ko.
"Kakasimba mo lang.. Wag masyadong galit please.." Pilit akong ngumiti.. Oo nga pala, nakalimutan ko tuloy.
"O'sya bakit nga?" Mahinahong tanong ko.
"Wala lang gusto lang kitang makausap.. Bawal ba?"
BINABASA MO ANG
Study Buddies
Ficção AdolescenteNagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asaran, away, bati, asaran, away at bati. Ngunit naging malapit din naman sila sa isa't isa. Pero may...