PART 3: LOVE LIFE

455 24 0
                                    

"Anong oras na?" Tanong ni Sean. Kanina pa kasi kami nagre-review at nag-decide kaming mag break for five minutes.

"4:30 na, bakit?"

"SEAN!" Parehas kaming nagulat nang may pumasok sa room at tinawag si Sean.

Napatulala tuloy ako sa pumasok.. Ohmygosh! S-si Emman, c-crush ko! Hay! Nakakainggit talaga mga kaklase ko na nakapagpa-picture na sa kanya.. Hayaan na nga, kuntento nako sa pagsilay at ngayo'y masilayan sya sa malapitan. Teka, magkakilala pala sila ni Sean? Ah! Magkaklase siguro sila, kasi parehas silang na sa pilot section.

Bigla nalang akong napangiti ng lingunin nya ako at ngitian pabalik. Nakatulala nga lang ako sa kanya eh, kaya hindi ko naintindihan ang pinag-usapan nila. At umalis na sya.

"Kulang nalang tumulo na laway mo." Inirapan ko lang si Sean.

"Crush mo si Emman?" Tanong nya pa. Kinunutan ko sya ng noo at umiling.

"Pinagsasabi mo dyan?" Pag-mamaang-maangan ko pa.

"Tss. Wag ka ng mag-deny! Halata naman! Yun pa nagustuhan mo eh, papalit palit naman ng babae yun! Tsaka di hamak na mas gwapo ako roon!" Nagkibit balikat ako't sinamaan sya ng tingin. Galit ba to? Parang ang taray ng pagkakasabi eh!

"Mas gwapo sya sayo, Sean. Tsaka sinisiraan mo lang yata sya, ang bait kaya nya, mahinahon ganun." Sabi ko pa habang inaalala sya maging ang unang beses ko syang makilala.

*Flashback* Two Years Ago...

Grade 5 ako nung makilala ko sya, nagkasama kami sa Campus Journalism at umabot kami ng regional. Wala akong ka-close sa mga ka-team ko ni isa.

"Isama nyo naman si Keila sa inyo. Sana kausapin nyo sya kasi mahiyain sya." Mas lalo tuloy akong nahiya sa sinabi ng SPA (School Paper Adviser) namin.

Kahit na sinabi na yun ng teacher namin sa mga kasama ko ay nanatili parin akong mag-isa. Ang hirap pala kapag hindi mo ka-edad iyong mga kasama mo, pakiramdam ko tuloy hindi ako belong sa kanila.

"Keila, kumain ka na?" Nagulat ako nang tumabi sa amin iyong maitsura naming Editorial Cartoonist na si Emman. Aaminin ko unang kita ko palang sa kanya ay nagwapuhan na ako sa kanya. At hindi ko rin inakalang mabait pala sya.

"Ah, kakain palang ako." Nahihiyang sagot ko pa sa kanya. Nakita ko namang ngumiti sya sa akin.

"Halika, sabay ka na sa aming mag-lunch!" Laging ganun ang ginawa nya sa akin. Niyaya nya ako na sumama sa kanila at hindi nya ako hinayaang ma-left behind sa kanila kaya naging ka-close ko na rin sila nang matapos ang contest.

Matapos nun ay sa tuwing magkakasalubong kami sa school ay binabati nya ako. Kaya hindi ko inasahan na magkaka-crush ako sa kanya. Kakaibang tuwa kasi iyong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya. At na-realize ko na kilig pala ang tawag doon.

Kaya nga lang ay grade 6 na sya noon kung kaya naman pagka-graduate nya ay hindi ko na sya nakita.

*End of Flashback*

"Di mo sya kilala, close ba kayo? Mabait nga yun pero kilala talaga yun sa pagiging paiba-iba ng chix.. Mahilig sa pakikipag-chat, dun nya nakikilala mga babae nya.. Walang wala ka, seener ka pa nga eh!" Nanira pa sya ah saka ako seener? Bakit chi-nat nya ba ko? Pero ewan ko din.. Last week pa yata ako huling nagbukas ng messenger ko.

"Di ako seener no! Di lang talaga ako active palagi! Di rin ako mahilig makipag-chat.. Ano bang mapapala ko roon? Di bale nalang kung may announcement ang adviser namin sa group chat." Napailing-iling nalang sya dahil mukhang wala namang patutunguhan ang pinag-uusapan namin.

Study BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon