LEONARD
"Brix? BRIX!" halos liparin ko ang kuwarto ni Cassandra mula sa kuwarto ng ama niya. Habol ang hininga ng makarating ako sa loob at nakita ko siyang pawisan habang hawak ang badang puso.
"Hey, are you okay?" umupo ako sa tapat ng higaan niya.
Hindi niya ako tiningnan. Tulala parin ito habang pawisan ang noo. She kept saying the name of Brix, ganito ka importante sa kanya ang lalaki?
"Hey" ulit kong tawag sa kanya and this time tumingin na siya sa'kin.
Napatitig siya sa'kin habang nakakunot ang noo.
"Cassandra? Ayos ka lang ba?" but she kept staring in my eyes.
"Hey" ulit ko pero wala paring response mula sa kanya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang noo niya at nagulat ako dahil subrang init niya!
"Damn! You have a fever!" kaya pala parang wala ito sa sarili dahil may lagnat ito.
"Cassandra? Cassandra? Do you hear me?" ulit ko pero nakatulala parin ito habang nakatitig sa pagmumukha ko, at ilang saglit lang ay…
"Brix bumalik ka na!" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, habang ang mga kamay niya ay dahan-dahang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"A-akala ko hindi mo na ako babalikan. A-alam mo ba? May nakilala a-ako kahapon na kamukhang-kamukha mo. K-kakambal mo siya no?" she didn't recognize me?
"Hindi ako si Brix, ako si Leonard Cassandra" mahina kong bulong at parang hindi niya pa ito narinig.
"W-wag ka na uli umalis Brix" after she said this ay bigla nalang siyang nagcollapse.
I remember Yssesa because of her, ganitong-ganito si Yssesa kung nilalagnat siya. And because of this mas lalo pang umusbong ang duda ko na iisa lang sila, iisa lang sila ng babaeng mahal ko. Oo tama, mahal ko pa si Yssesa, siya ang kauna-una kong minahal at ang huling mamahalin ko.
CASSANDRA
"Hmmm" bakit ang bigat ng aking pakiramdam? Bakit parang ang init ng aking katawan? Pero subrang ginaw.
"Hey" rinig kog tawag ng tinig ng isang lalaki.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Una ay hindi ko pa makita ng malinaw ang lalaki pero kalaunan din ay nakita ko na siya, si Leonard pala. Kumunot ang noo ko ng makitang may hawak siyang pamunas, babangon na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Wag ka munang bumangon, baka mabinat kapa. Subrang taas ng lagnat mo" nagulat ako sa sinabi niya.
"L-lagnat? Nilalagnat ako?" tanong ko sa kanya, pero hindi na niya ako sinagot.
"Here, you might drink this para mamaya ay makainom kana ng gamot" may kinuha itong baso, baso na may lamang gatas.
"A-ayaw kong inumin 'yan" napatigil siya sa pag-abot ng baso.
"And why?"
"Pasensya na ngunit hindi kita maintindihan" narinig kong napabuntong hininga ito.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit? Bakit ayaw mong inumin ito? Kailangan mo ito Cassandra para makainom ka ng gamot para sa lagnat dahil hanggang ngayon ay subrang taas pa ng lagnat mo" pero hindi ako nakinig sa kanya, sa halip ay nagtaklob ako ng kumot dahil sa subrang ginaw na nararamdaman ko.
"Giniginaw ako Leonard, a-at wala a-akong ganang inumin iyan. W-wag kang mag-alala dahil mawawala rin itong lagnat ko mamaya, kailangan ko lang magpahinga" sambit ko habang nasa loob ng kumot.
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomansNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...