"Cassandra?" napalingon ako sa taong tumawag sa akin.
"Botyok?"
"Sinong kasama mo rito? Bakit may narinig ako kaninang nag-uusap?" ibinuka ko ang aking bibig para sana sabihin sa kanya na may nakilala akong lalaki kanina ngunit baka magtaka si Botyok kung sino ito.
"H-ha? W-wala… Wala akong kasama rito, baka guniguni mo lang iyon Botyok. At bakit nandito ka na? Diba ang sabi mo ay mamayang hapon ka pa babalik dito?" kunot ang noo na tanong ko sa kanya, nakita ko naman rito na natigilan siya.
"Ah iyon ba? May nakalimutan kasi ako sa bahay ninyo kaya bumalik kaagad ako. Nakarating na nga ako sa amin ng maalala ko ang aking pitaka na nailagay ko sa mesa ninyo kanina" muling kumunot ang noo ko.
"Pitaka? Wala naman akong nakita kanina na pitaka sa mesa Botyok, baka naihulog mo iyon habang naglalakad ka papunta rito o sa pag-uwi mo kanina, ngunit mas mabuti kong tingnan natin muli doon sa bahay baka nagkamali lang ako. Halika na?" pang-aaya ko sa kanya, at nauna akong maglakad.
Ngunit ilang hakbang lang ang nailakad ko ng napatigil ako.
"Kanino ito galing Cassandra?" napalingon ako sa kanya, at bigla nalang akong nakaramdam ng kaba, at hindi ko mawari kung bakit ko ito naramdam.
"Kanino ito galing Cassandra? Alam kong hindi ito sa iyo dahil wala ka namang sumbrero, may kasama ka ba rito kanina Cassandra? Magsabi ka ng totoo Cassandra" huminga ako ng malalim at tiyaka ay ngumiti sa kanya.
"Iyan nga rin ang pinagtataka ko Botyok dahil pagdating ko rito kanina ay nandiyan na iyan" at tumingin ako sa hawak niyang itim na sumbrero.
Sana maniwala siya, baka hindi na niya ako papuntahin dito, magkikita pa kami nung taong nagpakilala sa aking Brix. Hindi ko mawari ngunit nakaramdam ako na komportable ako sa presensiya niya.
"Totoo ba iyang sinabi mo Cassandra?" nakikita ko parin ang pagdududa sa mga mata ni Botyok ngunit tumango ako at tinalikuran siya muli.
"Kahit kailan ay hindi pa ako nagsisinungaling sa iyo Botyok, tara na baka magalit pa ang tatay mo dahil ang tagal mong nakauwi" at naglakad ako muli.
Habang naglalakad ako, paulit-ulit paring pumasok sa aking isipan ang ngiti ni Brix at sa guwapo nitong mukha.
"Brix, ano ba ang nasa iyo? Bakit ako nakaramdam ng ganito?" tanong ko sa aking sarili.
Ngunit hindi parin nawala sa aking pakiramdam na parang may mali, ngunit wala akong maisip kung saan banda ang may mali. May mali nga ba?
LEONARD
~Tok!~Tok!~Tok!
"Come in!" sigaw ko.
Nandito kasi ako sa laboratory ko para tapusin ang nasimulan kong gamot ngunit ang dami ng nasayang sa mga ginawa ko dahil may kulang at hindi ko alam kong ano ang kulang. At ngayon ay nawawala uli ang formula ko, or should I say ay may kumuha at pinalitan ng iba ang formula ko.
The problem is hindi ko maalala kung ano ang mga inilagay kung formula sa papel na iniwan ko rito. Hindi ko kabisado ang formula na gamit ko dahil galing iyon sa formulang iniwan ng doktor na pinatay ni Audrey, 'yong doktor na nagngangalang Charles.
"Leon..." napalingon ako sa pumasok, si Rhomyssa.
"Yes Rhomyssa? May kailangan ka?" ibinalik ko ang aking atensiyon sa pinaggagawa ko at nagtataka rin ako kung bakit naparito siya, as far as I remember, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta siya rito.
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomanceNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...