CASSANDRA
"Magandang umaga ho sa iyo itay" bati ko kay itay na nasa kusina nagluluto ng gulay para sa agahan naming dalawa.
"Magansang umaga rin sa iyo anak, nakabalik ka na pala. Kamusta ang lakad mo? Na-ubos ba ang dala mong paninda anak?" may ngiti sa labi ng inilapag ko ang dala kong balde kanina na wala ng laman.
"Taraaan" sabay lagay ko sa lamesa ng perang nalikom ko kanina sa dala kong panindang gulay, nakita ko naman kay itay ang saya sa mukha na remehistro rito.
"Mabuti naman dahil naubos ang paninda mo anak, may maibibili na akong bigas mamaya sa lungsod" pagkarinig ko sa sinabi ni itay bigla nalang akong nakaramdam ng saya.
"Itay, hihingi sana ho ako ng pahintulot sa iyo" napalingon siya sa gawi ko na ngayo'y naka-upo na ako sa silya sa kusina.
"Ano iyon anak?" kinakabahan ako ngunit gusto ko talagang tahakin ang langsud, kung ano ang itsura nito.
"P-pwedi ho bang sumama sa iyo mamaya sa bayan itay?" nagbabakasakali akong papayag siya, gusto ko talaga masilayan kung ano ang itsura ng bayan dahil mula pagkabata hindi pa ako nakarating doon.
"Ano bang sinasabi mong bata ka?! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ka pweding pumunta roon!" bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni itay.
"P-pero tay, g-gusto ko po t-talagang pumunta roon, payagan na po niyo ako oh" pagmamakaawa ko sa kanya pero mas lalong tumalim ang tingin niyang ipinukol sa'kin.
"Hindi ka pweding pumunta sa lungsod Cassandra! Maliwanag ba?!" tumaas ang boses niya na ikinayuko ko.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit hindi ako pweding sumama sa kanya sa lungsod, nakikita ko ang ibang mga dalaga at mga bata na nasa nayon namin na pumupunta naman sila sa lungsod ng Cabitan. Ngunit bakit ako ay hindi pweding pumunta roon? Ano bang meron sa lungsod para bawalan ako ni itay na makapunta roon? Masasama ba ang mga tao roon?
"B-bakit po ba a-ayaw niyo akong isama i-itay?" mahina kong sabi, pinipigilan ko naman ang luha ko na malapit ng tumutulo.
Naramdaman kong naglakad si itay at tumabing umupo sa silyang inupuan ko.
"Dahil ayaw kitang mapahamak anak, kaya sana maiintindihan mo iyon. Gusto ko lang mailigtas ka sa kapahamakan, kaya sana wag ka nang magpumilit pa na sumama sa'kin anak. Para sa iyong kaligtasan lang ang ginagawa ng itay" naramdaman kong hinahaplos-haplos niya ang buhok kong matuwid.
"A-ano po b-bang meron sa bayan itay? A-ano pong meron doon? B-bakit sinasabi niyong baka m-mapahamak ako? M-masasama po ba ang mga t-taong nakatira roon itay?" tinaas ko ang paningin ko at sinalubong ko ang malungkot na tingin ni itay sa'kin.
"Masama anak, subrang sama. Kaya dito ka lang ha? dito ka lang sa nayon natin. Wag ng matigas ang ulo anak ha? Mahal ka nang itay mo" niyakap niya ako, kaya niyakap ko rin siya pabalik tiyaka tumango habang yakap-yakap niya ako.
"S-sige ho itay, hindi na po ako magpupumilit pa" kumuwala ako sa yakap niya at ngayon masaya ako dahil bumalik na ang ngiti sa mukha ni itay.
"Ganyan nga anak, wag ng matigas ang ulo" tumayo ito tiyaka pinagpatuloy ang pagluto ng ulam naming dalawa.
"Magbihis ka muna ng damit anak, baka magkasakit ka pa dahil sa basang damit mo dahil sa pawis" tumayo ako pagkatapos ko itong marinig mula kay itay at naglakad papasok sa silid ko na katapat lang ng silid ni itay.
"Upo itay!" tiyaka tuluyan akong pumasok sa sarili kong silid.
Nagbihis ako ng kulay berde kong daster. Napahawak ako sa tiyan ko na parang may pumatid mula sa loob nito.

BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
Storie d'amoreNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...