Chapter 17

113 4 0
                                    

CASSANDRA

A-ang bigat ng pakiramdam ko, para  akong dinaganan ng malaking aso sa katawan. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit ayaw nitong makisabay sa gusto ko.

"Asan ako?" tanong ko ng bigla nalang akong parang nasa tubig.

"Bakit ayaw ko maimulat ang aking mga mata?!" gustong-gusto ko talagang imulat ngunit pakiramdam ko ay may nakalagay na piring sa aking mga mata.

"T-tulong! T-Tulong!" hingi ko ng tulong subalit wala man lang dumating na para tumulong sa akin.

"Tulong! Tulong! Parang-awa niyo na! TULUNGAN NIYO AKO!" ngunit wala uli akong naramdaman na lumapit sa akin upang ako'y tulungan.

Mayamaya pa ay naimulat ko na ang aking mga mata, at bigla rin akong nagulat sa aking nasaksehan.

"Parang awa niyo na po! Wag niyo po akong saktan!" rinig ko mula sa batang babae habang nagmamakaawa sa lalaking naka itim.

Gusto ko silang lapitan at iligtas sana ang batang babae na tinutukan ng baril ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. Gusto kong magsalita muli pero wala ng lumalabas na boses sa akin. Anong nangyari?

"Hindi kita sasaktan kung sasama ka sa'kin!" singhal ng lalaki sa batang babae.

Nakatalikod ang lalaki sa aking kung kaya't hindi niya ako nakikita. Ngunit ramdam ko ang takot na nararamdaman ng bata. Pinilit ko paring igalaw ang aking katawan ngunit ayaw niya talagang gumalaw.

"I-ibalik niyo nalang po ako sa amin. E-eh balik niyo nalang po ako!" iyak na pagmamakaawa ng bata ngunit parang bingi lang ang lalaki dahil hindi man lamang nito pinakinggan ang bata. Ang sama niya!

"Hmmmp! Hmmmp! Hmmmp!" pilit kong bigkas ng mga kataga ngunit wala talagang lumalabas ni isang kataga man lang sa bibig ko.

"Hindi na kita maaari pang ibalik sa inyo dahil magagalit sa akin ang kamahalan! Kaya tayo na! Wag mo 'kong inisin baka mapatay kita!" nakita kong kinaladkad niya ang umiiyak na bata at bigla nalang nag-iba ang kinatatayuan ko ngayon.

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!" tinig ng isang babae ang narinig ko ngunit hindi ko makita ang pagmumukha niya.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya ngunit ang ikinagulat ko ay ang kanyang sinabi.

"Tulungan mo ako! T-tulungan mo a-akong makabalik s-sa tunay kong p-pagkatao. P-parang awa m-mo na… tulungan mo ako" nakatitig lang ako sa hilam niyang mukha.

Hindi ko siya maintindihan, a-anong ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi? Paano ko siya maiibalik sa tunay niyang katauhan? A-at hindi ko mawari kung bakit ito ang aking nadadatnan.

Muli akong nagulat at nakaramdam ng takot ng bumalik ako sa una kong kinatatayuan ngunit wala nang batang babae at lalaking nakatayo sa unahan. Ako nalang mag-isa at halos hindi ako makahinga sa mabahong amoy n-nang… n-nang dugo!

"Hmmp! Hmmp! Hmmp!" pilit kong umalis sa dugong paunti-unti tumataas hanggang sa umabot na ito sa aking liig, gusto kong masuka ngunit hindi ko muli pang maramdaman na mayroon akong katawan.

"P-parang awa mo n-na… T-tulungan mo akong makabalik sa aking tunay na katauhan"

"P-parang awa mo n-na… T-tulungan mo akong makabalik sa aking tunay na katauhan"

"P-parang awa mo n-na… T-tulungan mo akong makabalik sa aking tunay na katauhan"

"P-parang awa mo n-na… T-tulungan mo akong makabalik sa aking tunay na katauhan"

Yssesa: The Running BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon