"N-nakita h-ho? S-saan?" tanong ko sa estranghero.
Tinanggal niya ang suot niyang pantakip sa mukha kasama na ang kanyang suot na sumbrero, at dito ko na nakita ang kabuohan ng mukha niya.
"I-ikaw? I-ikaw 'yong makisig na lalaki na bumili sa lahat kong panindang gulay noong nakaraang linggo" tinititigan ko muli ang mukha niya at sa pangalawang pagkakataon ay muli na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"You're right, I mean tama ka, ako nga iyon" lumayo ako ng kaunti sa kanya at niyakap ko ang aking katawan na tila ba'y pinoprotektahan ito.
"A-anong pakay mo sa akin sir? K-kung hindi ako nagkakamali ay ikaw iyong taong palagi akong tinitingnan sa m-malayo, t-tama ho ba ako?" paninigurado kong tanong.
"Ako nga iyon" at dahil sa naging sagot niya, muli akong lumayo sa kanya at napalingon ako sa kinauupuan ko, isang dangkal nalang ang natitira bago ako mahulog sa tubig.
"Kung g-gayon, s-sino ka? A-at anong pakay mo s-sa akin?"
Hindi ko alam kong tama ba ang tawag ko sa kanya, ito rin kasi ng tawag ko sa kanya noong nakaraang linggo ngunit hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng salitang "Sir" ngunit ito ang tawag ng mga kanayon ko kapag may dadayong lalaki rito sa lugar namin, kaya nakikigaya nalang ako.
"Can you move here a little? Mahuhulog ka niyan sa tubig sa ginagawa mo" tulala ako habang tinitingnan ang mukha niya, subrang aliwalas ng mukha niya na tila ba'y kagagaling lang nitong naliligo.
"Miss?" napakurapkurap ako.
"Patawad h-ho ngunit hindi ko po uli maiintindihan ang una mong sinabi" nahihiya kong sambit, naramdaman ko rin na umiinit ang magkabila kong pisngi.
"I mean, damn!" nakikita ko na parang nahihirapan siya. Bakit naman siya mahihirapan?
"Ang ibig kong sabihin ay dito ka umupo" tinuro niya ang inuupuan ko kanina.
"Wag kang mag-alala dahil wala akong gagawing masama sa'yo" nakaramdam ako ng luwag sa aking dibdib ngunit hindi parin ako kumilos, nanatili parin ako sa kinauupuan ko ngayon kahit na, iyong isa kung pwet ay nahuhulog na.
"Wala ka bang balak bumalik dito? Okay fine! Alam kong nagtataka ka kung bakit palagi kitang pinapanood mula sa malayo, at ngayon lang ako naglakas loob na lapitan ka" hindi ako nagsasalita, hinayaan ko lang siyang tapusin ang pagsasalita niya.
"Alam kong hindi mo pa ako kilala kaya hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko sa'yo. I'm Brix, I mean.. Hayst! Ako si Brix" napahinga ito ng malalim.
Sa pagkakataong ito ay inalis ko na ang pagkakayapos sa sarili kong katawan. Hindi ko mawari ngunit nakaramdam ako ng kaligtasan sa tuno ng pananalita niya at sa kanyang mga tingin sa akin na tila ba'y sinasabihan ako nito na magtiwala ako sa kanya.
"A-ako naman si Cassandra, kinagagalak kitang makilala s-sir Brix" dahan-dahan akong bumalik sa kinauupuan ko kanina.
"Brix nalang, wag mo na akong tawaging sir, at kinagagalak din kitang makilala Cassandra" ngumiti ito sa akin, para naman akong natigilan dahil mas naging guwapo siya sa paningin ko, idagdag pa ang maputi at pantay niyang ngipin.
"Sir ay! Brix pala hehe… Ano nga pala ang pakay mo kung bakit mo ako palaging tinitingnan sa malayo?" nakaupo na ako habang nasa tapat ko siya.
"Dahil gusto kitang makilala Cassandra" gusto niya akong makilala kaya siya palaging nakasunod sa akin? Pero bakit kailangan pa niya akong panuorin mula sa malayo kung maaari namang lumapit siya sa akin at magpakilala?
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomanceNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...