Chapter 8

131 7 0
                                    

"Mabuti naman at nandito na kayo Demented Team" bungad ni sir Harold sa'min sa meeting room ng mga agents, nakaupo siya sa sa pinakadulo ng mesa.

"Who the hell changed the name of our team?!" masama ang pinukol na tingin ni boss sa'min, mukhang kanina pato na wala sa mood.

"SIYA!" sabay kaming napatingin kay Iron at Themoty na sabay pang nagsalita at sabay ding tinuro ang isa't isa, at mas lalong sumama ang awra ng boss namin.

"You two! 1000 push ups later after this meeting!"

"BOSS NAMAN!" sabay na reklamo ng dalawa.

"Ahem! You may take your seats, we have a lot of discussion for your next mission" umupo ako sa silyang katapat ni boss habang nasa dulo ng mesa naman si sir Harold.

"Akala ko ba next year mo pa kami bibigyan ng misyon?" walang emosyon na tanong ni boss kay sir Harold.

"Oo nga" dagdag ko, napatingin naman ito sa'kin.

"Nandito ka na pala Leon, Welcome back" ngumiti pa ito sa'kin pero hindi ko iniba ang reaksyon ng mukha ko.

"Yeah, Thank you sir" tumango ito sa'kin.

Tumayo siya at may hawak na itong isang folder.

"Matapos niyong lutasin ang nakaraan niyong mabigat na misyon at iyon ay hanapin si Loisa, ngayon ay may humihingi na naman ng tulong ninyo"

"Whose the client sir?" rinig namin mula kay Zandrix na ngayo'y napagitnaan ni Themoty at Iron.

"It's Queen Elisa, the queen of United Kingdom" Queen Elisa? Bakit umabot pa sa Pilipinas siya humingi ng tulong?

"Why?" walang emosyon na tanong ni boss Steve.

"Because of this diamond" may nagflash sa malaking screen sa likod ni sir Harold. A black diamond?

"Black Diamond?" tanong ko.

"Yes Leon. This black diamond ay pagmamay-ari ni Queen Elisa, at nawawa ang diamond na ito kasabay ng pagkawala ng una nilang anak ng hari" what the hell?! Ibig sabihin ay maghahanap na naman kaming tao nito?

"Anong dahilan bakit nawala ang anak niya?" tanong ni boss.

"Dahil sa lindol na nangyari sa British noong araw na nanganganak ang reyna"

"Kung nawawala ang anak niya sa mismong araw ng yanigin ng lindol ang bansa nila, may posibilidad na patay na ang bata" sambit ni Themoty.

Kahit isip bata ang dalawang ito, maasahan mo rin naman sila sa ganitong sitwasyon.

"I agree" komento ko.

"Hindi, hindi patay ang bata" sabay kaming napatingin kay boss.

"And why is that boss?" tanong ni Iron pero hindi ito sinagot ni boss, dahil ibinaling nito ang kanyang paningin kay sir Harold.

"Ang black diamond sir, saan nakalagay sa araw na 'yon?"

"Ipinasuot ito sa bata Steven" nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto ako.

"IBIG SABIHIN AY KINUHA ANG BATA SA ARAW NA IYON AT DAHIL NILILINDOL SILA, HINDI ITO NAPAPANSIN NG MGA TAO SA KAHARIAN?" napatayo kong tanong.

"Calm down Leon, pwedi mo namang sabihin 'yan kahit nakaupo ka lang" nahihiyang umupo ako.

"S-sorry sir" tumango lang ito sa'kin.

Yssesa: The Running BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon