Chapter 30

72 4 0
                                    

"LOVE! Nandito na ako! Andito na ang gusto mo! Ilabas mo na siya!" sigaw ko sa labas ng pinto ng isang bahay na pinagtataguan nila.

Malayong-malayo ang bahay na ito mula sa headquarters ng SA Warriors, nasa kalagitnaan ng gubat ito, may malalaking puno. Wala naman akong nararamdamang kakaiba maliban sa mga huni ng ibon pero hindi parin ako pweding makampante dahil alam kong may iba pang plano ang pangit na babaeng 'yon.

"LOVE!" muli kong sigaw, aba… Ayaw ata akong pagbuksan ng pinto, baka gusto nitong sirain ko pa ito?

"Well, well, well" napalingon ako sa bandang kanan ko ng narinig ko muli ang pangit niyang boses. Nang makita ko siya ay kaagad ko siyang inirapan.

"Buti nalang dumating ka sa iksaktong oras, kundi ay BOOM! Patay na siya HAHAHAHA"

"Shut up! Asan na si Leon? Ibigay mo na siya sa'kin!" akmang susugurin ko na sana siya pero…

Fuck! Is this a bomb? Oh shit! Bomba nga! Bomba 'yong naapakan ng kaliwa kong paa! Yssesa naman, kakasabi mo lang na mag-ingat eh hayst!

"Opps! Wag masyadong magmadali, baka basag na ang bungo ng future husband mo pag magpupumilit ka" ngumisi ito sa'kin ng maala demonyo.

"Wala ka talagang hiya! Dinamay mo pa si Leon sa mga katantaraduhan mong bruha ka!" nanlilisik na ang mga mata ko habang sinasabi ko ito.

"Hahahaha! Magalit kalang sakin Yssesa, anyway mamamatay karin lang naman mamaya, and oh! Wag mo munang tanggalin 'yang paa mo kung saan ka naka tapak ah? Baka kasi subrang excited mo mamamatay, kaya wag muna ah?" damn this demon girl! Hindi nya ba alam na para na siyang tanga }kakangisi niya?

"Ibigay mo na sakin si Leonard dahil hawak ko na ang gusto mong makuha!" akala ko madala ko siya pero…

"Hindi ako tanga at bobo para maniwalang hindi fake 'yang nasa loob ng pantalon mo Yssesa. Hindi ako ipinalaking tanga! Para mapaikot mo lang! Hindi ako kagaya mong pinaikot na ng maraming tao pero nandito ka parin, nagpapakatanga sa mga taong pina-ikot ka" hindi ko siya maintindihan, a-anong ibig niyang sabihin?

Kunot ang noo at magkasalubong ang kilay ang ipinukol ko sa kanya, dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Baliw na ata talaga ang babaeng 'to, kung ano-ano nalang ang pinagsasabi, wala namang kwenta lahat.

"Ano? Hindi mo maisip kung anong ibig kung sabihin sayo Yssesa? Oh! Bobo ka nga pala, bakit mo naman maintindihan ang mga sinasabi ko?" pagkatapos niya itong banggitin ay kaagad siyang humahalakhak ng tawa.

Nangigigil na talaga ako sa babaeng 'to! Isa nalang at basag talaga ang bungo nito.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko Love!" maidiin kong sabi sa kanya ng ikinatawa pa niya lalo.

"Bakit? Anong gagawin mo pag naubos ko na ang pasensya mo? Iiyak ka na lang ba diyan, gaya ng ginawa-gawa mo nung nasa isla palang kayo?" naikuyom ko ang mga kamay ko sa sinabi niya.

"Hay nako sayo Yssesa, matanda ka na pero iyakin ka parin" damn! Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, bakit ba ako umiyak?

"See? Isip bata ka parin, kaya siguro iniwan ka ng nanay mo, at pinaikot ng taong mahal mo. Hahahahaha." ramdam ko na ang init sa bandang tainga ko kaya alam kong namumula na ito.

"Wag mong idamay dito ang nanay ko, dahil wala kang alam! WALA KANG ALAM KAYA TUMIGIL KA NA!" I hurriedly summon my poison knife to her. Hindi lang ito ordinaryo kutsilyo dahil unti-unti itong magiging samorai every second.

"Gotcha!" napangisi ako ng makita ko siyang napatigil at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan kanina. Sabi na kasing wag paubusin ang pasensya ko eh.

Yssesa: The Running BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon