TWY .3

48 0 0
                                    

Special Chapter II

Humihikab akong nagdadalawang-isip na kung panoorin ko pa ba yung CD na binigay sa akin ni Chloe kahapon o hindi na dahil masasaktan lang ako.

"Tignan mo ito kung may oras ka pa. Hindi ako makakapunta ng last concert kasi may bagay akong aasikasuhin."

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko at agad ko naman iyong pinunasan.

Bakit ba ako umiiyak ng ganito? Alam ko naman na big clown itong si Chloe kaya hindi ako agad maniniwala sa kanya. Dadating siya sa concert nila at sinisiguro kong magpeperform siya. Baka may naging problema lang sa family niya kaya ganoon na naman siya umasta. Hay nako, Chloe! Huwag ka namang magbiro ng ganyan..

"Aw... hindi ka pa ba magaggayak? May digital renderings tayo, ha?" Anya Devyn na nagsusuklay ng buhok.

"Wala akong ganang ipasa yan. Ikaw nalang magpasa kay Ms. Jenlia, tinatamad ako." tumayo ako at kinuha ang jacket sa ibabaw ng lamesa ni Devyn.

"Saan ka pupun—" naudlot yon nang makaalis na ako sa dorm namin.

Tumakbo ako nang matulin at pumunta sa campus para hanapin si Chloe. Pambira! Ang lawak ng University na ito! Saan ko ba siya matatagpuan?

"Nakita n'yo ba si Chloe?" nanginginig ang aking boses nang itanong ko kay Sana at kay Rodn.

"Aw... wala siya sa stage e... tsaka hindi ba, magkadorm mates kayo, bakit hindi mo alam na magkasama kayo?" takang sabi ni Rodn.

"Matagal na akong lumipat sa ibang dorm at bumalik na uli ako kala Devyn. I have no idea where is Chloe right now! Iupdate n'yo ako 'pag nakita n'yo na siya."

Lumayo na ako sa kanila at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

Chloe Ringing

Sorry this person isn't available right now. Please try again later.

Shii! Sagutin mo 'to, please, Chloe! Kailangan mong pumunta sa concert! Kailangan kitang makita na nagpeperform sa stage!

Ilang beses ng ganito ang contact number niya. Hindi siya mareach out.  Hindi ganito katagal si Chloe sumagot ng tawag. Agad agad siyang rumiresponde sa tawag o text ko. Imposible namang mangyari ito!

"Hansel, Rile? Nakita n'yo ba si Chloe? Hindi ba kayo ang kalaro niya sa badminton?"

"Shia! Hindi mo ba nabalitaan? Hindi makakapagperform si Chloe ngayon. Wala din kaming ideya kung nasaan siya ngayon. Pero ang sabi niya, may aasikasuhin lang daw siyang importante and the rest wala na kaming nabalitaan sa kanya."

"Hindi ba ikaw yung girlfriend niya? O dapat alam mo kung nasaan siya. Kayo yung palaging magkasama!" ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at napasabi nalang ng tsk.

"Noong natapos ang laro ay nakapagcelebrate pa kami sa La Salle Hotel. Nakainom kami noon tapos naihatid namin siya sa kanila. Tapos kinabukasan, wala na siyang reply sa chats namin."

"Sige, salamat. Goodluck nga pala sa laban n'yo next week." nagpaalam na ako sa kanila at umalis.

Naglalakad akong lutang malapit dito sa College of Business department. Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na alamin kung nasaan na ba si Chloe.

"Jianné! Andito ka lang pala! Magsisimula na yung labanan ng banda. Tara na, madaming magagandang performer, oh!"

"At 'wag mong kalilimutan! Today is the concert of Day 6!" nagsipagapiran ang mga kaibigan ko.

"Aw... si Chloe ba ang hinahanap mo?" tanong ni Undro. Tumango lang ako bilang pagtugon.

"Sinabi niya sa akin kahapon na hindi siya magpapakita sa kahit sinumang tao na kahit sobrang lapit pa sa kanya. Maski fans nga ay kinain na ng curiosity dahil sa biglang pagkawala ni Chloe. Sabi naman ni Chloe, babalik si Adame bilang lead vocalist ulit at maaring magresign na yung songwriter nila kaya sila-sila nalang daw ang gagawa ng kanta."

Together With YouWhere stories live. Discover now