Chapter 07

49 14 0
                                    

“ Hmm, ang sarap talaga nito.”

Napangiwi ako sa aking nakita. Di naman sa nandidiri ako, pero di ko talaga gusto ang puso, masyadong maugat para sa akin. Mas gugustuhin ko pang kainin ang atay, o iba pang lamang loob. Pero mas mainam kung ang balat ng tao ang kakainin ko. Tulad ng nasa harap ko ngayon.

Di ko maiwasang mapangisi, amoy na amoy ko ang bagong luto na balat ng tao. Sinarapan ko talaga ito sa pagluto para mas ganahan ako sa pagkain tulad ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

“ Oh Mareya, huwag mo akong bigyan ng ganiyang tingin, mas masarap ‘tong puso kaysa balat na nasa harapan mo.” Ani niya at dilaan ang kaniyang labing may dugo.

Umirap ako saka kumagat sa pagkaing nasa harapan ko. “ Ano ba kasing meron sa puso at sobrang kinahihiligan mo yan? Sa loob ng isang linggo nating pagsasama yan lang ang nakikita kong gustong gusto mong kainin.” Ani ko at natawa naman siya kaya tiningnan ko siya na para bang isa siyang baliw. Ay oo nga, baliw nga pala to.

“ Ay nako Mareya, gusto mong malaman kung bakit?” Tumango lang ako bilang sagot.

Pinunasan muna niya ang labi niya saka siya umayos ng upo at ngumisi sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya natawa ulit siya. Baliw.

“ Alam mo, kaya mas gusto ko ang puso kesa ibang parte ng katawan. Dahil galit ako sa mga nagmamahal. Dahil ni minsan hindi pa ako nakaranas ng pagmamahal. At dahil puso nila ang nagmamahal, kaya kinkuha ko ito at kinakain, para kahit sa ganoong paraan mawawalan sila ng abilidad na magmahal.” Seryosong saad niya.

“ Biro lang, wala eh paborito ko itong puso.” Pagpapatuloy pa niya.

Umirap ako kahit medyo nainis ako sa sinabi niya. “ Pinagsasabi mo diyan ATE?” Mataray kong sabi saka ngumuya ulit ng pagkain. Napapapikit pa ako dahil lasadong lasado ito at may pagka crispy pa. Mas masarap talaga ito kaysa karne ng baboy!

Narinig ko siyang tumawa ng malakas pero wala akong pakialam dahil sobrang sarap ng kinakain ko. Mas mabuti ng mabusog ako kesa mainis sa kapatid kong kunwari inaapi.

“ Mareya, Mareya, Mareya. Siguro hindi mo alam ang totoo. Akala mo siguro ikaw lang ang naaapi. Well siguro mas malala nga lang ang sayo. Pero Mareya, hindi lang ikaw. Hindi lang ikaw ang nahihirapan.” May bahid ng hinanakit ang boses niya kaya napatigil ako sa pagkain.

Anong pinagsasabi nito?

“ Anong ibig mong sabihin?!”

Pero imbis na sagot ang ibigay niya ay tumawa laman siya ng malakas na may dala pang hampas sa lamesa samantalang ako ay nakatingin laman sa kaniya. Nagkibit balikat lang ako saka nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kaagad ako sa kwarto para magbihis. Hindi na ako komportable sa damit ko kahit gustong gusto ko pa ito. Di ko maiwasang mapangisi ng maalala ko ang sinapit ng may ari sa damit na ito. Alam na kaya nila ang sinapit ni Mirttle? Oh well, pakialam ko sa kanila.

Nang matapos akong magbihis ng mas komportableng damit ay lumabas ako at nagtungo sa sala. Naabutan ko naman si ate na nanonood ng movie. Napairap nalang ako ng mapagtanto ko kung anong klaseng palabas ang pinapanood niya.

“ Ano ba yan, ang sagwa naman niyang pinapanood mo.” Inis kong sabi at akmang ililipat sa ibang palabas ng bigla niya akong tutokan ng baril. Napairap ako at tumabi nalang sa kaniya. Mas sumama pa ang pakiramdam ko ng marinig kong umungol ang babae sa palabas. Walang hiya!

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon