Chapter 11

42 13 0
                                    

Nagising ako sa sakit ng katawan ko. Punyemas, parang kapag gagalaw ako ay matatanggal ang mga buto ko. Pag ako talaga nakaganti sa hinayupak na patpating yun, makikita niya talaga ang hinahanap niya. Grabe yung paghihirap na nangyari sa akin kahapon at malamang mas magiging malala ‘tong sakit ng katawan ko ngayon dahil mag eensayo na naman kami mamaya.

Matapos kong mag ayos ay kaagad akong lumabas sa kwarto ko. Iwan ko kung bakit ako napunta sa kwarto ako, sa pagkakatanda ko ay sa sala ako nakatulog. Well, wala na akong paki doon. Ang importante ay nakapagpahinga ako kahit hindi pa sapat yun.

Pagdating ko sa sala ay kaagad akong natigilan ng maabutan ko si ate na may kasamang tatlong lalaki. Kilala ko ang isa, yung patpatin na malakas pala pero yung dalawa diko kilala, gayunpaman ay nakakatakot ang laki ng katawan nila. Parang kaya nilang baliin ang buto mo gamit ang isang kamay sa laki ng katawan nila. Ang mga muscles nila ay para ng bato, at kahit sa tingin lang ay malalaman mo talagang sobrang tigas nito.

Napataas naman ang kilay ko. Anong ginagawa ng mga to dito? Di pa nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa akin. Pero mas tumaas ang kilay ko ng humalik si ate sa isa sa mga lalaking malaki ang katawan.

“ Ehem.”Di ko napigilang tumikhim kaya napalingon silang lahat sa akin.

Tumayo naman si ate at nakangiting lumapit sa akin. Nanatili namang nakakunot ang nuo ko.

“Mareya! Buti’t gising ka na, halika, ipapakilala kita sa kanila.” Paghihila niya sa akin papunta doon sa sofa na kinauupuan niya kanina katabi ng mga lalaki.

“ Sino sila?” Tanong ko ng makaupo na kami. Gutom na ako.

Pinasadahan ko naman ng tingin yung dalawang lalaki. Walang emosyon ang muka ng isa, pero masasabi kong may itsura siya. Yung isa naman, yung hinalikan ni ate, kung ano ang kinaganda ng katawan niya ay yun namang kinapangit ng itsura niya, napangiwi ako. Diko na tiningnan yung isa dahil nakakainis yung itsura niya, total magkikita pa kami mamaya dahil mag eensayo pa kami.

“ Ah Mareya, siya si Mark.” Turo niya sa lalaking may itsura.

“ At siya naman si Billie.” Parang kinikilig na sabi ni ate habang nakaturo sa lalaking hinalikan niya kanina.

Ngumiti naman sila sa akin pero tinaasan ko lang sila ng kilay. Wala ako sa mood ngayon dahil masakit ang katawan ko.

“ Oh, anong kailangan nila?” Prangka kong tanong kay ate kaya bigla siyang sumimangot.

“ Ano kaba, wag ka ngang ganyan. Sila ang tutulong sa atin.” Sabi naman ni ate kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

“ Tulong? Bakit kailangan natin ng tulong? At saka tayo lang naman ang maghihiganti diba? Bakit kasama sila?” Inis kong sabi.

Sumeryoso naman si ate. “ Mareya, bobo ka ba? Sa tingin mo makakaya nating dalawa yung mga kabatch mo? Idagdag mo pa yung mga teachers na naroon? Baka nga di pa nila nakikita yang pagmumuka mo ay patay ka na.”

“ At para sa karagdagang kaalaman Mareya, wanted ka na. May nakakita sayo nung pinatay mo yung babae, yung binalatan mo! Bobo ka kasi, di mo man lang chineck kung may cctv ba. Kaya naman, kailangan natin ng back up, kailangan natin sila dahil ayaw mo mang aminin, talo tayo pag tayo lang dalawa. Wala tayong super powers kaya makinig ka nalang, huwag kang feeling hero.” Dagdag pa ni ate kaya nanahimik na lang ako.

“ Oh anong gagawin natin ngayon?” Tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Huminga naman ng malalim si ate bago siya tumayo sa gitna. “ Ngayon natin planuhin lahat, kung papaano natin papasukin ang skwelahan ng hindi nila nahahalata, kung paano natin gagawin lahat ng hindi nalalaman ng taga labas.” Tumango tango naman ako.

“ Pero pano ba yan? Diko alam yung kabuohan ng skwelahan dahil sa punyemas na classroom lang ako dumideretso palagi?” Sabat ko sa kaniya.

Binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti saka niya tinapik ang balikat ko. “ Don’t worry Mareya, si Billie ay guard ng school mo dati at alam niya lahat ng pasikot sikot o mga sekreto sa school mo dati.” Sabi niya at kumandong sa lalaking hinalikan niya kanina.

Punyemas, guard to? Sabagay, muka palang, di na kataka taka.

“ Oh eh ano namang gamit ng dalwang to?” Pagtuturo ko sa dalawa. Yung Mark ata yung name at yung patpatin, di ko pa alam ang pangalan niya, at wala akong paki.

“ Si Mark, siya ang gagawa ng paraan para ma lock ang lahat sa hall kung saan gaganapin ang party. Si Reyes naman ay tutulong sayo kung sakaling mayayari ka, pati si Mark ay tutulong na rin.” Si ate.

“ Eh ikaw? Anong gagawin mo? Sinong kasama mo?” Tanong ko. Ngumisi lang siya sa akin at di na sinagot ang tanong ko.

Halos kalahating araw kaming nagplano, at sobrang sama ng mood ko dahil di pa ako nakakakain. Ngunit ang di ko inaasahan ay ang pag amin sa amin ni Billie sa kung anong meron sa swelahan. Ayon kay Billie ay may tinatagong droga ang skwelahan, katumbas nun ay ang patuloy na pagyaman ng skwelahan at sobrang karangyaan ng may ari ng school. Di ko maiwasang mapangisi, kaya pala mas pinili siya ni Tatay kaysa sa amin. Dahil lumalangoy pala sa pera yung punyemas niyang kabit.

Ngayon ko mas ginanahan pa ako sa gagawin namin. Kapag nakuha namin ang mga drogang yun at ibinenta sa mga yayamaning mga negosyanteng may illegal na transaction, ay panigurado, yayaman kami ni ate. Ha! Magaling, magaling.

Nang matapos kami sa pagpaplano ay kaagad naman akong sumama sa patpating si Reyes. Hindi na ako kumain dahil tinatamad ako. Ay pwede rin, si Reyes nalang ang kakainin ko.

Di na sumama sa akin si ate sa pag eensayo dahil mag dedate daw sila ni Billie. Nakakadiri man pero mag syota pala ang dalawa. Walang taste si ate punyemas, mas okay pa ako kung si Mark ang jowa niya, pero si Billie? Bahala siya sa buhay niya.

Nang makarating na kami ni Reyes sa lugar kung saan ako mag eensayo ay kaagad akong pumasok sa loob at naghanda. Ramdam ko namang nakatutok lang si Reyes sa bawat galaw ko. Naiilang ako pero diko pinapahalata. Kataka taka rin tong si Reyes, habang nagpaplano kami kanina ay tahimik lang siya, nagsasalita lang sa tuwing tatanungin siya ni ate, pagkatapos ay tatahimik lang siya. Parang nag oobserbara sa paligid. Mapagkatiwalaan ba talaga to?

Habang nasa kalagitnaan kami ng labanan ni Reyes ay bigla nalang siya ngumisi dahilan upang mapatigil ako at nasuntok niya ako.

“ Ano ba?!” Inis kong sigaw sa kaniya. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

Tiningnan niya ako sa mata, di pa rin nawawala ang ngisi niya. Anong problema nito?!

“ Mareya, Mareya, Mareya. Huwag ka kasing magpadala sa mga nakikita mo. Malay mo, di mo namamalayan, tinitira ka na patalikod. Malalaman mo nalang na, pinagkaisahan ka na pala.” Bigla naman siyang sumeryoso.

“ Buksan mo ang mga mata mo Mareya, ng makita mo kung sino ang totoong kalaban.” Yun lang at naglakad siya palayo sa akin. Habang ako naman ay naiwang nakatanga sa kaniya. Pilit pinapasok sa utak ang mga sinasabi niya.

Anong problema nun?

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon