Chapter 10

49 13 0
                                    

Nang makarating ako sa apartment ay tulog pa si ate. Kaya naman napag desisyonan kong lutuin nalang muna ang dala kong pagkain total maaga pa. Inilagay ko naman sa ref ang puso at mga daliri. Si ate na ang bahala sa puso at mamayang gabi ko na e barbeque yung mga daliri para mas masarap kainin.

Napagdesisyunan kong adobohin nalang ang laman at karneng nakuha ko mula sa batang yun. Buti nalang talaga at kompleto sa sangkap si ate dito sa kusina, di ko na kailangan pang lumabas para bumili. Nang mahiwa at mahugasan ko na ang mga karne ay sinimulan ko na itong templahan.

Habang hinihintay kong maluto ang adobo ko ay naligo muna ako. Amoy dugo na ako kaya kailangan ko ulit maligo. Medyo kumirot ang sugat ko pero makakaya ko na rin naman ang kirot.

Nang matapos ako sa pagligo at makapagbihis na ay sakto namang nagising na si ate. Naabutan ko siya sa kusina at nagkakape. Naka suot pa siya ng pajama at gulong gulo pa ang buhok. Ang pangit niya.

“ Good morning!” Masaya kong bati sa kaniya at nilapitan ang niluluto ko. Malapit na siyang maluto.

“ Oh? Ang saya mo yata.” Rinig kong tanong niya mula sa likuran ko. Napahagik-ik naman ako at nakangiting humarap sa kaniya.

“ Syempre, nakabingwit ako eh.” Nakangisi kong sabi sa kaniya.

Tumaas naman ang kilay niya. “ Oh? Nasaan na yung biktima mo?”

“ Ayan oh, malapit ng maluto.” Natatawa kong sabi sa kaniya.

Natawa rin siya. “ Gaga, sigurado kang walang nakakita sayo?” Umiling naman ako saka hinalo-halo ang adobong luto na.

“ Madaling araw kong pinaslang ang bata, walang katao tao at kami lang dalawa ang nasa lugar kung saan ko siya pinaslang, sobrang dilim pa kaya, safe. Kaya wag ka nang mag alala diyan. Mag pakabusog nalang tayo.” Sabi ko at nilagay sa lalagyan ang adobo, nilapag ko ito sa lamesa at amoy na amoy ko ang kakaiba nitong amoy. Hindi mabaho, pero hindi rin mabango. Ngunit sapat na ito para maglaway ako. Nakakagutom!

“ Oo nga pala, may puso at mga daliri diyan sa ref, ikaw na ang bahala sa puso tapos e barbeque natin yung mga daliri mamaya.” Sabi ko at kumuha ng pagkain saka dali dali itong sinubo kahit mainit pa.

Hmmm, ang sarap!

“ Talaga? May puso kang dala?” Tumango lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Tumayo naman siya at nagtungo sa ref. Nakita ko naman ang pagngisi niya habang hawak hawak ang puso. For sure malamig na yun.

“ Magaling Mareya. Alam na alam mo na talaga ang kaligayahan ko.” Sabi niya. Tumango lang ako at nagpatuloy pa rin sa pagkain.

“ Di ka kakain?” takang tanong ko ng makita ko siyang paalis ng kusina matapos ibalik sa ref ang puso. Humarap naman siya sa akin.

“ Mamaya na ako, bilisan mo na diyan at may pupuntahan tayo.” Sabi niya ikinatigil ko.

“ Na naman? Saan? Di pa nga naghihilom yung sugat ko.” Nakasimangot kong sabi.

“ Wag ka ng magreklamo, para din to sayo.” Seryoso niyang sabi saka tuluyang umalis sa harapan ko. Napairap nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.

“ Anong ginagawa natin dito?” tanong ko ng makarating kami sa lugar kung saan ako nag ensayo noon.

“ Mag eensayo ka ulit, kailangan mong matutong makipaglaban gamit ang kamao mo, walang armas o kung ano. Baka kasi may makalaban ka na studyanteng marunong makipaglaban ng hand to hand combat, mapuruhan ka pa at mamatay.” Seryoso niyang paliwanag.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon