Chapter 12

42 14 0
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda ni ate para sa gagawin namin ngayon. Araw na ng Byernes at nakatakda naming pasokin ang school para sa aming plano. Kailangang alam namin kung ano ang itsura sa lugar kung saan magaganap ang party, ng sa ganoon ay mas magiging madali para sa amin ang pagtakas o kung ano man ang mangyari.

“ Tara na.” Yaya sa akin ni ate at naunang lumabas ng apartment. Suot ang puro itim na kasuotan na may naka suksuk na mga kutsilyo sa hita at binti, diko maiwasang mapailing, para naman kaming sasabak na sa giyera nito. Dahil katulad ng kapatid ko ay ganun rin ang ipinasuot niya sa akin. Di na ako pumalag dahil gusto ko rin naman ito, nakakadagdag angas.

Medyo madilim pa pero di yun alintana ni ate at nagpatuloy lang sa pagmamaneho ng mabilis sa kaniyang motor. Sa sobrang bilisan ay maski hangin na sumasalubong sa muka ko ay napakasakit. Nagmamadali yata to.

Nang makarating kami sa school ay medyo lumiliwanag na, naroon na rin ang ibang staff ng school, kaya naman napilitan kaming pumasok mula sa likuran. Kinailangan pa naming umakyat sa nagtataasang pader, kaya ganoon na lang ang pag ngiwi ko.

Walangya, medyo masakit pa ang katawan ko! Kahit pa na natatalo ko na yung patpating si Reyes ay kakaiba pa rin ang lakas niya, kaya bigay na bigay rin ang katawan ko, tuloy parating ubos ang lakas ko.

“ Bilisan mo Mareya! Baka may studyanteng makakita sa atin!” Pasinghal na sabi sa akin ni ate, inirapan ko lang siya saka nagmadali sa pag akyat, nahirapan man ay nagawa ko pa rin.

Nauna ng bumaba si ate at sumunod naman ako. Ngunit kaagad rin kaming napatago sa mga halaman ng may dumating na isang staff ng school. Hindi naman kami nito napansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalayo na ito sa amin.

“ Maghiwalay tayo, magkita nalang tayo sa sinasabing hall.” Sabi ni ate at patakbong umalis sa tabi ko. Napailing nalang ako at kumilos na rin.

Dumaan ako sa likuran ng mga classroom, nasisiguro ko kasing walang dumadaan o dadaan dito dahil bukod sa di kaaya-aya ang itsura, ay puno rin ito ng mga ligaw na halaman at basura. Oo, ganoon ka pabaya ang school na ito kaya ganito ang itsura sa likuran ng mga classroom.

Nang mapunta ako sa comfort room ay kaagad akong nagtago sa gilid nito. Tinatanaw ko kung nasaang parte na ako sa school. Hinahanap ko rin kung nasaan yung Hall na sinasabi nila. Hindi naman ako nabigo dahil nasa tabi ko lang pala ito. Punyemas.

Kaagad akong nagtungo sa likuran nito, maswerte naman ako’t merong pintuan dito at bukas pa! Di na ako nagdalawang isip at kaagad na akong pumasok. Kaagad naman akong namangha pagkatapos kong lumabas sa madilim na parteng iyon, maalikabok pa.

“Wow.” Mahinang sabi ko.

Di ko alam na meron palang ganito kalaking lugar sa school na ito. Bagay na bagay talaga para sa mga party. Sa unahan, na siyang nasa kinatatayuan ko ay isang malaking stage. Sa gilid naman ay may nakatambak na mga upuan, maayos naman ang pagkakatambak nito. Kapansin pansin rin ang hagdanan na nasa harapan ko ngayon na papunta sa taas, meron ring chandelier, napakaganda. Naiimagine ko palang ang ganda nito kapag nagkaroon na ito ng dekorasyon ay nangingilabot na ako. Pero mas masaya kapag ang ganda nito ay nahaluan ng dugo.

Di ko maiwasang mapangisi, di na ako makapaghintay. Sinuri ko ang iba’t ibang sulok nito. At nakakatuwang, dalawa lang ang pintuan nito, yung sa likuran at para sa entrance na siyang napakalaki nga naman. Paniguradong mahihirapan sila Mark at Billie sa pagbabantay nito. Pero sila na ang bahala. Basta walang makakatakas. Pag tumakas, papatayin kaagad.

Nang matapos kong suriin ang buong lugar ay di ko namalayang napunta ako sa Principal’s Office, ha! Paniguradong dito nagkukuta ang bruhang kumuha ng aking ama, ang kabit ni Tatay! Ang sumira sa pamilya namin! Di na ako makapaghintay na kitilan siya ng buhay ni ate, pero kapag di ako makapagpigil ay ako mismo ang papatay sa kaniya.

Diko napigilan ang sarili ko at pasimple akong pumasok sa Principal’s Office, walang katao tao. Dahil siguro ay maaga pa, mainam. May mananakaw kaya ako dito? May kayaman kayang tinatago dito ang bruhang Principal na iyon? Well di na ako magtataka kung meron.

Ngunit kaagad akong naging alerto ng may marinig akong kalabog. At ganun nalang ang paninindig ng balahibo ko ng may marinig akong ungol. Nagmumula ito sa isa pang maliit na opisina. Sa sobrang curious ay dahan dahan akong lumapit dito.

Sino naman ang gagawa ng milagro sa ganito ka umaga? Ha! Wala talagang pinipiling oras ang mga tao ngayon.

Narinig ko na naman ang ungol, at palakas na ito ng palakas. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na sumisilip sa dalawang taong gumagawa na ng milagro. Nakapatong ang babae sa lalaking alam kong wala ng suot sa ibaba.

Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang mga ito. Diko maiwasang mapakuyom ng kamao. At talagang sila pa talagang dalawa ha?

Sabagay bagay naman sila, isang kabit na bruha at isang Propesor na mas masahol pa sa demonyo.

Di ko na kayang panuorin at  pakinggan sila kaya dali dali akong tumungo palabas ng office. Ngunit ganun nalang ang pagkatigil at panginginig ko ng makita kung sino ang taong nasa di kalayuan at nakatingin sa akin.

“ T-tay.” Bulong ko. Tila nabasa niya ang bibig ko dahil bigla nalang siyang ngumisi. At mas nagulat pa ako ng sumulyap siya sa opsina kung saan naroon ang kabit niyang nqkikipaglampungan sa isang propesor.

Napangisi ako at nagpatuloy sa paglalakad, di siya pinansin. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Alam niya bang niloloko din siya ng taong naging dahilan ng pagloloko niya? Siguro nasaktan siya, ha! Mabuti kung ganun nga.

Pagkalabas ko sa office ay saktong nakasalubong ko si ate. Kaagad nangunot ang noo ko ng makitang parang may mali na sa suot niya. Parang nagmamadaling isinuot iyon kaya wala sa ayos.

Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit sa kaniya at inamoy siya. Amoy lalaki. Napailing ako.

“ Nagpadilig ka na naman ng wala sa oras.” Walang emosyong sabi ko at natawa lang siya.

“ Come on, kailangan ko rin ito kaya manahimik ka nalang.” Sabi niya at inirapan ako.

“ Oh anong ginagawa mo diyan? Di yan hall.” Maarte niyang dagdag.

Kaagad namang pumasok sa isipan ko ang nakita ko kanina, ang bruhang kabit, ang demonyong Propesor, at si Tatay. Napapikit ako sa galit, gusto ko silang patayin pero dipa oras. Wala pa sa plano. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

“ Tara na, dumadami na ang studyante.” Sabi ko at naunang naglakad patungo sa likuran, syempre nagtatago ako habang naglakad papunta doon. Baka may maghinala pa sa akin. Lalo na’t ganito ang suot ko.

Nang matapos kong makababa mula sa pagkakaakyat ay kaagad akong nagtungo sa motor ni ate. Di lumipas ang ilan pang minuto at sumunod na rin si ate sa akin.

Nagbuntong hininga ako at lumapit sa kaniya.

“ Mauna ka na, may gagawin pa ako.” Sabi ko at hindi na siya hinintay pang makasagot. Naglakad ako sa parke kung saan palagi kong pinupuntahan tuwing umaalis ako sa bahay.

Kailangang mawala ang galit ko, kailangan kong pumatay, kailangan ko ng dugo.

Kaagad akong napangisi ng may makita akong matanda. Nag iisa lang ito at maswerteng walang katao-tao sa parke. Ha! Kung sinuswerte ka nga naman oh.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon