Chapter 05

56 15 0
                                    

Ang aking paglalakbay ay tumagal ng halos isang araw. Walang kain, inom o pahinga. Wala eh, nagkukusa ang aking katawan at di ko ninanais na tumigil laman ng ganun-ganun. Dapat di ako nagsasayang ng oras sapagkat gumagabi na rin. Kaya naman kahit malapit ng bumigay ang aking katawan ay patuloy pa rin ako sa paglalakad. Mabuti nalang talaga at marami akong nakain kanina kung kaya’t hindi ako masyadong nagutom sa paglalakbay ko ngayon kahit hindi ako kumain ng agahan at panghalian.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon. Napadpad ako sa lugar na di ko inaasahan. Isang lugar na ayaw ko na sanang balikan sapagkat maraming masasamang alaala na nakapaloob sa lugar na ito. Ang kakahoyan sa likod na aming paaralan. Di ko maiwasang mapangisi. Naririto kaya si Propesor? Nais ko sanang makita at ma-kumusta siya. Iilang araw ko na rin siyang hindi nakita pagkatapos niya akong gahasain!

Kaagad sumiklab ang galit sa aking dibdib. Oo nga, pinagsamantalahan niya ako! Mahal ko siya oo! Mahal ko siya pero galit ako sa kaniya!

Kaagad kong inayos ang aking sarili at humanda na sa pagpasok sa skwelahan. Mabuti nalang talaga at nasa bandang likuran ang aming room noon kung kaya’t madali akong nakapasok. Hapon na at nagsiuwian na ang mga studyante. Kaya naman, paniguradong mga guro nalaman ang natitira ngayon sa paaralan.

Sa aking paglalakad ay iniiwasan kong pagtangkaang sunugin ang paaralang ito. Hindi, kailangan kong pigilan ang aking sarili! Si propesor ang tanging pakay dito! Siya laman! Ngunit kapag may humarang o pumigil sa aking plano, pwes makikita niya ang kaniyang hinahanap!

Nang makarating na ako sa room ay sumilip muna ako sa bintana. At mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang itsura ni Propesor. Bakit tila nag iba siya?! Ang kaniyang buhok ay halatang walang gupit at sobrang gulo! Ang kaniyang damit ay gusot gusot! Ang kaniyang balbas ay mataas narin! Pumangit siya! Napangisi ako, anong nangyayari sa aking mahal na Propesor? Masyado bang stress sa trabaho kung kaya’t nag kaka ganiyan siya? Nakakatuwang makitang nahihirapan siya!

Kay sarap sa pakiramdam!

Papasok na sana ako ng marinig ko ang mga binubulong niya sa hangin. Kaagad na kumunot ang aking noo ng marinig ko ito ng klaro.

“ Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito! Sana hindi ko yun ginawa!”

Pagkatapos ay bigla bigla nalaman niyang sinabunutan ang kaniyang sarili. Nababaliw na ba siya? Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko ang aking sarili, nais kong matakot siya sa akin! Ngunit di pa man ako nakaka hakbang ay may bigla ng humila sa akin. Kaagad akong naging alerto at kukunin na sana ang kutsilyong nakatago sa aking bag ng bigla nalang may kung anong humampas sa aking ulo dahilan upang mahilo ako at mawalan ng balanse.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang ngisi sa kaniyang mga labi, sino siya?!

‘ Kalat na sa buong lungsod ang karumaldumal na pangyayaring naganap sa ating lugar ngayon. Ayon sa mga mamamayan ng San Isidro at Del Simon. May natagpuan silang walang buhay na paslit at binata. Napaka brutal umano ang pagpatay sa mga ito. Ayun pa ay naka bukas umano ang tiyan ng binata ng makita nila ito sa isang kubo habang ang paslit naman ay butas ang leeg. Totoong napakabrutal nga! Ngunit ang ipinagtataka nila ay kung bakit nag iiwan ng damit ang salarin sa nagaganap na krimen ngayon, ano kaya ang nais nitong ipahiwatig?’

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng radyong kung ano-ano ang pinagsasabi. Ano ba ang nangyari?! Nasaan ako? Ano ang nangyari?!

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon