Chapter 09

42 13 0
                                    

Nasaan ako? Bakit ako nandito? Anong nangyari? Diba kanina lang nakipaglaban pa kami ni ate? Ano’t nandito ako?

Kaagad kong ipinalibot ang paningin ko sa paligid. T-teka, bahay namin to ah. Bakit ako narito?! Dinala ba ako ni ate dito?! Walang hiya! Di niya alam kung gaano ko ka disgustong bumalik dito!

“ Anak...”

Kaagad akong napalingon sa likuran ko, kung nasaan naroroon ang tumawag sa akin, ang Nanay ko. Anak? Ha! Ngayon ko lang narinig yun sa kaniya.

“ Anak, halika na, maghaponan na tayo.” Malambing niyang saad, ang kamay naman niya ay nakalahad sa akin.

Anong nangyayari?! Bakit tila naging mabait siya sa akin?! Ano to, palabas? Kung oo pwes di nato nakakatuwa!

“ Anak? Halika na, naghihintay na sila sa hapag kainan.” Kaagad namang kumunot ang noo ko.

“ Sila? Sinong sila?” Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman siya at hinawakan ang pisngi ko, kaagad naman akong umiwas. Ha! Nangingilabot ako kapag nahahawakan ko ang sino man sa kanila!

“ Ano ka ba, anong nangyayari sayo? Syempre ang Tatay at Ate mo, nandoon na sila sa hapag kainan at naghihintay sa atin kaya halika na.”

A-ano? B-ba-

“ Tara.” Di na ako nakapalag pa ng hilain niya ako papunta sa kusina. Ano to?! Tama nga si Nanay, kompleto nga kami ngayon. Nandito si Tatay, at nakangiti siya sa akin. Pati si Ate ay nakangiti rin, yung ngiting hindi peke, tunay na tunay at natural ang ngiti niya.

“ Mareya anak, kanina ka pa namin hinihintay. Halika na dito’t makakain na tayo.” Nakangiting sabi sa akin ni Tatay. Samantalang ako ay nakatulala pa rin.

Inalalayan pa ako ni Nanay na maupo sa tabi ni Ate. Pag-upo ko naman ay kaagad akong nginitian ni Ate.

P-parang may mali. Bakit parang ang perpekto ng pamilyang ito?

“ Sobrang saya ko dahil kumpleto tayo ngayon. Sana palaging ganito. Sayang kasi kailangan din ako sa trabaho ko.”

Napintig ang tenga ko sa sinabi ni Tatay. Kaagad akong napatayo kaya napatingin silang lahat sa akin.

H-hindi. Hindi ito ang pamilya ko! Hindi, wala na akong pamilya. Hindi ito tama. Mali to, ilusyon lang to! Panaginip! Gusto ko ng magising! Ayaw ko silang makasama! Gusto ko ng gumising! Hindi! Hindi ito maaari! Panaginip lang to! May ibang pamilya na si Tatay kaya di na siya umuuwi sa amin! Taksil siya! At galit naman si Nanay sa akin! Nagpapanggap laman siya! Si Ate! Hindi ko siya pinagkakatiwalaan! Hindi! Panaginip lang to!

“ Hindi! Hindi!”

Kaagad akong napabalikwas ng bangon. Ramdam ko ang pawis kong tumutulo mula sa noo ko. Hingal na hingal rin ako na para bang galing ako sa isang karera.

Panaginip lang pala. Isang napakasamang panginip. Napatingin naman ako sa oras, 2:40 AM.

Kaagad akong bumangon para sana pumunta sa banyo para maligo, pero kaagad rin akong napangiwi ng kumirot ang tagiliran ko. Oo nga pala, may daplis ako. Mabuti at nabuhat ako ni ate pauwi? O baka naman nagpatulong siya? Kanino naman? Ewan.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon