Chapter 08

45 15 2
                                    

Araw ng miyerkules, umagang umaga ngunit hito ako at bihis na bihis. Nasa harapan ko si ate ngayon at bihis na bihis rin. Nakasuot siya ng puro itim at may takip ang muka niya, kagaya nung una ko siyang makita. Ganun rin naman ang itsura ko naka itim lahat at mata lang ang nakikita. Di ko alam kung saan kami pupunta, basta basta niya nalang kasi akong binulabog sa kwarto ko at pinaghihila patungong banyo upang maligo. Tapos paglabas ko may nakahanda ng damit. At ito na, naka porma na kami.

" Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng seryosong tingin saka naglakad patungo sa isang kwarto.

Alam ko ang kwartong yun, nandoon lahat ng mga armas niya nakalagay. Nang mabuksan na niya ito ay kaagad siyang pumasok at sumunod naman kaagad ako.

At ganun nalang ang pagkamangha ko sa mga nakita ko. Di ko mapigilang maglaway sa mga nakikita kong matutulis na bagay. May iba't ibang klase ng kutsilyo ang naroon, meron ring mga baril.

" S-saan mo to nakuha?" Mangha kong tanong at lumapit sa mga patalim. Gusto kong hawakan ang mga iyon!

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. " Ah yan? Ninakaw ko sa dating may ari ng apartment na ito."

Kaagad akong napalingon sa kaniya at kinunuotan siya ng noo. " Sino?" Taka kong tanong ngunit ngumisi lang siya at kumuha ng baril. Kinasa niya ito at itinutok sa akin. Napalunok ako, nakalimutan ko, baliw nga pala tong kasama ko.

" Wala, pumili ka na ng gusto mong gamitin, kakailanganin natin yan mamaya." Sabi niya at naglakad palabas.

Dali-dali naman akong kumuha ng patalim, yung sakto lang para di mahirap dalhin at hindi sagabal. Kumuha na rin ako ng pocket knife.

Paglabas ko sa kwarto na iyon ay naabutan ko siyang inaayos ang boots niya, nakita ko namang may nakasuksok pa na patalim doon.

Lumapit ako sa kaniya. " Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ulit at umupo sa malapit na upuan.

Lumingon naman siya sa akin. " Magnanakaw" Simpleng sagot niya sa akin.

" Ng ano?"

" Mga kagamitang pwede nating magamit sa gagawin natin sa darating na Lunes." Nakangisi niyang sabi dahilan upang mangilabot ako. Baliw.

Aaminin ko, kakaiba ang dating niya. Parang napakamisteryoso niyang tao. Parang marami akong di alam sa kaniya.

Binigyan ko nalang siya ng tango saka siya naglakad patungo sa likuran kung nasaan naroroon ang motor niya. Nakasunod lang ako sa kaniya na para bang isa akong asong tuta. Bakit tila naging sunod sunoran yata ako sa kaniya? Dahil ba ate ko siya? Hindi, hindi! Dahil lang to sa mga plano niya, dahil gusto ko ang mga plano niya at naaayon iyon lahat sa kagustuhan ko.

" Dapat matuto ka ring magmaneho ng ganito Mareya. " Rinig kong sabi niya saka siya sumakay sa motor niya.

" Pano naman ako matututo? Eh wala nga akong sariling motor." Pairap kong sabi saka umangkas na rin sa motor.

Bago niya pinaandar ang motor ay nagsalita pa siya. " Mareya, kaya nga naimbento ang salitang nakaw diba? Dahil may mga magnanakaw. At tayo yun, magnanakaw tayo ng motorsiklo, pero bago yan ay dapat ka munang matuto." Sabi niya saka niya pinaharurot ang motorsiklo. Muntik pa akong mahulog, buti nalang at napakapit ako sa kaniya.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon