Chapter 03

72 16 0
                                    

" Pamela one, pamela mela one, pamela two, pamela mela two-"

Diko maiwasang mapangisi habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa ilalim ng buwan. Kay lalakas ng mga loob, bakit ba sila pinapabayaan ng mga magulang nila? Hay nako, mabuti naman at pinabayaan sila. Maiisagawa ko ng malinis ang aking mga plano ko.

Diko maiwasang mapahalakhak sa aking isipan. Ang mga imaheng naglalaro sa aking isipan ay siyang lubos at nais kong gagawin ngayon. Ang mga imahe ng mga paslit na nagsisigawan at nagmamakaawa, mga duguan at unti unting nawawalan ng buhay sa aking mga kamay. Habang ako ay nagpapakasaya at nagpapakasarap sa kanilang mga katawan. Hmm, labis na akong nasasabik!

Tamang tama talaga, gutom na gutom na ako dahil sa pagtakbo. Buong araw akong tumakbo sa kakahoyan para lang makalayo sa paslit na aking unang tinikman. At dito ko natagpuan ang aking sarili. Sa isang barangay na may maraming batang naglalaro sa gabi. Hmm, napaka swerte ko naman yata.

" Miss, naliligaw ka ba?"

Nilingon ko ang pangahas na lalaking humawak sa aking mga braso. Kaagad ko siyang tinapunan ng masamang tingin. Lalaki, lalaki, mga hayop lahat ang lalaki! Galit ako sa kanila! Mga mapagpanggap ang mga lalaki! Manggagamit! Tanging sarap laman ang habol nila sa mga babae! Dapat sa kanila ay pinuputulan ng ari!

" Layo." Pagtataboy ko, ngunit ngumisi laman siya sa akin.

" Aba, palaban, gusto ko iyan, halika miss sumama ka sa akin, papaligayahin kita." May malademonyong ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi na kay sarap burahin. Halatang alagad ni propesor ang isang to! Isa ring walang hiya at katawan laman ang habol sa akin!

Ngunit nagugutom na ako. At mukang mahihirapan akong kumuha sa isa sa mga paslit na naglalaro doon dahil sa lalaking to. Hmm, itong lalaking ito nalang kaya?

Sinuri ko ang kaniyang kabuohan. May makakapal sa kilay at labi. Medyo matangos na ilong, malaman ng kunti ang katawan- pwede na! Pwede na to! Sakto na siya para maibsan ang aking gutom!

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti dahilan upang mas lumaki ang ngiti niya. " Hmm, saan naman tayo paroroon?" Ang aking mga kamay ay inilagay ko sa kaniyang dibdib at malagkit na tumitig sa kaniyang mga mata. Alam na alam ko kung paano makukuha ang isang to. Ang mga malilibog at manyak na katulad niya ay pang aakit laman ang katapat! Sobrang dali!

" Halika, tiyak na sasaya ka sa piling ko." May matagumpay na ngiti sa kaniyang mga labi saka niya ako hinila. Ha! Di niya alam na sa aming dalawa ay ako ang magtatagumpay. Makikita niya, ako! Ako ang magtatagumpay!

Dinala niya ako sa isang lumang kubo. Parang kapag tumungtong kaming dalawa sa loob ay bibigay na ito. Pero dahil sagad na sagad na talaga sa kalibogan ang lalaking kasama ko ay kaagad niya akong hinila papasok. Tumunog pa ang sahig tanda na malapit na talagang bumigay ang kubong ito.

Hindi na ako nagulat pa ng kaagad akong sunggaban ng halik ng halimaw na ito. Hinayaan ko laman siya, makakaganti rin ako maya-maya.

Habang abala siya sa paghalik sa aking leeg at pag hubad sa akin ng paunti-unti ay inilibot ko ang aking mga mata. Kaagad na pako ang aking paningin sa nakasabit sa isang maliit na lalagyan. Kutsilyo. Kutsilyo!

Di ko mapigilang mapangisi at maluha sa sobrang galak. Sa wakas! Makakahawak na ako ng kutsilyo! Nasasabik na akong gamitin iyon at itarak sa iba't ibang bahagi ng katawan ng lalaking ito. Nasasabik na ako! Gusto ko ng makitang naglulupsay siya sa sahig habang unti-unti siyang nawawalan ng buhay. Sabik na sabik na akong dumanak ang dugo ngayong gabi!

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon