Chapter 14

44 14 0
                                    

Lunes na, di na maalis ang ngiti sa akin labi. Ito na ang araw na aking pinakahihintay. Ang araw kung saan dadanak ang dugo. Ang araw kung saan makakamit ko na ang tagumpay. Sa wakas ay matatahimik na ako kahit papaano.

Suot ang dating uniform ay nakangisi akong lumabas sa kwarto ko. Natagpuan ko naman si ate na nakasuot ng pang teacher. Diko maiwasang matawa. Bagay na bagay sa kaniya, ngunit nakasibangot siya. Tsk, tsk. Sa pagkakaalam ko ay magpapanggap na guard yung tatlong lalaki. Siguro naman di sila mapapansin dahil pabaya ang may ari ng school.

Hayst, mag enjoy na siya ngayon dahil kukunin na namin lahat ng nasa kaniya. Pati buhay niya. Diko maiwasang mapahalakhak sa aking isipan.

“ Nasaan na ang mga aramas na maaari nating gamitin?” nakangiti kong tanong, ayaw kong masira ang mood ko.

Umirap naman siya sa akin. “ Duh, dinala na nila Billie nung sabado, tsk, kung saan saan ka kasi nagsusuot pagkatapos mong patayin si Nanay.” Singhal niya sa akin.

Tuloy naisip ko yung nangyari sa araw na iyon. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko. Nararapat laman iyon sa kaniya. Ayon kay ate ay itinapon ng tatlong lalaki ang kawan ni Nanay, kung saan? Diko alam at wala akong pakialam.

“ Oh well, handa ka na ba? Kasi ako, handang handa na.” Nakangisi kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngisi sa mga labi niyang kay pula.

“ My dear Mareya, di lang ikaw ang nasasabik sa araw na ito.” Natatawa niyang saad saka nagpamaunang naglakad palabas sa apartment. Ngingisi ngisi naman akong sumunod sa kaniya.

Alas 7 na ng gabi at paniguradong nagsisimula na ang kasiyahan. Mainam, para di nila mapansing nakapasok kami.

Nang makarating kami sa school ay kaagad kaming naghiwalay ni ate, dapat di nila kami makitang magkasama. Kaagad ko namang inayos ang kutsilyong nakatago sa ilalim ng aking paldan, pati ang aking uniform at buhok ay inayos ko na rin dahil malamang nasira na ang ayos nito sa bilis ng pagpapatakbo ni ate. Matapos nun ay nakangiti akong pumasok sa school.

Nakasalubong ko pa si Reyes kaya medyo natigilan ako. Di ko maitatangging, may itsura din siya kahit na payatot siya. Nanlaki naman ang mata ko ng lumapit siya sa akin, punyemas baka mabulilyaso kami!

“ Ano ba?! Baka may makakita sa atin!” pabulong kong singhal sa kaniya ngunit tinitigan niya laman ako.

“ Mag iingat ka.” Mahina niyang sabi saka naglakad palayo. Naiwan naman akong nakatulala sa gitna ng daan. Ano yun?! Bakit may ganun?! Kitang kita ko sa mga mata niya ang sinseridad, pero bakit?!

Natauhan naman ako ng may marinig akong sigawan sa di kalayuan, batid kong nasa Hall iyon, halatang nagkakasiyahan na nga sila. Ha! Magsaya lang sila, dahil mamaya ay iiyak na sila ng dugo.

Kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad patungong hall. Sa labas palang ay kitang kita na ang mga studyanteng may kung ano anong idenisenyo sa kani kanilang mga uniform. Ha! Mga walang magawa talaga, porket uniform ang ipinapasuot ay gaganiyanin na nila! Walang kwenta talaga ang may ari ng school na ito na siya ring Principal at bruhang kabit ni Tatay!

Napairap nalang ako sa hangin at nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sobrang ingay dahil sa iba’t ibang boses na dinagdagan pa nang sound system na galing sa naglalakihang speaker. Di ko maitatangging mas gumanda talaga ang Hall kaysa dati nitong ayos. Nagkalat rin ang mga lamesang may desinyo at mga upuan sa gilid, sa gitna naman ay naroon ang mga studyanteng parang nauulol sa pagsasayaw at paghihiyawan.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon