Chapter 04

66 16 0
                                    

Magmamadaling araw na at ito pa rin ako naglalakad sa kakahoyan. Hindi ako inaantok bagkus ay mas nasisiyahan akong masaksihan ang kadiliman. Mas nanaisin ko pang matulog sa umaga kesa sa gabi. Dahil tuwing gabi ay nagkakaroon ako ng kakaibang lakas. At sa pagsapit rin ng gabi ay ang aking uhaw sa laman at dugo ng tao ay di maipaliwanag. Talagang nasasabik akong kumain ng putahe ng tao! Sino bang hindi?! Eh kay linamnam ng putahe ng tao kaya hahanap hanapin ko talaga iyon.

Naglalakad laman ako ng walang direksiyon at naghihintay laman kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ngunit hindi ko inaasahang mapunta ako sa isang ilog, sobrang ganda! Ang tubig nito ay kumikinang dahil sa sikat ng buwan! Kay sarap maligo! Tama! Ilang araw na rin akong hindi naliligo, at ngayon ay binigyan na ako ng pagkakataon.

Dali-dali akong nagtungo sa may malaking bato para hubarin ang lahat ng aking damit. Wala namang tao kaya malaya akong nakakapaghubad. Hmm, kay sarap sa pakiramdam na para kang malayang ibon na walang ibang ginawa kundi ang maghanap ng pagkain, ang putahe ng tao. Di ko maiwasang mapahalakhak sa aking isipan. Tila di na talaga mawala sa aking isipan ang sarap ng putahe ng tao. Talagang hinahanap-hanap ko na ito.

“ Ahhh ang sarap.”

Di ko maiwasang mapapikit sa sarap ng maramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking katawan. Kay sarap sa pakiramdam, parang gusto kong manatili muna rito ng matagal. Walang tao, mainam naman- pero sayang, nais ko pa naman sanang magkaroon ng snack ngayon, napagod kasi ako sa paglalakbay patungo kung saan pero ayos lang naman dahil ito ang aking natagpuan, isang ilog na sobrang linaw at ganda.

Hinayaan ko laman ang aking sariling magpalutang-lutang sa ilog. Ang aking kahubaran ay naliliwanagan ng sinag ng buwan, pakiramdam ko tuloy ay isa akong dyosa o kung hindi ay diwata sa ilog na ito. Kay sarap sa pakiramdam. Nakakagaan ng loob.

Hanggang sa hindi ko namalayang unti unti na akong nakakatulog.

“ Kyaaa! Stop it ano ba! Eeeh nakikiliti ako teka muna.”

Kaagad akong napamulat sa aking narinig. Muntikan pa akong nawalan ng balanse dahil sa gulat. Walang hiya! Sinong may lakas ng loob na mag ingay habang ako ay natutulog?! Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa pagdisturbo nila sa aking pamamahinga!

Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaki at babae. Nagkikilitian sila habang unti-unting naghuhubad ang babae. Ang lalaki naman ay kung saan saan na umabot ang mga kamay sa katawan ng babae. Di ko maiwasang mapangisi, pagkain, pagkain, dalawang putahe sa aking harapan. Kay swerte ko talaga, ano’t dito sila napadpad? Dahil inihandog sila sa akin? Ha! Napakaswerte ko!

Dahan-dahan akong nagtago sa isang madilim na parte ng ilog saka sila palihim na pinapanood. Napiling ako ng makita kong nakahubad na silang dalawa, hay nako, masasaksihan ko ba ngayon ang kanilang mainit ngunit nakakadiring pagtatalik?! Ano ba iyan, nasasabik na akong kumitil ng buhay! Sana naman ay hindi sila magtagal sa kanilang gagagawin! Diko ninanais na masaksihan ang mangyayaring tuklawan sa kanilang dalawa!

“ Kyaaa huwag tayo sa tubig ano ba!”

Di ko maiwasang mainis sa tinis ng boses ng babae. Di ba pwedeng huwag nalang sumigaw?! Kay landi at sakit sa tenga ng kaniyang boses! Nakakarindi! Ang sarap tuloy saksakin ng kaniyang lalamunan ng siya’y hindi na makapagsalita!

Ang kaninang inakala kong gagawa na ng milagro ay ngayon ay nasa tubig na at naghahabulan. Ano ba! Parang mga bata! Naiinip na ako! Ano kaya’t isasagawa ko na laman ang aking maitim na balak?! Napangisi ako. Mabuti pa nga! Nang sa ganun ay makapagpahinga na ako at di ko na masaksihan ang tuklawan sa pagitan ng dalawang ito!

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon