Chapter 06

68 15 0
                                    

(one week later)


" Ano Mareya? Handa ka na ba? Handa ka na bang maghiganti?"

Binigyan ko siya ng isang malademonyong ngisi saka tumango. Bitbit ko ang aking pinakamamahal na kutsilyo na handa ng kumitil ng buhay!

" Handang handa na!" Sagot ko sa kaniya dahilan upang mapangisi rin siya ng malademonyo.

" Mainam, sige na't gawin mo na, basta ang aking pasalubong ha huwag mong kakalimutan, ang puso!"

Tumango laman ako sa kaniya saka naglakad patungo sa likuran ng bahay ng taong gusto kong kitilan ng buhay ngayong gabi. Katulad ko ay baliw rin ang babaeng kasabwat ko ngayon. Oo, baliw siya, baliw rin ako inaamin ko iyon. Ngunit mas baliw siya kaysa sa akin! Baliw siya! Isang baliw na ang paborito ay ang puso ng tao! Kaya mas baliw siya!

Sino siya? Siya yung babaeng inakala kong kalaban. Yun pala ay kakampi pagdating sa aking kinakabaliwan. Oo, nababaliw kami! Binabaliw kami! Nasasabik kaming kumitil ng tao! Ang pinagkaiba nga lang namin ay tamad siya habang ako ay hindi. Ginaganahan ako tuwing nakakakita ako ng dugo at takot na mukang nagmamakaawa. Hays napakasarap kaya sa pakiramdam!

At ngayon ay naririto ako sa bahay ng aking kaklase. Yung babaeng kumakain noon sa restaurant at nagsasayang ng pagkain. Tsk, tsk! Kay ganda niya ngunit kailangan niyang maparusahan! Ngunit di lang yun ang sadya ko, nasasabik na rin kasi ako sa karne ng tao. Isang linggo rin akong di nakakatikim ng karne ng tao dahil sa pagsasanay sa akin ng babae kung paano manlaban at gumamit ng iba't ibang klase ng armas.

Tsk, ang babaeng yun! Pinahirapan pa ako! Eh pareho lang naman pala kaming baliw! Baliw nga siya! Oo pareha nga kami diba?!

Sa isang linggo ay itinatak niya sa aking isipan na baliw ako! At unti unti ko na rin itong natatanggap! Kay sarap palang maging baliw ano?! Nakakasabik at kay sarap sa pakiramdam!

Kaagad akong umakyat sa hagdanang nakita ko sa kanilang bakuran kanina. Mga bobo! Sinong tangang mag iiwan ng hagdanan sa labas ng bahay?! Yan tuloy, makakapasok ako! Nasa second floor kasi ang kwarto ng target ko kung kaya't kailangan ko ng hagdanan.

Walang makakapansin sa akin dahil nag iisa laman itong bahay na ito sa lugar nato. Ang bobo diba?! Feeling private! Hays, nag iiba na talaga ang aking mga salita dahil sa babaeng iyon!

Wala ang mga magulang ng babaeng aking papatayin ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ang tanging nasa loob lang ng bahay ay ang aking target at ang pinsan niya na kasama niya noon sa restaurant. Meron ring isang katulong pero umuuwi tuwing gabi. Hays mga boba! Saan ko nalaman lahat ng iyon? Well matalino at maraming connection ang babaeng tumulong sa akin kung kaya't marami akong impormasyong nalaman.

Nang makatungtong na ako sa terrace ng kwarto ay dahan-dahan akong naglakad na walang tunog para di niya mahalata na merong tao. Sumilip ako sa glass door, hmm, mukang walang tao ah. Baka naman nasa bar iyon katulad ng hinala namin kanina ng kasama kong babae? Baka nga! Mabuti naman at ng makakapasok ako ng matiwasay. Hihintayin ko nalaman siya sa loob.

Sinubukan kong buksan ang glass door at kung sineswerte ka nga naman, bukas! Hays, bakit ang tanga ng babaeng ito?! Tanga pa! Tanga! Iwan ba namang bukas ang pinto! Tsk, tsk! Pero mas mabuti na rin ito, ayoko namang basagin itong glass door o pumasok pa sa mahirap na daanan! Hassle yun no. Sayang sa energy.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon