Chapter 02

84 19 5
                                    

Palaboy-laboy na ako ng ilang araw. Walang kain, ligo at natutulog laman sa bangketa. Gutom na gutom na ako. At gusto ko ng maligo. Sumasakit na rin ang katawan ko at nahihilo na ako. Hindi ko na rin ninais pang pumasok sa klase. Baka di ako makapagpigil at masunog ko ang buong skwelahang iyon na puno ng mga may bulok na utak na mga studyante. Tsk tsk, tinaguriang pribadong skwelahan ngunit ang mga studyante at Propesor ay may ugaling basura. Tsk tsk, nagsasayang laman sila ng buhay. Ang bagay sa kanila ay mamatay! O mas maganda ilibing ng buhay!

Saan ako pupunta?! Wala, wala akong mapuntahan. Itinakwil na ako ng lahat! Walang gustong maniwala sa akin! Bahala sila, bahala sila sa buhay nila. Pagdating ng panahon ay magbabayad din sila! Magsisisi sila!

Tanghaling tapat, at gutom na gutom na ako. Nasa tapat ako ng isang restaurant, pinapanood ang mga taong kumakain. Sarap na sarap sila, natatakam tuloy ako. Iniisip ko nalang na sa bawat kagat at lunok nila ay madadama at malalasahan ko rin ang sarap ng lasa ng pagkain.

Di ko maiwasang mapanga-nga rin sa bawat subo at kagat nila sa pagkain.

Napailing ako ng makita kong may mga babaeng iniwan laman ang pagkain nilang hindi pa ubos. Mga nagsasayang! Mga nagsasayang ng pagkain at pera! Bakit pa sila kumain kung di lang din naman nila uubusin?! Sana ginutom nalang nila ang sarili nila. Di ba nila alam na merong mga nagugutom na katulad ko?! Di ba rin nila naisip ang mararamdaman ng nagluto ng pagkaing kinakain nila?! Malamang nasaktan na yun dahil pakiramdam niya na hindi masarap ang pagkain na niluto niya! Inutil!

Nakita ko naman ang mga bababeng yun na naglalakad patungo sa direksiyon ko. Makikinis ang kanilang mga balat at halatang mayayaman. Hmm, kay sarap tikman. Kaagad ko naman silang hinarang.

“ Eww! Shoo! Umalis ka nga ang baho mo!” Kaagad na tili ng babae. Kilala ko siya, oo kilala ko siya. Kaklase ko siya, isa sa mga bully at maarte kong kaklase na palagi akong pinagtitripan. Wala ring siyang kwentang tao na nabubuhay sa mundong ito.

“ Di dapat kayo nagsasayang ng pagkain! Di niyo alam ang pakiramdam ng sinasayang!” Nanlilisik ang mga matang sabi ko.

Tumaas ang kilay nung isa “ Excuse me?! Why do you care ba?! It’s not our fault kung di masarap ang pagkain nila! Pwede ba, umalis ka sa harapan namin!” Maarteng sigaw sa akin nung isa. Di ko siya kilala, ngunit napakaganda niya. Ang puti at kinis niya. Kabaligtaran ko na sobrang dumi at baho!

“ Ano?! Go away! Sho! Ikaw ang mag adjust!”

Hindi ako nakinig at nanatiling nakatitig laman sa kanila. Nagugutom na ako, at ang kinis ng mga balat nila. Paano kaya pag niluto ko ang mga balat nila?! Masarap siguro, yung pina crispy at medyo overcooked. Tapos isasawsaw ko sa sauce kagaya sa mga nakikita ko ngayon sa kumakain sa restaurant. Hmm, naglalaway na ako. Nakakatakam.

“ Ano kayang lasa niyo?” Nakangisi kong sabi dahilan upang mamilog ang mga mata nila.

“ Omygee! Baliw ka na! Tara na nga!” At dali dali silang naglakad papalayo sa akin. Naiwan lang akong nakatitig sa kanila. Sayang!

Lumapit naman ako sa nagliligpit ng mga pagkain. Open kasi ang restaurant kaya malaya akong nakapasok. May nagrereklamo dahil sobrang baho ko raw. Nakakadiri daw ako. Paki ko sa kanila?! Gutom ako kaya magsitahimik dapat sila!

“ Akin nalang yung tira.” Seryoso kong sabi habang nakatingin sa pagkain. Nakakatakam , nakakapaglaway, ang sarap tingnan.

The Psycho's Wrath | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon