HULING PAALAM
Paano: Kabanata 2Nagising si Romano sa sinag ng araw galing sa bintana. Mabigat ang pakiramdam nyang bumangon mula sa kama.
Sinimulan nya ang araw sa pag gawa ng almusal. Hindi pa din nya nakakaligtaan na ipag handa ng makakain si Adeline araw-araw.
Pinag titimpla pa din nya ito ng paboritong gatas.
Dalawa pa din ang hinahain nyang plato at kubyertos sa lamesa.
"Salamat mahal ko!" Naka ngiting sambit ni Adeline habang ito'y naka upo.
Isa pala itong piraso ng alaala noong nabubuhay pa si Adeline.
Muling nag babalik ang mga imahe ng mga araw-araw nilang sabay na pag kain tuwing umaga.
Tinitignan ni Romano ang paboritong pwesto ng kanyang nobya tuwing sila'y kumakain ng sabay.
Laging naka upo ito sa kanyang tabi.
Tanda nya ang mga bawat sandali sa tuwing sila'y masayang kumakain. Masayang nag papalitan ng mga kawili wiling mga kwento, at mga matatamis na halikan.
Unti-unting bumabalik ang bawat piraso ng alaala sa kanya. Ang alaala kung saan muling na bubuhay ang taong pinaka mamahal nya.
Muling na namang tumulo ang mga luha nya. Iniisip uli ang bukas kung paano sya ngayon dahil mawawala na pang habang buhay ang taong mahal nya.
"Mahal?" Na bigla si Romano sa narinig nyang boses. Agad syang lumingon sa kabilang direksyon.
Dahil sa sobrang tuwa nakayakap nya ito.
Nayayakap nyang muli si Adeline.
"Umiiyak ka ba?" Hindi maka sagot si Romano, pero tumango tango ito habang yakap nya si Adeline.
"Mahal kita," naka ngiting pag kakasabi ni Adeline habang yakap si Romano.
"Oo, alam ko. Mahal na mahal mo ko." Mas humigpit pa ang yakap ni Romano sa babaeng yakap yakap nya ngayon.
'Natutuwa ako at nayayakap kitang muli...'
'Babalik kana ba ulit sa piling ko?'
°•====•=========•====•°
Buong araw hinihintay ni Romano si Adeline.
Hinahanap nya ito sa kusina, pero wala ito.
Hinahanap nya ito sa dati nyang kwarto, pero wala pa din ito.
Hinanap nya ito sa balcony, pero wala ito.
Muli syang bumalik sa kwarto nya, at bumungad sa kanya ang kanina nya pang hinihintay.
BINABASA MO ANG
Paano?
General FictionPaano ka ba makakalaya sa sakit ng kahapon? Paano ka makakalaya sa taong iniwan ka ng walang paalam? Paano ka makakalaya sa masamang dulot ng iyong nakaraan? Paano ka makakalaya sa isang desisyon na hindi mo inaasahan? Ang istoryang ito ay alay sa m...