KABANATA 29 (Edited)

0 2 0
                                    

PARK BO YEONG
IKALAWANG PARTE

POV: TRISTAN MERCADO

"Mag iingat ka pare."
Nasa mini cafe kami ngayon sa isang kilalang Airport, nag aantay ng announcement para sa flight ko.

"Oo naman. Ikaw din. Bibisita ako sa New Zealand para kumustahin ka."
Pag higop ko sa kape.

"30 minutes na syang wala. Pupunta ba yun?"
Pag tingin ni Romano sa orasan nya.
Wala pa din si Yannie hangang ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan at tatlumpong minuto na syang wala.

"Nag reply na ba sa chat mo?"
Tanong sa'kin ni Romano.

Tinitignan ko ang cellphone ko pero hindi pa din nya siniseen ang mga chat ko sa kanya.

Nasaan kana?

30 minutes delayed ang flight.

30 minutes kanang wala.

Tulog ka pa din ba?

Nasaan kana ba?

"Hindi pa din nya ko siniseen. Ikaw?"
Sinilip din nya ang kanyang cellphone.

"Wala din eh. Puyat yon alam ko."
Nabangit ko kay Romano

"Dahil?"
Tinanong nya ko.

"Pinapaasikaso na ng mga magulang nya yung documents nya papuntang Korea."

"Oo nga pala."




Flight 567. Calling the attention of flight 567 passengers please proceed to the lobby now. Calling all the passengers how has a flight no. 567, please proceed to the lobby now.



"Flight mo yun di ba? Teka. Wala pa si Yannie."

"Malalate na ko."

"Dala mo yung singsing?"

"Oo dala ko, bakit?"

"Kung sakali man na sya ang makatuluyan mo. Ingatan mo ang puso ni Adeline. Syempre, ingatan mo sya bilang si Yannie."

Nag tataka na ko sa mga sinabi ni Romano sakin. Alam naman nyang wala na kaming pag asa ni Yannie. Kung ano ano pinag sasabi neto.

"Alam mo namang wala na kaming pag asa ni Yanniee di ba?"

"Malay mo naman."

Sinuntok ko sya sa balikat.

"Sige na. Una ko. Paki sabi sa kanya, ngayon pa sya na late kung kailan boarding na ko."

"Sasabihin ko sa kanya."

Umaakyat na ko sa pataas sa escalator kasama ang ibang mga pasahero. Kumaway uli ako habang papa akyat sa lobby. Nang nakita ko si Yannie mula sa malayo papatakbo papunta kay Romano.

Nakita ko kung paano tinuro ni Romano ang pwesto ko papaakyat sa escalator. At, ang pag lingon ni Yannie. Hinangal na hingal sa mula sa pag takbo. Napansin ko din na ginusot nya sa kanyang kamay ang isang bond paper.

Kumaway muli ako sa kanilang dalawa, tuluyan na kong dumiretso sa lobby.





I think we are better off without being together. I think it's the best way for us to grow. Sana maintindihan nya din yon.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon